"Napag-isipan ko na babalik tayo don sa dati nating tinitirhan".ani ni mama."Sasama ba si kuya Ma?".tanong ko."Sasamahan niya tayo...tapos babalik siya dito para tapusin yung pag-aaral niya".sagot ni mama.
"Kailan po tayo aalis?".
"Sa susunod na araw".tugon ni mama.Mas mabuti na bumalik kami sa dati naming tahanan para makapagsimula ulit at nakalimutan ko ang masasakiy na nangyare sakin dito.
"Dadalhin po ba natin lahat ng gamit natin Ma?".tanong ko ulit.
Hindi kasi dito uuwi yung kuya mo kapag linggo".sagot ni mama.
"Pupunta muna ako sa kwarto".paalam ko sa kanya.
"Sige pahinga ka muna".Pumasok ako sa kwarto at umupo sa kama.Matagal narin simula nong umalis kami sa bahay namin noon.Binuksan ko ang aking maleta para kumuha ng damit.Nang-isasara ko na ito.May naipit na isang box ng mug.Sa dinami-dami na ng mug ko hindi ko na alam kong saan ko nalagay ang iba.
Mapait akong ngumiti dahil sa nakita ko ang picture naming dalawa ni Chris na nakadikit sa mug.
Napakasaya ko sa araw na ito.Kahit simple lang yung date namin, tumutugtog siya ng gitara.Tumulo na naman yung luha ko ng maalala yung mga masasayang araw naming dalawa ni Chris.
Akala ko talaga noon ako yung sadya niya pero ang nakakatawa ginamit niya lang ako para mapalapit kay Belle.Niyakap ko yung mug at hinayaan kong tumulo yong luha ko.
"Sobra-sobra ba yung pagmamahal na binigay ni Chris sayo...na humigit pa sa pagmamahal ko sayo anak".Napatingin ako ni Mama.Nakatayo ito sa pinto, umiiyak si Mama habang papalapit sakin.
Umupo ito sa tabi ko.
"Hali ka nga ".Niyakap ako ni Mama."Ma ang sakit kase".Para akong bata na inagawan ng candy dahil sa sitwasyon ko ngayon."Shshshsh....tahan na anak nandito lang si Mama....mahal na mahal kita".Marahang tinapik ni Mama yung likod ko.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang si Mama naman ay pinapatahan ako.
"Malaki ka na talaga anak....noon umiiyak ka kapag hindi ka binigyan ng kuya mo...ngayon dahil sa lalaki umiiyak ka".malungkot na ni Mama.
"Kung buhay pa sana si Papa mo...maalagaan pa sana kita ng maayos hindi sana kita napabayaan". Humihikbing ani ni Mama.
Kinabukasan nagising ako na nasa tabi ko si Mama.Tatayo na sana ako pero may bigla akong naapakan.Kaya tinignan ko kung ano ito.Natapakan ko pala ang paa ni Kuya.Nakahiga kasi ito sa sahig habang yakap-yakap yung unan niya. Ano naman kaya ang nakain nito at dito natulog.
Napailing nalang ako.Si kuya talaga. Pumunta ako sa cr para maghilamos.Napatingin ako sa salamin.Medyo tumaba ata ako ngayon at ang laki rin ng eye bag ko.Pagkatapos kung maghilamos pumunta ako sa kusina para makapagluto ng almusal.
Nagsaing muna ako bago ko niluto yung itlog at hotdog.
"El mag-impake ka mamaya ha para bukas".antok na ani ni kuya.
"Good morning kuya".bati ko sa kanya."Morning". tipid sa sagot nito.
Nilagay ko yung pritong itlog sa lamesa."Nasan si Mama kuya?".tanong ko sa kanya."Nandon sa kwarto nililigpit yung mga kumot".Umupo si kuya sa upuan."Ah ganon ba".
Pumunta ako sa kwarto sa kwarto para yayain si Mama na kumain."Ma kain na tayo nagluto na ako ng almusal natin".ani ko.
"Sige El susunod ako".
Pagbalik ko naabutan ko si kuya na naglalagay ng tubig sa pitsel.
"Nasan si Mama?".tanong ni kuya."Susunod daw siya".
Maya-maya dumating si Mama at nagsimula na kaming kumain.Nandito ako ngayon sa cafe.Kahit malayo yung bahay namin,kailangan ko paring pumasok kasi sahod ko ngayon at ito na yung huli huli g araw na magtatrabaho ako dito.
"El ito yung sahod mo oh bigay uan sakin kanina".ano ni Lily sabay abot ng sobre.
"Salamat Lily ha".
"Hihingi sana akin ng phone number mo kasi para naman makumusta kita"
"O segi ba".inabot niya sakin yung phone niya at sinave ko yung phone number ko.
"Pagdating mo sa inyo ha tawagan mo ako ha".saad ni Lily.
"Oo naman wag kang mag alala tatawagan kita"tugon ko nito.
Bumalik ako sa trabaho dahil baka mapagalitan pa kami ng manager namin.Isang araw ang duty ko ngayon kasi pang huling pasok ko na to.Habang kumukuha ako ng order ng mga costumer napansin kong nakatulala si Lily kaya nilapitan ko ito."Lily ayos kalang?".
"A-ah...O-oo ayos lang ako "."Mabuti naman kung ganon".
"Ito naba yung order nila ang daming tao ngayon noh mas domoble pa noong una".
"Oo nga eh".tugon ko
"Segi pupunta na ako sa kitchen para maihanda to nila".paalam nito.Hapon na nang makabalik ako sa bahay naabutan ko si mama kanina na nagliligpit ng mga gamit namin.Si kuya naman ang naglinis sa bahay.Inabot ko kay mama ang pera.
"Sayo na yan anak may pera naman ako dito". nakangiting sagot ni mama.
"Segi ma sabihan mo lang ako kapag ubos na po yung pera niyo".tugon ko kay mama.
"Oo anak...segi ihanda muna yung mga gamit mo para dalhin natin bukas".
Pumunta ako sa kwarto para ihanda ang gamit ko Inilagay ko ang aking mga damit sa malita.Tinignan ko yung phone ko dahil tumunog ito.Nagtext pala si Be.
Ruby:El how are you?
Eloise:Ayos lang ako nandito ako sa bahay.
Ruby: Ingat ka El ha.
Eloise:Oo ikaw rin dyan.
Bumalik ako sa pagliligpit ng damit
"Bunso hali kana kain na tayo ng hapunan".sigaw ni kuya sa labas.
"Oo kuya susunod ako".sigaw ko pabalik sa kanya.
Pagkatapos ng hapunan na tulog na agad ako para maaga akong magising bukas.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa bus ngayon 8:00 palang pumunta na kami sa España para makasakay ng sasakyan.Habang nasa byahe kami tumitingin lang ako sa nadadaanan naming mga punong kahoy.
"Bunso dyan ako lipat ka dito".
"Bakit ba?"
"Basta sumunod ka nalang"."Nay o si kuya".sumbong ko kay mama."Sundin mo nalang si kuya mo".
Umirap ako kay kuya saka lumipat ng upuan.Tumawa lang si kuya na lalong nagpainis sa akin.Nasa gitna ako nilang dalawa.Ilang minuto ang lumipas dinalaw ako ng antok kaya sumandal ako sa balikat ni kuya.
Hinaplos ni kuya yung ulo ko."Tulog ka muna malayo oa tayo".Ipinikit ko ang aking mga mata.Maya-maya nilamon ako ng antok.Nagising nalang ako na nagkagulo ang mga tao.
"Kuya anong nangyari".gulat na tanong kay kuya.Ngumiti si kuya sa akin.
"Anyare dito Ma ba't nagkagulo yung mga tao?"tanong ko kay mama.
"Nawalan ng prino ying bus".kalmadong sagot ni mama."Ano!".tumingin ako sa pabas puro puno lang yung nadadaanan namin.Nagsimula ng lumakas ang tibok ng puso ko.
"Wag kang mag-alala nandito lang kami ni Mama sa tabi mo". pinapakalma ako ni kuya."Kuya mababangga tayo". naiiyak na ani ko.Niyakap ako ni Mama at kuya."Mahal na mahal kita Eloise". malambing ani ni Mama.
"Ako rin mahal na mahal kita bunso".bulong ni kuya.Nanginginig dahil sa takot.Lalo pang bumilis ang takbo ng bus.Napapikit nalang ako ng sumigaw ng malakas ang mga tao.Nahulog yung bus sa bangin.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••Thank you for reading 😊 Don't forget to vote ☺️
YOU ARE READING
I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) Completed
RomanceI'll always be there, where you left me.-Eloise Catiana Acosta If choosing that risk will make you safe,Baby I'm willing to take the risks,even if that risk will ruin our relationship.-Chris Steven Algonso 05-21-2023/12-16-2023