Chapter 3

121 5 0
                                    

Ilang araw na makalipas simula nung araw na nag apply ako ng trabaho at nakasalubong si pretty girl na hinde ko parin alam ang pangalan pati yung kasama niyang lalaki. Okay lang ako okaay lang.

"Iniisip mo parin no" ani ni chin

Oo nga pala, pagkauwi ko kwinento ko agad dito, para naman hinde siya magalit at may dala akong chismis. Una kwinento ko na tatawagan nalang daw ako hanggang ngayon wala pa kong na rerecieve na call, what if hinde pala na hire. Pangalawaa eto na nga kwinento ko sa kaniya yung babaeng nakita ko, tinanong niya ako ano pangalan e hinde ko nga alam kulit neto. Tapos ayan hangang diyan lang kwinento ko, diko na sinama yung nakita ko na may kasama siya kase baka mag taka yun at gawin pa akong delusional.

"Ah hinde no, iniisip ko yung trabaho na inapplyan ko bakit kaya hinde pa tumatawag?" Sabi ko, eto naman talaga iniisip ko pangalawa siya

"Utot mo. Maghintay kalang, ikli naman pasensya mo, malay mo naman tatawag na yan bukas, tas bukas makalawa o kaya katapusan"

Pisti neto ni chin, grabe motibasyon niya sa buhay ha

"Diyan kana nga" pumasok ako sa kwarto at iniwan si chin mapang asar.

Binuksan ko cellphone ko at eto naghihintay parin. Sinubukan kong hanapin pangalan niya kaso niisa na information wala ako. What if doon siya nag tratrabaho sa company na yun? What if naman yung lalaki tas dinalaw niya lang? What if mag jowa talaga sila?

"AAAHHH" sigaw ko habang nakasubsob sa unan. Nakakairita bakit ba kase ganito lumalabas sa utak ko, palong palo mag overthink e akala mo naman.

So weird talaga ng nararamdaman ko this few days, simula nung makita ko siya lagi ko na siyang naalala. Grabe anong gayuma kaya ginawa ni pretty girl sa akin.

Hinde talaga ako nagkakagusto sa babae, nagagandahan yes pero hinde na aatract pero etong babae na ito, kakita ko lang sa kaniya pero parang may iba na, hala babaliko na ba ako neto? Hinde naba ako ruler?

Gusto ko malaman name niya para naman alam ko kaso lagi naman kaseng hinde pinagtatagpo at hinde pag lumalabas ako hinde ko naman siya nakikita kahit impossible e ang laki ng lugar na ito.

Nagulat ako ng bigla tumunog yung cellphone ko, syempre dali ko itong tiningnan at may tumatawag. Unknown number, sinagot ko nagbabakasali na baka ito yung company.

"Hello" sagot ko

"Anak" nagulat ako sa boses at si mommy lita, yung teacher ko na naging mommy mommyhan ko. Siya yung tumulong at nag gabay talaga sa akin simula nung nawala mga magulang ko.

"Mommy" tuwang tuwang sabi ko

"Kumusta na anak?, Miss na kitaa" malungkot na sabi niya

Bigla tuloy akong nalungkot kase nga umalis ako sa lugar namin tas hinde ko siya nakikita

"Okay lang po ako mi, ikaw ba? Umiinom kaba gamot?" ani ko

Umiinom naman daw siya ng gamot. Humaba usapan namin ng isang oras at pinag usapan namin tungkol kung anong nangyayari sakin dito and kwinento ko yung company na sinasabi ko tas hulaan niyo kung sinabi ko yung kay pretty girl dali HAHAHAHAHAH syempre hinde at baka masermonan ako neto

Nagpaalam na ako kay mommy at nangakong dadalawin siya kapag nakuha ko na yung trabahong gusto ko.

Sobrang swerte ko sa kaniya kase tinuring niya talaga akong anak na kahit hinde kami magkadugo.

Lumuluha na naman dahil inisip yung nawala kong magulang, i miss them. Mama and papa pangakong magiging magaling na designer. Sayang lang at hinde niyo makikita. Sana proud kayo sa akin, kakayanin para sa inyo.

YOUR BABY STILL FIGHTING!

TAKE ME WITH YOUWhere stories live. Discover now