Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag katok, noong una ay nag taka pa ako kung nasaan ako pero kalaunan ay na realize ko rin kaagad na nandito nga pala ako sa bahay, bahay namin ni Clyde.
"Ma'am Fren, handa na po ang tanghalian." Rinig ko sa boses ng babae mula sa labas. Kaagad akong tumayo at humarap sa salamin bago buksan anb pinto.
"Susunod na po ako." Nakangiting sagot ko pagkabukas ng pinto bago 'yon isarado ulit.
Pumasok ako sa bathroom ng kwarto ko, it's a good thing na may sarili akong bathroom dahil marami akong girl stuffs.
Nag toothbrush at nag hilamos ako bago i pony tail ang buhok ko bago mag palit ng damit pang bahay.
Tinignan ko pa sa salamin ang final look ko, I am indeed pretty, I have perfect milky white skin, and brown wavy hair na hanggang bewang ang haba. I have brown almond eyes, and a high bridge nose, especially the cupid bow shape of my pinkish lip. Mas angat ang pagiging French sa itsura ko kaya naman marami ang nag aakala na hindi ako Filipino.
Tumingin ako ng oras sa wrist watch ko and it's already 11:30 ng umaga. Perfect time for lunch.
Kaagad akong bumaba dahil baka naghihintay na sila, nakita kong nakaupo si Clyde sa dulo ng lamesa. Hindi pa nagsisimula sa pag kain na animo'y may hinihintay.
"Kain na po tayo Ma'am Fren." Kaagad na napatingin sakin si Clyde nang sabihin 'yon ni ate. I don't know her name pa.
"Yeah, start na kayo." Nakangiting sabi ko bago umupo sa kabilang dulo ng upuan.
May pagkain naman na sa mga pinggan namin kaya hindi na namin kailangan mag sandok.
Tahimik lang kaming kumakain, nakatayo naman yung katulong sa gilid para marinig niya kung may iuutos kami.
"Manang Ness, pakikuha po ng laptop ko sa kwarto." Utos ni Clyde habang naghihiwa ng steak.
So that's her name..
"Saglit lang po, Sir." Kaagad na umalis sa tabi namin si manang Ness, biglang naging awkward ang paligid noong kaming dalawa nalang ni Clyde ang natira sa lamesa. Walang nagsasalita at tanging tunog lang ng kubyertos ang bumubuhay sa paligid.
"Fren, I need those copies of the paperworks na pinagawa ko sayo, please email them to me so that I may finish our unfinished report." Seryosong sabi ni Clyde dahilan para mabasag ang crystal ng katahimikan.
"Mga anong oras?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "I'll try na i check pa ng isang beses mamaya to know if perfect na ba yung computations so anong oras mo kailangan?" Dagdag ko pa. Inilapag ko ang kubyertos ko nang maubos na ang laman ng plato ko.
Tumingin siya sa wrist watch niya bago ibaling ang paningin niya sakin. "Maybe 5 p.m?" Tanong niya.
"Well, pwede ko naman i send ng mas maaga. 5 mo pa ba gagawin?" Tanong ko, I missed this casual conversation with him.
"Yeah, may pupuntahan pa ako." Simpleng sagot nito, magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone niya.
"Hello, Daisy." Nakangiting sagot niya, tinitigan ko ang ngiting 'yon bago mag pasya na tumayo at dalahin sa lababo ang pinagkainan ko dahil tapos na rin naman akong kumain.
"Oh, may lakad kami ni Renz mamaya. Gusto mo sumama?" Rinig kong pag aya niya rito.
Nakasalubong ko si mang Ness noong paakyat na ako sa kwarto, dala dala niya ang laptop ni Clyde. Ngumiti pa siya sakin kaya naman nginitian ko rin siya bago namin malagpasan ang isa't-isa.
YOU ARE READING
Ruthless
RomanceI'm Latania Fren Fortalleza, half Filipina, half French, my parents called me Frenchie. "Okay naman lahat, may circle of friends ako, masaya kami. Not until this arrangement came into my life, that arrangement ruined my life." I want him back but it...