Gaya nga ng sinabi ko bumuhos ang ulan e wala naman kaming payong dala. Kamalasan kung kailan pauwi na doon pa umulan aaa"Are u okay?" tanong ni Janice na tila nag-aalala sa akin. Nilalamig kase ako nang malala e isa lang yung jacket niya na pinasuot niya sa akin. Naguilty pa nga ako kase ako yung may suot imbes na siya pero nangingibabaw parin sa akin yung kilig. Panindigan mo ako kimi.
"Oo naman, ikaw baa?" pabalik na tanong ko ngunit tumango lang siya.
Andito kami sa gitna ng ulan nakasilong na tila'y pareho naming hinihintay tumila.
"Gabi na, paano tayo makakauwi" naka pout na sabi ko tapos nakita kong naka ngiti siya. Weird talaga nitong poganda na 'to.
"Bawal namang maligo dahil baka mag sakit ka"
Nang pagsabi niya yan narealize ko na oo nga no pero gusto ko maligo parang ang sarap ng daplis ng ulan sa balat. What if itulak ko itong si janice noo.
"HOOY! BAWAAL NGA" sigaw niya.
Oo imbes na itulak ko siya, sarili ko nalang inulusob ko.
"Anoo kaba, minsan lang naman to. I swear hinde naman ako lalagnatin" masayang saad ko habang etong umiikot.
Sobrang saya ko na nakaranas ulit ako ng ganito, bumalik ako sa pag ka bata at naramdaman ko ulit yung pag mamahal ng mga magulang ko.
Ma pa miss ko na kayo, sana sobrang proud kayo sa akin.
Habang nakapikit pala ako nakita ko na itong si janice sa tabi ko, nakahinto at nakapikit tila napaka lalim ng iniisip.
Tinitigan ko siya ng saglit, sobrang ganda niya talaga at kahit ilang araw palang kami mag kakilala, may something na talaga sa puso ko.
Pumikit lang din ako at pareho namin ngayon dinadama ang ulan. Parehong iniisip na kaming dalawa lang.
"Hinde maisip na makakaligo ako ng ulan" saad niya habang ako ganun parin ang pwesto.
"Alam mo bang nang bata ako kapag dumarating ang ulan tapos gustuhin ko man maligo, papaalam ako kay daddy kaso hinde niya ako pinapayagan." hinto niya
"Pero wala akong magawa kaya sinusunod ko nalang. Naiinggit nalang ako sa ibang bata kase kahit papano ay nararanasan nila ang maligo sa ulan."
"Bakit naman hinde mo parin triny" tanong ko.
"Wala hinde talaga syaka since young sinusunod ko na talaga lahat ng gusto ni daddy. Lahat ng bawal sinunod ko kahit nga minsan sarili kong kasiyahan hinde ko naman ginawa" nagulat ako sa sinabi niya pero hinde ko alam ang sasabihin kaya makikinig nalang muna ako.
"Kapag nanghihinge ako favor lagi nalang HINDE PUWEDE. Simpleng bagay lang yun ha pero hinde maibigay sa akin. Iniintindi ko nalang kase magulang and sabi nga diba, parents knows best for their children"
May magulang nga siya pero hinde niya naman magawa yung gusto niya. Paano nalang yung kasiyahan niya diba, paano kung gusto niya yung isang bagay pero walang naka suporta sa kaniya.
"May isang bagay kana bang sinuway?" bigla kong natanong.
"Oo, meron eto sobrang nagalit si daddy. Halos itakwil na niya akong anak."
Grabe naman pala yung daddy niya. Gusto ko sanang itanong kung ano pero pag mulat ko ng mata ko, nakita ko siyang naka pikit habang may luha.
Gusto kong tanungin kung bakit siya umiiyak pero nangibabaw parin yung pagkatitig at awa ko sa kaniya. I want to hug her. I want to say i'm so proud of her. Kaso hinde kami gaanong ka deep para gawin yun.
Habang nakatulala pala ako nakatingin na siya sa akin grabe ang gulat ko.
"Gustong-gusto mo talaga tong mukha ko no" ngayon tumatawa na siya, grabeng emosyon yan.
"Sino bang hinde napaka ganda mo"
Oo nadulas talaga ako at totoo naman.
"Kidding aside, grabe rin pala pinagdadaanan mo hinde halata kase sa awra mo e pero gusto ko lang sabihin na. Do what you want as long as this things makes you happy." Hinto ko.
"Alam ko naman na oo kailangan sundin parents mo pero buhay mo naman yan and the fact that you're not a minor anymore. Wala ka namang ginagawang mali at alam mo na ang mga bagay-bagay"
Nakita ko yung mga mata niya na titig na titig sa akin. Grabe baka matunaw ako.
"Thank youu andrea" ngiti niya sabay hawak ng kamay ko. Gooshh ano baaa kinikilig na talaga ako today.
"Tara uwi na kita baka matuyuan kapa" saad niya habang hawak parin yung kamay ko.
OHH LORD WAG MO NA MUNA SANANG TAPUSIN YUNG ARAW NA ITOO.
YOU ARE READING
TAKE ME WITH YOU
Roman d'amourIsang babaeng nahulog ang loob sa taong naging kompetensya. Straight siya ngunit hinde inaasahan na mahuhulog ang loob sa isang babae. Hinde napigilan ang nararamdaman at handang ipaglaban ang taong minamahal ngunit paano kung hinde sila tanggap ng...