CHAPTER 10

464 5 3
                                    

Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon, 3 a.m na pero hindi pa rin ako makatulog. May pasok pa bukas.

"Latania, matulog ka na." Pagmamakaawa ko sa sarili ko.

"Kapag ba hindi ka nagpahinga kakaisip sa mga nangyayari mababago ba non yung totoo? Babalik ba sayo yung kaibigan mo?" Napahinto ako bago mahinang tumawa. "Hindi, hindi naman 'di ba?" Pabulong na dagdag ko.

Padabog kong ibinaba ang unan na nakapatong sa hita ko. Nabaling ang tingin ko sa Diary ko na matagal ko nang hindi nasusulatan.

Siguro kailangan kong ilabas yung nararamdaman ko para matahimik ang utak ko, isusulat ko doon lahat ng nararamdaman ko ngayon. Lahat ng nangyari. Lahat ng hindi ko mailabas sa magulang ko. Lahat ng bigat na hindi ko na kayang bitbitin.

Tumayo ako bago lumapit sa study table ko, kinuha ko ang Diary na napapatungan na rin ng ilang Engineering book. Huling sulat ko rito ay noong nakilala ko si Clyde.

Hinawakan ko ang ballpen, kaagad ko 'yong nabitiwan matapos maalala yung nangyari kanina.

"Ganon po ba?" Tanong ni Clyde bago alisin ang tingin niya sakin.

"Yes C, it's literally good for the both of you, right?" Tanong pa ni mommy, matagal bago nakasagot si Clyde.

Mom, it isn't good.

"Clyde, you can go home na." Pag singit ko. "Thank you sa pag hatid, mommy pagod na po si Clyde. He needs to get some rest kasi may pasok pa po kami bukas." Pag baling ko kay Mommy, tumingin siya sakin bago ibalik ang paningin niya kay Clyde.

"Right, take care, C!" Paalam ni mommy, niyakap niya pa si Clyde bago ito tuluyang umalis.

Huminga ako ng malalim bago kuhanin ulit ang ballpen.

'Entry #24

Dear: Diary,

Hello! It's already 3:30 a.m and here I am, writing something in here.. It's Frenchie. It's been a year (s)? Oh well I am here kasi pati ako hindi ko na rin alam yung gagawin. I can't sleep and hindi ko maintindihan kung bakit pati ako, sinisisi ko yung sarili ko sa nangyari samin ni Clyde.

Kanina I tried na tumutol. Maybe para wala akong pagsisihan sa future? Para alam ko sa sarili ko na I did my best to stop this. Para kapag dumating yung time na sobrang laki na ng wall sa pagitan namin ni Clyde hindi ko sisihin yung sarili ko kasi alam kong may ginawa ako. Hindi nga lang enough.

Hindi naman 'yon yung main reason sa pagtutol ko kasi yung main reason is para bumalik yung best friend ko. Alam ko kung gaano ka mahal ni Clyde si Daisy and honestly thinking about how much he loves her kills me.'

Napatigil ako sa pagsusulat, ramdam kong namamasa na ang talukap ng mata ko. Kinuha ko ang eraser para sana burahin 'yon pero kaagad akong natigilan nang mailapat ko na ang eraser sa paper.

I am doing this para ilabas yung nararamdaman ko, No one will read this naman so bakit hindi ko sabihin yung totoo?

'Oh well, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mawala yung galit ni Clyde, hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko pa matatagalan na ganito kaming dalawa sa isa't-isa.

Mas mahirap pala mag move-on kapag alam mong wala na talagang chance 'no? Kapag isinasampal na sayo yung katotohanan pero may mga bagay pa na nagbibigay sayo ng hope.

Kagaya nitong kasal, I admit that I still hope that someday, maybe after we get married, Clyde would love me too. Kahit konti, kahit konti lang o kaya naman kapag hindi iyon pwede baka kahit yung friendship nalang namin. I hope he gives our friendship a chance to revive. I hope he could give me that.

RuthlessWhere stories live. Discover now