Chapter 31

1.1K 77 4
                                    

Ilang buwan ang lumipas kapanganakan ko na.Nandito ako ngayon sa balcony ng aking kwarto.Gabi-gabi akonh tumitingin sa mga bituin at humihiling na sana mababalik ko pa ang nakaraan.Nawawala ang akong lungkot kapag titingin ako sa buwan.

Ang lungkot siguro ng buwan noh kasi tanging mga bituin lang ang kanyang kasama.Kung bibigyan ako ng pagkakataong gawin ang mga bagay na gusto ko.

Gusto king maging buwan dahil para malaman ko ang mga sekreto ng mga tao at para rin may pagkakataon akong panuorin si Chris habang natutulog kasama ang mahal niya.Kontento na akong makita siya sa malayo at malaman ang kalagayan niya

Tumulo ang aking luha.Kahit ilang buwan na ang lumipas at kahit sinampal na ako ng katotohanan gusto ko paring ibalik yung pagmamahalan namin ni Chris.

Kahit pinigilan kong hindi maiyak dahil makakasama daw iton sa baby ko ngunit kusang tutlo yung mga luha ko ng walang dahilan.Naramdaman kong sumipa yung baby ko.Hinaplos ko ang umbok ng aking tyan kunting panahon nalang masisilayan ko mo na ang mundo anak.

Napayakap ako sa aking katawan dahil sa lamig ng hangin na dumaan.Mabuti pa yung hangin malaya kung saan niya gustong pumunta.

Taimtim akong nagdadasal gabi-gabi na sana maging maayos ang buhay ng magiging anak ko.Sana hindi katulad nang sakin na magulo.Ito ba talaga yung kapalaran ko?.
Ang unfair naman ng mundo kung sino pa yung taong mamahalin mo yun pa yung mawawalay sayo.

Hindi ako binigyan ng pagkakataon na makasama ang taong mahal ko.Sana naman yung magiging kapalaran ng anak ko kung babae siya ay mamahalin siya ng kanyang asawa habang buhay.Kapag lalaki naman siya,sana hindi siya iiwanan ng kanyang asawa at masaya silang mamumuhay hanggang sa huling hininga nila.

Babalik na sana ako sa loob ng biglang may lumabas na tubig sa pagkababae ko.Napasigaw ako dahil sa sakit na dala non.Napahawak ako bakal ng terrance.Hindi ko alam saan yung masakit sa katawan ko dahil pakiramdam ko mula ulo hanggang paa ang ang masakit sakin.

My water broke

Pinagpawisan na ako dahil sa sobrang kaba na aking nararamdaman.Pinakalma ko ang aking sarili qt tinawag si mommy.

"Mom"malakas na sigaw ko.Parang kidlat na tumatakbo si mommy patungo sa terrance.

"Anong nangyari"hiningal na tanong niya.Hindi ako sumagot dahil napakainit ng pakiramdam ko.

"Manganganak kana El".natarantang ani niya.

Dali-dali niyang tinawagan yung midwife kasi yun yung magpapa-anak sa akin.

"Masakit ba anak...tiisin mo lang dadating na sila maya-maya". nataranta na si mommy, pinagpawisan narin ito at nanginginig na ang kanyang mga kamay.

"Hali ka doon muna tayo sa loob".inalalayan ako ni Mommy bat pinaupo ako sa upuan.Humihilab na yung tiyan ko,mariin akong pumikit habang hinahabol yung hininga ko. Para akong binalian ng buto dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.Nahihilo ako habang tinitignan si  mommy na pabalik-balik ng lakad sa aking harapan.mukhang mas kinabahan pa siya kaysa sakin.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Ciela kasama ang midwife.Dali-dali nitong inilapag yung mga gamit niya.Binuhat ako ng isang guard namin na pogi papuntang banyo.Inilagay niya ako sa bathtub na may tubig. Ba't may tubig ito magsuswimming ba ako?

Pumasok yung midwife at dali-dali hinubad yung suot kong panty at sinukat yung opening ko.

"Umiri ka iha..sige pa umiri ka pa"utos sakin ng midwife.
Hinawakan ni mommy yung kamay ko."Kaya mo yan anak alam kong malakas ka"umiyak na saad ni mommy.

"Malapit na ma'am kunting push  nalang po".narinig kong sabi ng babae sa aking paligid.Kilala ko yung boses na yun si Ciela.

Ilang beses akong umiri, hanggang naubos na yung lakas ko.Ito na siguro yung katapusan ko.Pakiramdam ko mamatay na ako.Bigla kong nakita ang mga alaalang kasama ko sina papa ay mama... napangiti ako siguro ito na yung panahon na mgakikita kami nina Mama at Papa.Hindi ako nag-alala na maiwanan ko ang aking anak dahil alam kong aalagaan iyon ni Mommy ng mabuti.

Pipikit na sana ako nang marinig ko ang isang iyak ng sanggol.Nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha.Tears of joy!Nawala lahat ng sakit na naramdaman ko ng marinig ang iyak ng aking anak.Napalitan iyon ng saya at kontento.

"It's a boy"masayang ani ng midwife."A healthy baby boy.

Dahil sa sinabi ng midwife umiyak ako dahil sa saya. Na surprisa talaga ako. Lalaki ang anak ko.

Abala ang midwife sa paglilinis ng aking anak.Gusto ko sanang tumayo ngunit kulang ang lakas ko.

"Anong ipapangalan mo sa kanya?Nakaisip kana ba?"Usisa ni Mommy sa  akin habang pinapanood ko. ang midwife na abala sa paglilinis sa aking munting anak.

"Gavin Greer Odis po Mom"nanghihinang sagot ko kay Mommy.

"Ang ganda naman anak".maligayang tugon ni mommy Oniria.
Hinaplos ni mommy ang aking buhok na basang-basa dahil sa pawis.Nilipat nila ako sa kama pagkatapos kong mailabas yung sanggol.Pagkatapos linisan ng midwife ang baby ko binalot niya iyon sa isang malinis na puting lampin at ibinigay iyon sa akin

Huminto ang pag-iyak   niya ng  mahagkan ko ito.Naiyak ako ng masilayan ang mukha niya.Nabayaran lahat ng sakit at hirap na nadaanan ko.He's so little and cute nakanganga pa ito.

"I love you baby Gavin ko".Hinalikan ko ang noo nito.

Hinding-hindi ako nagsisisi na minahal ko si Chris dahil kong walang nangyari samin ay hindi ko masisilayan ang anak ko.

Pinadede ko ito dahil yun ang sabi ng midwife.Ilang minuto ang lumipas umalis na yung midwife nilinisan din nang mga katulong ang banyo.Nakatulog narin yung munting sanggol ko.

"Matulog ka muna anak para makabawi ka ng lakas.Ako na yunh bahala ni baby Gavin".Ibinigay ko kay Mommy yung baby at inilagay niya iyon sa lagayan ng baby.

Maya-maya hinila na ako ng antok.Panatag na yung loob ko na makita ang aking anak na nasa mabuting kalagayan.










"Good morning baby Gavin".Humalik ako sa pisngi ng akin anak."Ang bango-bango naman ng baby ko".

Hindi parin ako makapaniwala na lumabas siya sa akin."Pasensya ka na anak kung hindi ko mabibigay sayo ang kompletong pamilya.Pero gagawin ko ang lahat para mapunan ang mga pagkukulang na iyon.Siguro kong nandito lang yung daddy mo,anak.Masaya rin siguro siyang makita ka".Kinakausap ko ito kahit alam kong hindi naman ito sasagot.

Hindi ako nagsasawang pagmasdan kahit ilang oras pa yan.My son was already 1 month old.Nag one month siya kahapon.Nagluto si mommy ng cake.May munting salo-salo kami kasama ang mga katulong at bodyguard namin.

Hindi ko alam kong ano ang magyayari sa buhay ko kung hindi ako sinagip nina Lily at Mommy.

Kumusta na kaya sina Chris ngayon,siguro malapit naring manganak si Belle.Ano kaya yung magiging gender ng baby nila?.

Ipinasuot ko ang maliit na mittens sa anak ko.Pupunta kasi kami ngayon sa hospital para echick-up si Gavin.Malusog naman ito ngunit kailangan parin niyang echick-up para makaiwas sa sakit.

"Ang fresh naman ng apo ko". binigyan ni mommy ng magaan na halik sa pisngi si baby Gavin.

"Tapos ka na ba anak? Naghihintay si Manong Isto sa baba".

"Mauna na po kayo ni baby Mom.May kukunin pa kasi ako saglit".tugon ko kay Mommy Oni.

"Okay".Kinarga ni Mommy yung sanggol at lumabas.















•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Thank you for reading 😊 Don't forget to vote





Bukas na po yung isang chapter kasi magsleep na ako😁

I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) CompletedWhere stories live. Discover now