Andrea Pov
"Kinakabahan ako chin, bukas na yung event namin sa office, what if hinde ako mag succeed diba paano na ako? sayang ang promotion" wika ko kay chinny at andito kami sa labas, nag aayos ng gamit i short general cleaning.
"Ano kaba wala kabang tiwala sa sarili mo? lagi ka naman nag succeed kaya for sure ikaw ang makukuha" sabay sampay ng damit.
May tiwala naman ako sa sarili ko, alam ko naman pasok naman sa banga yung ginawa ko. Speaking of design hinde ko pa pala pinakita kay chin siguro bukas papatulong ako sa kaniya kase sasama siya and need ko talaga alalay.
"Huy bading alam mo ba nakita ko na naman si girl na ilan beses ko ng nakabanggaan. May kasama siya guy, infer ang pogi niya hinde sila bagay" pang aasar nito.
Ayan na naman siya, hinde talaga nawawalan ng kaaway at sino ba kase yang nakakasalubong niya lagi at muntikan na lagi mag apoy sa galit 'to.
"Tapos ngiti nang ngiti ang bonak parang hinde kaharap girlfriend niya e pero okay lang maputi ngipin and tangos ilong pero ayoko sa ganon mukhang chickboy na ewan pero pogi ha oo pogi siya beh"
Inalisan ko nalang siya habang nasasalita narinig ko pang sinabi niya na asan na si tanga bigla nalang nawawala.
Dumiretsyo na ako sa kwarto ko para i prefer lahat ng gamit ko tapos pag lingon ko sa cellphone ko may nag text pala tapos nakita ko si pretty girl.
kinakamusta niya ako hahahahahahahahah lord thank you isang ulan pa tas patama mo sa akin kidlat. joke joke joke
Nagreply naman ako agad ng "Okay lang ako ano baa ikaw musta kana baby ko balik kana hinde na ako galit" charot hinde pwede yung okay lang sinabi ko syempre pakipot pero ang totoo gusto ko siyang maka usap magdamag, late night talk ba.
Nakangiti ako habang nag huhugas ng plato, nag pupunas ng mesa at nagwawalis, sabi kase ni pretty girl kape raw kami mamayang gabi syempre hinde ako tumanggi.
Nag-aya rin kase siya para pag usapan yung gala namin, dami namin gustong gawin kase. Mag beach, manood ng movies and gusto kong gawin sumakay kabayo, lahat yan gagawin talaga namin.
"Okayy see youu!" bitaw ko sa cellphone ko bago iayos sarili. Ganda naman kase sa labas tuwing gabi ang therapy niya for me.
"Aba aba aba saan ka pupunta" ani ni chin
"Magpapakasal" tawa ko, hinampas niya naman ako at sinabing magkakapi lang with pretty girl tas si anek hinde naniniwala kaya pinakita ko message.
"Ay level up, ako kaya kailan sana bagsakan din ako"
Napangisi nalang ako at aalis na ako kase naghihintay na sa akin si pretty girl, ayoko naman paghintay ang baby ko no este siya.
Lumabas na ako at naglakad ng onti sabi ko kase hintayin niya nalang ako sa kanto pumayag naman siya. Nakita ko na siya omggg ang pogii na maganda pa. Nakasuot siya ng polo and trouser, simple but sobrang bagay sa kaniya.
"Ohh hello, bat ka tulala" bulong niya, nakakahiya nakatulala pala ako habang nakatitig sa kaniya.
"Aaaa ganda mo, este tara na" tumawa lang siya tapos ayun pinasakay na ako sa sasakyan niya.
Passenger princess ang atake ko tapos sabi niya suot ko yung seatbelt ko kase hinde ko alam paano kaya siya gumawa.
Habang ginagawa niya yun dama ako ang paghinga niya at yung pabango niya, ang bango amoy baby.. ko
Ang dikit namin sa isa't isa tapos tagal pa makabit seatbelt pero okay lang, pwede kami ganito habangbuhay.
"Ayaannn" saad niya kase nakabit na at bumalik na siya sa upuan niya.
"Sayang sana tumagal pa one hour" bulong ko pero alam ko medyo narinig niya, maang-maangan lang kase maangas daw siya.
"Let's gooo" sigaw namin pareho na akala mo talaga saan pupunta magkakape lang naman. Sarap ng hangin at mga ngiti niya habang nagmamanaho, tila mahuhulog na talaga ako sa kaniya, parang aatakihin ako.
Pinagmamasdan ko siya, mukhang ang saya-saya niya pero deep inside alam ko naman hinde pero kalimutan muna, hayaan muna ang agos.
YOU ARE READING
TAKE ME WITH YOU
RomansaIsang babaeng nahulog ang loob sa taong naging kompetensya. Straight siya ngunit hinde inaasahan na mahuhulog ang loob sa isang babae. Hinde napigilan ang nararamdaman at handang ipaglaban ang taong minamahal ngunit paano kung hinde sila tanggap ng...