CHAPTER 18

258 12 2
                                    

Masakit man ang ulo ay pinilit ko pa rin na bumangon pagkagising ko kinabukasan. Pinuntahan kasi ako ni Manang Ness para gisingin at sabihin na umalis daw ng maaga si Clyde.

May soup na dala si Manang Ness para raw kahit pa-paano ay mabawasan ang hang over ko.

"Thank you po, sorry din sa kalat kagabi." Sabi ko habang nakatingin sa tray na nasa kama ko.

"Ano ka ba, huwag kang mag sorry Ma'am Fren, pati hindi naman ho ako ang nag linis ng mga pinag-inuman niyo, pinatulog na ho ako nila Sir C at sinabing sila na lang ang maglilinis." Pag k-kwento niya. "Nagkapikunan pa nga ho ata si Sir C at si Sir Renz dahil narinig ko silang nagsisigawan habang papunta ako sa kwarto ko." Dagdag niya pa kaya naman napatigil ako sa pag higop ng sabaw.

"Ano raw pong dahilan? narinig mo ba?" Curious na tanong ko habang deretsong nakatingin sa kaniya, umiling siya bago umupo sa tabi ko.

"Pasensya na pero hindi po eh, pero narinig ko na binanggit nila yung pangalan mo. Tania ho, hindi ba?" Pagku-kumpirma niya.

Sabay kaming napalingon nang may kumatok sa pinto, dali-dali namang nilapitan 'yon ni manang para buksan.

Halos mapako ako sa higaan matapos makita na si Daisy ang kumatok, halatang bagong gising pa.

Dito ba siya natulog?

"Oh, ma'am!" Maging si manang ay nagulat din bago mapatingin sa akin.

"I'm sorry, naistorbo ko ba kayo?" Tanong ni Daisy habang inililibot ang paningin niya sa loob ng kwarto ko, sinundan ko ang mga mata niya hanggang sa huminto 'yon sa picture na nakalagay sa study table ko.

That was my first picture with Clyde.

"Ah, hinahanap niyo ho ba si Sir C?" Tanong ni Manang Ness matapos bumalot ng saglit na katahimikan sa buong kwarto.

"Yeah, he wasn't by my side when I woke up." Sagot niya, ramdam ko na nakatingin sa'kin si manang ngayon pero naka deretso lang ang tingin ko kay Daisy na nakatayo pa rin sa labas ng pintuan ko.

"Maaga raw umalis, uuwi ka na ba? Ipapahatid nalang kita." Sagot ko habang pinipigilan manginig ang boses ko.

"Hindi na kailangan, may driver naman ako. Tatawagan ko nalang. Thank you." Sagot niya bago maglakad papalayo.

Isinarado rin kaagad ni manang ang pinto bago siya lumapit sa akin at umupo sa kama ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni manang, kaagad naman akong tumango bago siya ngitian.

"Alam niyo ba na rito ho natulog si Daisy?" Tanong ko habang nilalaro ang pagkain na hinatid ni manang.

"Pasensya na pero hindi po eh, noong pumunta ako sa kwarto ay nakatulog ako kaagad dahil sa sobrang pagod. Alam mo na, medyo tumatanda na." Mahina pa siyang tumawa bago kuhanin ang mangkok sa kamay ko. "Nako, tama na ho iyan, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa baba. May pupuntahan daw ho kayo." Kaagad din siyang lumabas pagkatapos non.

Naiwan akong nakatulala sa kwarto, mahinang tumatawa dahil sa mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Nire-respeto pa nga ba ako ni Clyde?

RuthlessWhere stories live. Discover now