Chapter 27

1.1K 75 3
                                    

Nagising ako na umiikot yung paningin ko.Tumingin ako sa paligid,puro duguan yung mga tao na nasa paligid ko.Bigla kung naalala yung nangyare.Nahulog pala ang bus sa bangin.

Parang huminto yung tibok ng puso ko nang makita si Mama at kuya na duguan at walang malay.

"M-Ma....K-Kuya... gumising kayo pakiusap".niyugyog ko silang dalawa."M-Ma... gumising kayo...w-wag niyo akong iwan". humihikbi ani ko ngunit hindi parin sila gumigising.

Maraming bubug sa katawan nila.Kaya pala niyakap ako nilang dalawa kanina para hindi ako mapuruhan.Hinawakan ko ang mga pulso nila ngunit walang nang pumipintig don.
Umiiyak ako habang niyayakap ang bangkay  ng mga  taong mahal ko.

Bakit to nangyari sakin ba't lahat nalang ng mga taong mahal ko ay ipinagkait sa akin na aking makasama.Ayos lang sakin na iniwan ako ni Chris,pero kapag silang dalawa yung mawawala sakin ay nawalan na nang silbi yung buhay ko.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Ma...kuya mahal na mahal ko kayo". humihikbing ani ko.
Ilang minuto ang lumipas walang dumating na tulong.Dahil siguro walang tao dito at walang dumadaang sasakyan.

Habang patuloy ako sa pag-iyak biglang nahulog yung phone ko sa aking bulsa.Kinuha ko ito at tinawagan si Be ngunit hindi ito sumasagot.

"Please Be sumagot ka ".

Naalala ko na nasave ko pala yung phone number ni Lily dito sa phone ko.Tunawagan ko siya,pangalawang tawag ko sa kanya sinagot na niya ito.

"El nakarating kana?". Bungad ni Lily sakin."Naaksidente kami Lily". humihikbing sagot ko.
"Ano!...sang lugar ba kayo naaksidente?".Tumingin ako sa paligid.May nakita akong lumang tarpolin.Punit-punit  na ito.Binasa ko ito.Welcome to- biglang lumabo yung paningin ko.

Hindi ko na alam kong ano ang kasunod na nangyari dahil nilamon na ako ng dilim.

Nang magising ako,bumungad sakin ang puting kisame.Nasa langit na ba ako?. Tatayo na sana ako ngunit biglang sumakit yung katawan at kamay ko.May nakalagay pala na dextrose dito.
Huh may dextrose pala sa langit?.

Napatingin ako sa pinto dahil biglang bumukas iyon.Iniluwa si Lily."Gising ka na pala...kumusta yung pakiramdam mo?". Nakangiting tanong niya sakin.

"Masakit yung katawan ko...sandali nasan ba ako?".tanong ko sa kanya.
"Nasa hospital ka El...nang  tumawag sakin kanina nawalan ka ng malay.Mabuti nga't may dumaang sasakyan sa lugar kung saan kayo naaksidente at humingi siya ng tulong sa mga pulis.Tinawagan ako ng mga pulis dahil ako yung nakita nila na huli mong kausap.Sinabi ng mga pulis yung lokasyon mo kaya pinuntahan kita".mahabang paliwanag niya.

"Sina Mama nasan sila?".tanong ko sa kanya.Napayuko ito."A-Ano patay na sila". mahinang sagot niya.Napapikit ako habang tumutulo yung mga luha ko.Oo nga pala wala na sila.

"Lily patayin mo nalang ako...wala nang saysay yung buhay ko.Iniwan na nila ako".umiiyak na ani ko.
"Hoy gaga!gagawin mo pa akong mamamatay tao at saka nandyan pa yung baby mo.Lumaban ka para sa kanya.Nandito pa ako sa tabi mo El.Hindi ka nag-iisa".Hinawakan niya ang kamay ko.

"May nakakaalam ba na nandito ako?".tanong ko kay Lily."Wala El...pero may tumawag sayo kanina hinahanap ka.Ang sabi ko sa kanya na naaksidente ka at dead on arrival".sagot niya.

"Grabi ka naman".

"Alam mo mas mabuti na nga na sinabi ko sa kanya yun para makalimutan ka na nila.Gusto mong magmoveon diba?".saad niya.

"Sinabi niya ba yung pangalan niya?".tanong ko ulit.
"Oo...Ruby daw yung pangalan niya"."Ah ganon ba.Tama yung sinabi mo sa kanila para makalimutan na nila ako".sagot ko.

I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) CompletedWhere stories live. Discover now