"Grabe! Nakakairita talaga yung naka salubong ko sa 7/11 kase naman ako na yung nabangga niya siya pa yung galit. Nakakairita wag sana magkita landas namin" kwento ni chin habang nakain kami.
Galing kase kaming 7/11 tapos nag banyo lang ako saglit, galit na galit na siya dahil may isang babae na nakasalubong niya at tila hinde pa ito nagsorry sa kaniya. Kilala ko kase etong kaibigan ko e, ayaw niya kapag hinde nag sosorry ang isang tao sa kaniya.
"Hayaan mo na siya, baka nagmamadali lang" sagot kong pabalik sa kaniya
"Andeng, anong nagmamadali? Tumingin pa nga siya sakin tapos hinde man lang bumuka ang bibig. Aaahh nakakairita" sigaw niya ulit
Hinde nalang ako sumagot pa at kumain nalang. Iniisip ko kung sino ba yung babae na yun, sana nag sorry man lang siya rito. Tiyak akong etong si chin hinde tatahimik hanggang hinde siya nakakatanggap ng sorry.
Patuloy kami sa pagkain. Pagtapos ay naglinis ng bahay dahil kakalipat lang namin dito sa Manila. Siya nga pala si Chin Cruz matagal kona siyang kaibigan mga 10 years na and now magkasama kami sa iisang bahay dahil pareho kaming naghahanap ng trabaho.
Ako naman si Andrea Dela Fuente, wala na akong magulang at nag iisa nalang sa buhay pero buti nalang andito ang bestfriend ko. Nakapag tapos ako ng pag aaral, bachelor of arts at pagdedesign ng mga damit ang gusto ko. Lawyer talaga ang gusto ng magulang ko kaso ang puso ko nasa artist. Kakatapos ko lang actually and wala pa akong mahanap na company kung saan ako pwede.
Kaya bukas uumpisahan na namin ni chin na maghanap para naman magkaroon ako ng income lalo na bago lang ako dito sa lugar na ito. Mahirap magprovide sa sarili pero alam ko naman na makakayanan ko lahat.
"Baccla" sigaw ni chin sakin
"Bakit, hayop ka nakakagulat ka" sagot ko at binato ko siya ng unan
"Kanina ka pa kase tahimik at tulala" tawang sabi niya"
"Pake mo, pakelamera ka matulog kana nga" irap ko sa kaniya
"Panget mo, goodnight" tumatawa parin siya bago pumunta sa kwarto niya. Medyo malaki itong bahay na na rent namin at puwede na saming dalawa. May sarili kami kwarto dahil may kaniya kaniya kaming gamit.
Humiga na ako at bago ipikit ang mata, iniisip kung may kinabukasan ba ako sa lugar ito. Kung ano ang makukuha kong magandang memories dito
PLEASE BE GOOD TO ME, GUSTO KO LANG MAGING MAAYOS BUHAY KO. MAGANDA NA AKO PERA NALANG KULANG STAKA LOVELIFE
siraulong pumasok sa isip ko ang panghuling salita, tawang tawa naman ako. it's been a year kung kailan nagkaroon ako ng jowa, tarantado kase e cheater.
"Hay! Ano ba 'to, matutulog na ako. Nag iisip pa ako ng hayop sa utak ko" bulong ko sarili at tuluyan ng pumikit ang mga mata.
YOU ARE READING
TAKE ME WITH YOU
RomanceIsang babaeng nahulog ang loob sa taong naging kompetensya. Straight siya ngunit hinde inaasahan na mahuhulog ang loob sa isang babae. Hinde napigilan ang nararamdaman at handang ipaglaban ang taong minamahal ngunit paano kung hinde sila tanggap ng...