ilang araw na nakalipas mula nang sinabi ni sir John na isang linggo nalang ang paghahanda namin sa darating na event and guess what anong date na ngayon, dalawang araw nalang event na and so far may nga naihanda naman na ako kaya medyo kinakabahan ako pero kase hinde pa sapat kase para sa event na yun pero i will try pa."Ano ilang oras kapa matatapos dyan" ani ni chin na kanina pa pala tapos ang niluluto.
Si chin nga pala tumulong sa akin maghanap ng tela kase magaling din 'to at hinde kaya ng power ko mag-isa.
"Andali patapos na" sigaw ko sa kaniya. Saktong tatayo na ako bigla nag vibrate ang phone ko. Nakita ko nag message si pretty girl, omg namiss ko siya, ilang araw din hinde kami nagkita, siguro busy 'to.
"Kumusta?" ito ang bungad niya, siguro inaalala niya parin yung sa ulan kase possible na magkasakit kapag naligo ka sa ulan lalo na't gabi na.
Syempre hinde ako nagreply agad pakipot ba. kimi nagreply ako, nakakahiya naman kase ako na nga kinamusta ako pa ang makapal ang mukha.
Pagkareply ko dumirestsyo na agad ako kay chin at baka maging dragon pa. speaking muntikan na kaya ayun dali akong tumulong sa kaniya at hinde mawala ang kilig.
Lord sumasandok na akong nakangiti, paano pa kaya kapag may "kumusta kana love" at delulu sabi ko wala lang pala 'to hinde hinde na attract lang ako sa kaniya pero whyy not dibaa.
"Aba sino ka chat mo" pang aasar ni chin kase kanina pa pala akong nakangiti rito. Si pretty girl kase inaaya ako mag movie raw kami tapos syempre tatanggi ako? hinde sabi ko go lang kapag may oras lalo na may darating na trabaho.
"Ah wala 'to ano kaba, ako lang 'to" sabi ko na may pang ampas pa kunware
"tarantado" irap nalang ni chin at nag patuloy sa kain.
Nang matapos na kami syempre pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko at nag paalam kay pretty girl. Tapos ito si ate mo girl nag iimagine na ng love scene, parang hinde sinabi na, never magkakagusto.
Pero kase sino ba hinde magkakagusto sa kaniya, mukhang nasa kaniya na lahat, ako nalang kulang.
Bagay naman siguro kami, hinde walang siguro, bagay kami.
Ito mga iniimagine ko habang nagtatahi at nagdedesign, grabe nakaka inspire mabuhay lalo na kapag may poganda kang crush. Excited na ako sa movie namin pero kailan kaya yun.
Bigla ko naalala what if ayain ko siya sumakay ng kabayo, like ang romantic nun tas tuturuan ko siya tapos nahulog pala siya pero hinde sa lupa kundi sa akin.. charot walang ganon.
"Oo aayain ko siya" ngiting sabi ko sa sarili na para akong tangang nakangiti rito pero what if.
"Kainis kase na event na to pero kailangan ko pala patunayan sarili ko kay Juliet girl, bwct kase mayabang"
Inis na inis na sabi ko at naalala ko siguro sa mga araw na yun makikita ko na si Ms. ford na sinasabi nila. Curious ako pero i know na super galing non, pride ba naman ng company tas ako ma pride lang.
"Sana magkasundo kami" singhal ko sa hangin at nagpatuloy nasa ginagawa para matapos na.

YOU ARE READING
TAKE ME WITH YOU
RomanceIsang babaeng nahulog ang loob sa taong naging kompetensya. Straight siya ngunit hinde inaasahan na mahuhulog ang loob sa isang babae. Hinde napigilan ang nararamdaman at handang ipaglaban ang taong minamahal ngunit paano kung hinde sila tanggap ng...