CHAPTER 21

428 14 11
                                    

"Oh ano, Inuwian ka na ng asawa mo?" Tanong ni Renz, inirapan ko siya bago tanggapin yung beer na inabot niya sa'kin.

"Kailangan siya ng Girlfriend niya, Renz." Sagot ko bago uminom.

"Eh 'di ba ikaw ang asawa? Pati hindi mo ba siya kailangan nung nakaraan? Halos hindi ka na nga makatayo dahil sa lagnat mo. Na hospital ka pa, oh sinong nagbantay sayo? Ako nanaman 'di ba?" Mahabang sermon nito kaya naman sinuntok ko siya sa balikat.

"Alam mo, sana pala hindi nalang ikaw yung tinawagan ni manang nung gabi na na hospital ako, kung alam ko lang na isusumbat mo yung pag-aalaga mo sa'kin edi sana hindi na ako nagpatulong." Iritang sagot ko sa kaniya.

"Hindi 'yon yung gusto kong sabihin, Tania. Hindi ko sinusumbat yung pag-alaga ko sa'yo non, ang sa'kin lang. Ikaw ang asawa ni Clyde pero nasaan siya? Nasa girl-"

"Fiancé," Pag putol ko sa sasabihin niya. "Fiancé niya 'yon Renz, totoong fiancé, at ako- asawa niya nga ako, sa papel nga lang." Dagdag ko pa.

Lunch break at as usual, nandito kami sa bilyaran habang hinihintay ang barkada.

"Hindi ka huwarang asawa tignan diyan sa ginagawa mo, Latania." Asar na sabi niya bago lumapit sa billiard pool at kumuha ng tako. "Martyr, ang martyr mo tignan." Dagdag pa nito habang nag-aayos ng bola.

Ibinaba ko ang beer bago kumuha ng tako at lumapit sa kaniya. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng bola bago maglapag ng pera sa lamesa.

"Five thousands." Madiin na sabi ko habang hinahamon siya.

"I miss that energy. I miss seeing you playing, Tania." Inilabas niya ang wallet niya bago maglapag ng limang libo sa lamesa.

Hinampas ko siya sa balikat bago tumawa. "Ang sabihin mo, na miss mo 'ko."

Mahina siyang tumawa habang umiiling pa. "Game na."

Hindi pa tapos ang unang game namin ni Renz nang sunod-sunod na ang naging ingay mula sa barkada namin.

"Ano 'yan, date?" Tanong ni Justine bago ibaba ang bag niya sa couch.

"Oo, may angal ka?" Tanong ni Renz bago ulit tumira. Sapul yung number 7.

"Wala ka pala Justine eh, naunahan ka pa nitong si Renz kay Tania." Pang-aasar naman ni Wero,

"Dinadaya mo nanaman si Tigress, Renz." Singit naman ni Kael, Umiling iling nalang ako bago ayusin ang ang bwelo ko sa billard pool.

"Gago, sa ating magkakaibigan ikaw lang ang madaya sa bilyar, Kael." Seryosong sagot ni Renz. Kaagad na napunta sa billard pool ang tingin nila nang mahulog ang dalawang bola sa isang tirahan ko lang.

"Ayan ang madaya-" Hindi pa natatapos ni Justine ang sasabihin niya nang ambahan ko siya ng hampas gamit ang tako kaya naman kaagad niyang itinikom ang bibig niya.

Wala pang isang minuto nang tapusin ko ang laro kaya naman mabilis ko rin na inilagay sa wallet ko ang pera habang mayabang na nakatingin kay Renz.

Maya-maya pa ay lumipat na rin ng lamesa sila Justine at Wero para maglaro.

Kasalukuyan kaming nanonood sa walang kaseryo-seryosong laro nila Justine at Wero nang dumating si Kent at Bea.

"Bakit late na kayo?" Tanong ko.

"OMG LATANIA!" Malakas na sigaw ni Bea bago tumakbo papalapit sa akin.

"Akala mo naman napakatagal natin hindi nagkita." Bulong ko habang nakayakap sa kaniya.

RuthlessWhere stories live. Discover now