After two weeks, dumating na ang araw kung saan hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman ko. Ito na siguro ang pinaka masaya, pinaka malungkot, pinaka nakakatakot, at pinaka magulong araw na mangyayari sa buhay ko. Ang kasal ko.
Noong nakaraang linggo ay kinausap ako ni mommy, sinabi niya na wala na rin naman daw akong magagawa kaya mahalin ko nalang si Clyde kung gusto ko. Huwag ko raw pigilan ang feelings ko para kusang mawala, kusa akong mapagod. Alam niya na hindi kami okay ni Clyde pero nagmakaawa siya sa'kin na pagsilbihan ko pa rin si Clyde bilang mabuting asawa nito.
Nakaharap ako sa salamin ngayon, nakaupo, at nakatitig lang sa sarili habang iniisip kung anong mga pwedeng mangyari ngayong araw.
Walang kasiguraduhan kung darating ba si Clyde. Pre-Wedding Party namin kagabi, hindi ko na sana gustong mag party dahil baka isipin ni Clyde na ipinagdiriwang ko pa na maikakasal siya sa'kin pero wala na rin naman akong magagawa dahil si mommy na ang nagsabi.
"Miss Fren, are you ready?" Tanong ni Kumi, siya ang nag hatid sakin sa kwarto kung saan ako aayusan.
Are you ready? That's the question that Bea keep on asking me last night, hindi ko na mabilang pa kung ilang beses niya na akong natanong buong gabi habang nag p-party ang mga tao sa paligid namin. It isn't a big party, just a small party for me and my closest friends. Dahil kagaya ng sinabi ni Clyde, walang ibang pwedeng makaalam ng tungkol sa kasal namin.
Bilang lang ang nakakaalam ng tungkol sa kasal namin. Ako, si Bea, Clyde, Kent, Renz, of course our Parents and their Business partners, and two of my close friends na anak din ng mga kaibigan nila mommy, Firenzea and Georgiana, just call them Fire and Gia.
But I know, Daisy knows.
Lumapit sa akin si Daisy noong Friday ng uwian. Sabi niya mag usap raw kami kaya naman sumama ako sa kaniya hanggang sa parking lot sa likod ng school malapit sa field, tahimik kasi doon at bihira lang ang dumadaan na tao.
Kinausap niya ako tungkol sa kasal at sinabing hindi alam ni Clyde na alam niya kaya sana ay huwag kong sasabihin kay Clyde na may alam siya dahil mukha naman daw walang plano si Clyde na banggitin pa 'yon sa kaniya.
"I accidentally saw the invitation card sa bag niya noong ipinakuha niya sa akin yung susi ng kotse, last week ko pa alam. Gusto ko lang na makausap ka bago pa kayo ikasal, Latania." Sambit niya habang nakahawak sa kamay ko.
"Tumutol ka, nagmamakaawa ako. Huwag mong kuhanin sa'kin si Clyde, please?" Pagmamakaawa nito. Puno ng lungkot ang mga mata niya habang sinasabi 'yon.
Dahil ba doon kaya siya nagsinungaling kay Clyde? Kaya niya tinapunan yung sarili niya ng fishball sauce at sa akin isinisi para sa akin magalit si Clyde?
"I'm sorry, Daisy. I can't." Sagot ko bago bawiin ang kamay ko sa kaniya.
We all know that I can't, We all know na ilang beses ko nang sinubukan pero ni isa sa mga 'yon ay hindi naman nagtagumpay. Hindi naman nabago ang isip ng mga magulang ko.
Akmang tatalikod na 'ko nang magsalita pa siya.
"I am willing to do everything, Latania. Hindi mo pwedeng basta nalang kuhanin sa'kin si Clyde!" Sigaw pa nito, sandali pa siyang tumigil bago magpatuloy. "Besides, hindi ka naman niya mahal. Ako yung mahal ni Clyde, alam mo 'yan 'di ba?" Tanong pa nito.
Nagpatuloy ako sa paghakbang patalikod sa kaniya, Parang gusto ko nalang tumakbo papalayo para hindi na marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya.
Pero hindi ko kaya, hindi ko maihakbang ng maayos ang mga paa ko dahil alam kong sa aming dalawa ni Daisy, ako ang may mali. Ako ang kontrabida, ako ang extra. Huminga ako ng malalim bago humarap ulit sa kaniya.
YOU ARE READING
Ruthless
RomanceI'm Latania Fren Fortalleza, half Filipina, half French, my parents called me Frenchie. "Okay naman lahat, may circle of friends ako, masaya kami. Not until this arrangement came into my life, that arrangement ruined my life." I want him back but it...