Nandito ako sa school ngayon, hinihintay ko na dumating si Clyde, malapit na kasi mag time pero wala pa siya. Ayaw na ayaw pa naman non ma-late.
Agad akong na alarma nang pumunta na si Professor Wena sa harapan para mag simula.
"Okay let's check the attendance, say present if you're here." Sabi niya bago isuot ang salamin. "Okay who's excused for today?" Panimulang tanong niya bago mag simula sa pag tawag.
Tumingin ako sa paligid para tignan kung may magtataas ng kamay, nahihiya naman ako pero kasi baka dumating pa si Clyde.
Madiin akong pumikit bago mag taas ng kamay.
"Yes, Ms.Fortalleza." Inilahad niya pa ang kamay niya para ituro ako, nakatutok sa'kin ang paningin ng classmates ko nang tumayo ako para magsalita.
"Clyde Matteo is not here pa po but I'm sure dadating po 'yon, perhaps he will be late; if so, please do not mark him absen—"
"I'm sorry, I'm late." Agad akong natigilan nang pumasok si Clyde, I knew it. Hindi 'yan a-absent.
He looks so stressed, parang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Well, hindi na ako magtataka.
Napangiti ako nang umupo parin siya sa tabi ko, ang kaso tahimik siya. Hindi kagaya sa mga normal days na pag upo niya palang ay guguluhin niya na agad ako para pagalitan ako ng teacher.
Para siyang bumalik sa Clyde na hindi ko pa kilala. Yung Clyde na nakita ko lang sa smoking area ng bar.
"Do you have something to say?" Napaiwas ako ng tingin nang magsalita siya, umiling lang ako bago mag focus sa notes ko noong nakaraang linggo pa.
"I guess we're not okay?" Mahinang sabi ko habang nakatingin parin sa notes, matagal siya bago sumagot.
"I'm okay, baka ikaw hindi." Sagot niya, kunot noo ko siyang tinignan dahil doon. I thought nagbibiro siya pero seryoso lang siyang nakatingin sa unahan. Napansin siguro niya na tumingin ako kaya naman tumingin din siya sa'kin.
"What? What's wrong?" Seryoso nanamang tanong niya. Kunot noong akong umiling bago mag focus nalang sa lesson.
Am I okay? Yes I am.
Hindi ako sanay sa Clyde na katabi ko ngayon pero dapat ba akong magreklamo? Alam kong ako ang mali, sa aming dalawa ako yung hindi nagsabi, sa aming dalawa ako yung unang nakaalam pero hindi ko manlang siya binigyan ng hint.
Naging smooth naman ang pagtuturo ni Ms.Wena, dalawang oras ang period niya kaya naman break time na agad pagkatapos.
"Clyde, saan tayo kakain?" Tanong ko nang tumayo siya, taka niya akong tinignan bago sumagot.
"I'll eat with Daisy, hindi mo ba kayang kumain mag-isa?" Tanong niya. "Ayain mo si Bea, palagi naman kayong sabay dati nung hindi mo pa ako nakikilala 'di ba?" He added, hindi ako nakasagot pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yon. I didn't expect that.
"Clyde, kung umaakto ka ng ganito dahil sa nalaman mo kahapon, I'm sorry." Sabi ko dahilan para mapatigil siya sa pag hakbang. "Baka naman pwede pa nating i save yung friendship natin? Pwede pa naman tayong tumutol 'di ba?" Sarkastiko siyang tumawa na animo'y nakarinig ng hindi nakakatawang joke pagkatapos kong sabihin 'yon.
"I'm not playing with you Fren, kung sa tingin mo magiging okay pa tayo after nung nangyari, I'm sorry pero hindi." Huling sambit niya bago ako iwanang nakatulala sa loob ng classroom.
Napabalik ako sa ulirat nang mag ring ang cellphone ko, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para makita kung sino ang tumatawag. It's Bea.
Tumikhim pa ko para hindi mautal dahil paulit-ulit parin na umiikot sa isip ko yung sinabi ni Clyde kanina.
YOU ARE READING
Ruthless
RomanceI'm Latania Fren Fortalleza, half Filipina, half French, my parents called me Frenchie. "Okay naman lahat, may circle of friends ako, masaya kami. Not until this arrangement came into my life, that arrangement ruined my life." I want him back but it...