Chapter 8

97 6 2
                                    


Pagkatapos namin kumain ay dumiretsyo agad kami sa opisina. So wala parin yung katabi ko, hinde na siguro papasok yun.

Nagpatuloy lang ulit ako sa trabaho, grabe ang gaganda talaga ng mga design nila sino kaya pinaka main designer neto, baka itong katabi ko kase diba sabi nila magaling siya.

Sana makagawa rin ako ng mga designs na gusto ko tapos magustuhan ng boss, tapos mapadala sa ibat ibang company. Wow yung pagiging advance ko iba na.

Tumingin ako sa orasan at malapit na kami umuwi. Grabe nakakangawit umupo ng umupo rito, sayang naman itong heels ko na pinangtakbo ko lang kanina.

"Andrea, saan ka niyan pagtapos nito?" liza ask me

"Ah syempre uuwi na"

"Huwag muna, tara mall tayo wala kain lang ice cream, deserve natin to" sabi naman nito ni babaita

"Sige" hinde ako makatanggi dahil nga bago palang at maging uto - uto muna.

Tinapos na namin ni liza lahat ng gagawin ganun din mga tao sa loob. Kaniya kaniya narin ayos ng mga table.

"Tara na" aya ni liz sakin kaya agad naman ako sumunod.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng isang kasamahan namin

"Sa mall lang" ani ni liza

Tumango lang itong isa at akala ko sasama siya hinde naman pala.

Lumabas na kami ni liz at pinapalangin ko talaga na hinde ko makasalubong si juliet na masungit dahil baka mapatulan ko na kapag nagsalita na naman.

Nasa baba na kami, at marami parin nakatingin sa akin, may mga lalaki pa na kumikindat. Kadiri naman.

Sumakay na kami ni liz ng taxi at nakarating naman agad sa mall. Grabe ang laki nito ha.

Pumasok na kami tapos naghanap ng cr dahil ang isang to naiihi na kanina pa, pinipigalan niya lang talaga.

Habang nalakad ay nakita ko si pretty girl, omg si pretty girl ngaaa. Pero nagulat ako ng may kasama siyang iba si juliet girl. Wow magkakilala sila?

Hinde ako magpapakita wait, baka dumaan sila rito. Wala si liz nag cr grabe naman ang tadhana.

Bakit kaya sila magkasama, mukhang masaya kase etong si Juliet abot tenga na yung ngiti.

Nagtago ako bago sila makarating kung saan ako nakatayo kanina. Mukha akong tanga rito sa mannequin kase wala talaga ibang pagtataguan. Ewan ko ba bakit ako natago, ano naman kung makita ako diba.

Sinundan ko ng tingin yung dalawa, grabe ang lakas ng dating ni pretty girl naka white polo shirt kase tas trouser aahh aasawahin.

"Hoy, anong ginagawa mo riyan" gulat sa akin ni liz.

Nawala na sa paningin ko ang dalawa dahil pumasok sila isang mamahalin na resto wow naman.

"Ah wala, ako kase magsisilbing anino neto ni mannequin kawawa e nawasak, nawasak ang puso" ani ko

"HA? BALIW KABA?" takang tanong ni liz sa akin.

"Wala, slow mo naman" hinila ko na siya at niyaya don sa arcade.

Matagal na kase hinde ko nakapaglaro rito e. Don't judge me matanda na akk pero i love arcades. Sana sa susunod sa mga park naman ako maka punta becouse i love riding horse super. Nakaka romantic tapos siguro kung magkakajowa man ako baka ito lagi kong irerequest s kaniya.

Pumunta na kami ni liz sa arcade, as usual nilaro ko basketball tapos barilan. I feel so young again.

Saya sa pakiramdam kapag nagagawa mo ulit yung gusto mo pero minsan iniisip ko na nasa tunay na reyalidad na ako kung saan kailangan ko mag trabaho para sa sarili.

Mag finding nalang ata ko ng sugar daddy e, joke si pretty girl nalang mukha naman siyang papa.

Natatawa sarili habang iniisip yung sinabi ko, grabe HAHAHAHAHAHA

Habang naglalaro kami ni liz, paglingon ko nakita ko na naman yung dalawa at mukhang maglalaro jusmi.

Hinde ko alam kung nakita ba ako ni pretty girl o hinde. Bigla kase agad ako umiwas at nagtago sa ilalim ng upuan.

Bakit sila andito, laki naman nito dito pa talaga.

Nagpapalit sila ng token at dumiresyo sa basketball. Napaka arte gumalaw ni julie grabe.

Umalis si pretty girl pumunta dun sa barilan, gosh pogi na nga maganda pa. Akin kanalang

"Kanina nasa mannequin ka, ngayon nasa ilalim kana ng upuan, ano kaba talaga" tawang salita ni liz

"ah wala, ano to uhm ano. uwi na tayo baka kase naghihintay kaibigan ko" aya ko

Agad naman itong tumango at naglakad palayo.

Sinulyapan ko muna bagi umalis, gosh the poganda is so hot.

Habang palakad may nagsalita

"Miss cellphone mo naiwan mo" aaah kinabahan ako dahil akala ko kung sino kasee medyo kaboses niya pero buti nalang hinde.

"Thank you!" sabay kuha ng cp ko at umalis na.

Akala ko talaga siya tumawag sakin baka kase hinde ko kakayanin at tumalon ako bigla sa bintana. Kimi

TAKE ME WITH YOUWhere stories live. Discover now