CHAPTER 11

513 11 4
                                    

Ako ang pinauna ni Clyde na tumira, ginawa ko ang unang tira ko dahilan para masira ang pagkakaayos ng bola.

"Target his favourite number." Bulong ni Renz sa gilid ko kaya naman kaagad na na fix ang titig ko sa number five, it's his birthday also the anniversary when we first met sa bar.

"Hindi pwede, Renz. Complicated." Sabi ko habang nakatingin doon, suminghal siya bago mas ilapit ang labi niya sa tenga ko.

"Nothing's complicated Tania, relationship niyo lang." Nawala ako sa focus dahil doon at inilipat ang paningin ko sa kaniya, masama ko siyang tinignan kaya nag snap siya sa paningin ko para pabalikin ako sa paglalaro.

Nang ma-plano ko na ang galaw ng bola ay deretso akong tumingin sa mga mata ni Clyde bago tirahin ang bola. Kaagad naman na nahulog 'yon kaya kaagad akong nagkaroon ng point.

Nakadalawang bola na ako pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng focus. Panay pa rin ang tingin ko kay Clyde at Daisy na nanonood sa kabilang bahagi ng Pool Table. Akmang titira na ako nang humalik si Daisy sa pisngi ni Clyde dahilan para hindi ko nabigyan ng sapat na tulak ang bola. Hindi umabot.

"Do you want me to do something?" Tanong ni Renz, hindi ko siya sinagot. Nasa tabi ko pa rin siya. Karamihan ay umaalis na dahil may mga class schedule na sila, paniguradong malapit na rin ang class schedule ni Renz so bakit hindi pa siya umaalis?

"Daisy? Need na natin bumalik, mag s-stay ka pa ba rito?" Tanong nung kaklase niya matapos siyang mamukhaan, nginitian siya ni Daisy bago tumango.

"Sa next class nalang ako. Asynchronous naman 'di ba?" Tanong niya, tumango yung babae pero hindi pa rin umalis. "Pero may attendance tayo, are you sure na hindi ka pa sasabay?" Akmang ibubuka na ni Daisy ang bibig niya para sumagot pero nag salita si Clyde.

"Go na Daisy, Prioritize your studies. Susunod na rin ako." Sabi ni Clyde habang nakangiti kay Daisy, ilang segundo pa siyang tinitigan ni Daisy bago ito tumango.

"Okay, good luck sa class okay?" Niyakap siya ni Daisy bago halikan sa pisngi at umalis kasama yung kaklase niya.

"Your turn." Baling sakin ni Clyde pagkatapos sumablay ng tira niya, seryoso akong tumingin sa bola bago tumira ng sunod-sunod kung saan sunod-sunod din na nahulog ang iba pang bola. Isang point nalang ang pagitan namin ni Clyde, kailangan kong maka two points para manalo laban sa kaniya.

"Huwag yan, go for number seven," Pag bulong ni Renz nung akmang titirahin ko na ang number six.

"Masyadong malayo sa target ko Renz, baka hindi ako maka two points." Sagot ko habang tinitignan 'yon.

Walang pasabi niyang kinuha ang tako sakin, hindi naman nag reklamo si Clyde. Pinanood naming pumwesto si Renz bago position ang tako sa gusto niyang puntahan ng bola.

Kaagad niyang binigyan ng malakas na pwersa ang pag tira sa number seven, nanlaki ang mata ko nang tumama 'yon sa six, at yung six naman tumama sa eight at yung eight, tumama sa nine dahilan para sabay sabay na mahulog ang lahat na natitirang bola. Sa pangalawang pagkakataon. Ipina-panalo ni Renz ang laro ko.

Nginisian ni Renz si Clyde habang kinukuha niya ang pera, nakangiti naman niya ini-abot sakin ang panalo. "Congrats." Bulong niya bago ako higitin palabas ng Bilyaran pero hindi pa kami tuluyang nakakalabas nang hawakan ni Clyde ang kamay ko at higitin ako palayo kay Renz.

"Ma l-late na tayo." Seryosong sabi niya, hindi na ako nakapagpasalamat kay Renz dahil sobrang bilis niyang mag lakad.

Nakatitig lang ako sa kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kamay ko, hanggang sa pag tawid sa pedestrian lane ay hawak hawak niya pa rin ako, hanggang sa makapasok sa loob ng campus. Para bang hindi siya galit sakin.

RuthlessWhere stories live. Discover now