Kinabukasan, maaga akong gumising hindi na ako kumain ng agahan kasi nagtext ako kay Chris kagabi na magkita kami sa Park.Hindi naman siya nagreply pero umaasa akong dadating siya.
Dalawang oras na ang lumipas ngunit hindi pari siya dumating,malapit na akong mawalan ng pag-asa kaya nilibang ko ang aking sarili.Tumingin ako sa mga taong naglalakad sa malayo konti pa qng mga tao dito kasi maaga pa.
Nabigla ako ng may umupo sa tabi ko.
"Chris".tawag ko sa kanya.
"You're wasting my time marami pa akong gagawin".inis na sagot niya.Aalis na sana ito ngunit hinawakan ko ang jacket niya at lumuhod.
"Chris maawa ka naman sakin wag mo akong iwan pakiusap handa akong kalimutan ang lahat ng iyon bumalik kalang saakin". pakiusap ko sa kanya habang umiiyak."mahal na mahal kita"."Tumayo ka nga pinagtitinginan na tayo ng mga tao".inis na sagot niya ngunit umiling ako.Sumuko ito at dahan-dahan niya akong pintayo.
"El I don't love you anymore si Belle yung mahal ko".Para akong naputulan ng hininga dahil sa sinabi niya."Pero mahal kita Chris". humihikbing sagot ko.
"El ikakasal na kami ni Belle next week at hindi mo na mapigilan iyon,hindi na kita mahal".
diretsong saad niya.Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya."G-Ganon ba? hindi mo na ba talaga ako mahal?," tumingin ako sa mga mata niya.
"Yes," malamig na sagot ni Chris."'Wag kang mag alala sapat na yung pagmamahal ko para sa ating dalawa Chris". pinunasan ko ang luhang umaagos sa pisngi ko."Pwede ba kitang mayakap kahit saglit lang".paki usap ko sa kanya.
"Fine ,"
Mahigpit ko siyang niyakap ngunit hindi niya ako niyakap pabalik,ayos lang yun ang mahalaga nayakap ko pa siya kahit saglit.
"Palagi mong tatandaan Chris na mahal na mahal kita".ani ko habang umiiyak.
"Te amo mucho mi amor...heré todo por ti kita"
Binalewala ko ang binulong niya sa akin dahil hindi ko ito naiintindihan.Bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya.Tumalikod ito sa akin at umalis,hindi siya lumingon at patuloy lang ito sa paglalakad hanggang makarating siya sa kanyang sasakyan.Nangmakaalis na si Chris umupo ako ulit sa bench.Niyakap ko yung sarili ko,mag-isa na ako ngayon wala na yung taong mahal ko.Mag-isa ko nang palalakihin ang aking anak.
Hinawakan ko ang aking tyan kasi tumunog ito,hindi pa pala ako kumakain ng agahan nagugutom na siguro si baby.Pinunasan ko ang aking luha at tumayo para makaalis na.Habang naglalakad ako pauwi huminto ako sa isang karyenderya at para doon kumain.
"Ate magkano po yung adobong manok?".tanong ko.
"Bente iha"."Isa po nyan tapos kanin din isa". Naghanap ako ng bakanteng upuan.Umupo ako sa dulo kasi yun lang ang bakante.
Nang dumating na yung order ko, nagtataka ako kasi may milk tea.
"Ahm... Miss hindi po ako nag-order ng milk tea".ani ko sa babae.
"Ay yan po ba? bonus po yan sa mga costumer dito".sagot niya.
"Ahh ganon po ba salamat ha".sagot ko at ngumiti lang siya.Inuna kong ininomang milk tea masarap naman siya kalasa lang sa milk tea ng cafe na tinatrabahoan ko.Nangmatapos akong kumain,pinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa dorm.
Sumakit ang aking paa dahil sa kakalakad.Ang arte naman ng katawan ko parang hindi sanay sa paglalakad,siguro dahil to sa pagbubuntis ko.
Nangmakarating ako sa dorm naabutan ko si Ruby na naghihintay sa labas.
"Hoy El saan ka pumunta at hindi ka nagpaalam sa akin,Kumain ka na ba?". nag-alalang tanong niya.
"Ba't ganan yung mukha mo? hali ka dito pumasok nga tayo".Hinatak niya ako papasok sa loob at pinaupo sa sofa.
"Ano nagkaayos ba kayo ni Chris?".tanong niya.
Umiling ako at tumula na naman yung luha ko."I-Ikakasal na sila sa susunod na linggo Be". Base sa emosyon ni Be naawa ito dahil sa kalagayan ko.
"Shshsh...tahan na pabayaan mo na sila wag ka nang umiyak makakaapekto yan sa baby mo El".malumanay na sagot niya.
"A-Ang sakit kasi Be Eh".
"Ganyan talaga kapag tanga tayo".sagot niya niyakap niya ako ng mahigpit.Lumipas ang dalawang araw, nandito ako ngayon sa cafe, pagkatapos ng klase dumiretso agad ako dito.Habang nakaupo ako sa counter.Bumukas ang pinto ng cafe,pumasok don ang babaeng mahal ng mahal ko....si Belle nakangiti ito habang papalapit sa counter.
"Hi Eloise how are you?". ngumiti ito ng peke."Ayos lang naman"."Forget the past na ha let's focus on the present...may ibibigay ako sayong invitation sa kasal namin ni Chris sana makapunta ka ha".Inabot niya sa akon ang isang mamahaling invitation card.
Tinanggap ko ito "Thank you sa invention don't worry pupunta ako".Umalis ito habang ako naman ay pinipigilan ang pag-iyak.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Ruby,sinabi ko sa kanya na binigyan ako ng invitation ni Belle.Sinabihan niya ako na sa pag-uwi ko nalang daw kami mag-uusap.
Gabi ng makauwi ako sa dorm"Pupunta ka sa kasal El para ipakita mo sa kanila na malakas ka"."Di ko yata kaya yan Be eh".sagot ko.
"Wag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo hindi kita pababayaan.Ngumiti ako sa kanya."Salamat Be ha"."Wala yon El alam ko kong gaano kasakit yan...pareho tayo diba". natatawang sagot niya.
"Oo nga noh".
"Ako na ang bahala sa susuotin natin.Ngayon ang araw ng kasal ng lalaking pinakamamahal ko.Malapad ang ngiti niya habang hinihintay si Belle na naglalakad patungong altar,nakahawak siya sa kanyang ama.
Napakaganda ng kasuotan ni Belle.Nangmakarating siya sa altar hinawakan ni Chris ang kamay niya at sabay silang humarap sa pari.
Kung ang ibang tao ang nanonood sa kanilang dalawa magiging masaya sila.Pero para sa akin,parang mamamatay na ako dahil sikip ng dibdib ko.
"Do you take Laurianne Belle Laurasia Obianna as your wife,to have and hold from this day forward, for better, for worst,for richer,for poorer,in sickness and health,to love and cherish,until parted by death".
"I do".sagot ni Chris tumulo yung luha niya ng sabihin ang mga katagang iyon.Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.
"Inulit ng pari ang sinabi niya kanina at sumagot naman si Belle ng "I do".
"Chris as you place a ring on belle's fingers,say your vow".saad ng pari
"With this ring ....I take to be my wedded wife.With deepest joy i receive you into my life that together we may be one,I promise to share with you my love,my everything,I love you......El".May binulong siya sa huli pero dahil don ngumiti ng matamis si Belle.
Hindi ko na napigilan ang aking luha at lumabas sa simbahan walang nakapansin sakin kasi abala sila sa panonood habang nagpapalitan ng panata ang dalawa.
Nasa pinakahuli kami umupo ni Be kaya madali akong nakalabas.
Umupo ako at niyakap ang aking tuhod.Nagsigawan yung mga tao sa loob ng sinabi ng na kiss the bride.Lalong pang sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig.Kasal na talaga silang dalawa.
Nagulat ako ng may humaplos sa aking balikat.Nilingon ko ito,nakita ko si Be na umiiyak din.
"Tahan na El...uwi na tayo".Tango lang ang tugon ko dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa sikip ng dibdib ko.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Thank you for reading 😊 Don't forget to vote 😊
YOU ARE READING
I LOVE YOU SINCE WE WERE YOUNG(Goneloleñtis #1) Completed
Storie d'amoreI'll always be there, where you left me.-Eloise Catiana Acosta If choosing that risk will make you safe,Baby I'm willing to take the risks,even if that risk will ruin our relationship.-Chris Steven Algonso 05-21-2023/12-16-2023