CHAPTER 19

414 14 7
                                    

Huminga ako nang malalim nang makarating na kami ni Renz sa bahay, sandali pa akong tumitig sa loob at bukas na ang ilaw. For sure nasa loob na si Clyde.

"Samahan na kita sa loob, baka kung ano pang gawin sa'yo no'n." Sambit ni Renz kaya naman umiling nalang ako bago alisin ang seatbelt 'ko.

"Huwag na, I know Clyde. Hindi niya ako sasaktan, Renz." Sagot ko naman.

Hindi niya kakayanin na saktan ako, Physically.

"Pero nasaktan ka niya kanina. Nasasaktan ka niya kanina. Hindi lang Mentally but Physically, Tania." Dagdag niya pa, sandali akong natigilan bago umiling ulit at tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Galit siya kanina, lasing. Hindi niya lang siguro alam ang ginagawa at sinasabi niya." Bigla kong naalala yung sinabi niya kanina kaya naman kaagad na nag init ang paligid ng mga mata ko pero kaagad din akong pumikit ng madiin para pigilan ang pag buo ng luha doon.

Binuksan ko ang pinto ng kotse bago bumaba, tumingin pa 'ko kay Renz para magpaalam. "Don't worry, kaya 'ko 'to. Thank you for today, Renz." Paalam ko bago isarado ang pinto ng sasakyan niya.

Dumeretso ako ng tayo bago naglakad papasok sa loob ng bahay. Hindi naka-lock ang gate kaya naman kaagad akong nakapasok. Isinarado ko 'yon para masiguro na wala nang ibang makakapasok dahil late na rin.

Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa harap ng pinto. Tatlong beses pa akong napalunok bago mag pasya na buksan na ang pinto.

Bumungad sa'kin si Clyde na nakaupo sa sofa, ibinaba niya ang librong binabasa nang marinig niya ang pag bukas ng pinto. Lumingon siya sa'kin bago tumayo.

Habang ako naman ay nanginginig ang mga kamay habang isinasarado ang pinto.

Hindi ko siya kayang tignan, nanginginig ako sa tuwing naaalala ang sinabi niya kanina.

"I'm... home." Halos bulong na sabi ko habang nakatingin sa sahig.

Dumeretso ako ng lakad at hindi na hinintay pa na lapitan niya 'ko, gusto kong kainin yung sinabi ko sa parking lot kanina na rito nalang kami sa bahay mag-usap dahil hindi ko pala kaya.. hindi ko pala siya kayang kausapin pagkatapos non.

Unti-unting nanikip ang dibdib ko nang mag lakad na ako sa harapan niya. Amoy na amoy ko ang pabango niya, ramdam na ramdam ko ang mga titig niya na sumusunod lang sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa hagdan.

"Hindi ka ba talaga nahihiya?" Natigilan ako sa pag hakbang matapos marinig sa kaniya ang mga salitang 'yon. Hindi ako sumagot, pero hindi rin ako nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan. Nakahawak lang ako sa hawakan ng hagdan habang nakatalikod sa kaniya.

"Kahit ilang beses mong itanggi, alam kong mayroong namamagitan sa inyo ni Renz—"

"Ito nanaman ba tayo, Clyde?" Tanong ko bago humarap sa kaniya. "Magtatalo nanaman ba tayo dahil dito?" Dagdag ko pa.

"Dahil paulit-ulit kong nakikita na merong kayo, nararamdam ko, Fren." Gigil na sambit nito. Tinignan ko siya sa mata at kitang kita ko kung paano mamuo ang luha doon..

"Edi maniwala ka lang sa sarili mo, wala naman akong magagawa kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko. Wala naman akong magagawa kung ginagawan mo ng issue yung pagkakaibigan namin ni Renz, Clyde—"

"Hindi ganoon ang magkaibigan—" I immediately cut his word after he cut mine.

"Ganoon tayo dati, Clyde!" Napaiwas siya ng tingin pagkatapos kong sabihin 'yon. "At kung ano yung mayroon sa atin dati, ganoon lang din yung mayroon sa amin ni Renz ngayon!" Paglilinaw ko sa kaniya pero halatang hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

RuthlessWhere stories live. Discover now