Margarette's POV
"Marga, kung gusto mo sa restaurant ko na lang ka mag trabaho."
Nilagay ko naman ang baso pagkatapos kong uminom. "Talaga ba?"
"Oo naman. Masarap ka kaya magluto. Bagay ka doon. Sigurado ako, sasang-ayon naman si Max sa idea kong ito."
"Kailan ba ako mag-aapply?"
"Kahit kailan mo gusto. Kung tutuusin, pwede naman kitang tanggapin agad ah."
"Naku. Mas okay pa rin iyong mag a-apply ako, Quinn." Ngumiti naman siya.
"Sige na nga. Alam ko namang hindi kita mapipigilan diyan."
My binili kasi ako sa groceries kanina tapos nagkita kami kaya napagpasyahan naming sabay na lang mag lunch.
"Kamusta nga pala iyong nag Palawan kayo? Grabeh iyong photoshoot ninyung dalawa ni Max ah." Nakangiti niyang sabi kaya napailing na lang ako.
"Wala akong choice doon." Natawa naman si Quinn.
"Pero tinatrato ka naman ng maayos ni Max?"
"Hmm oo. Kahit naman masungit, maldita at cold iyon most of the time, hindi naman niya ako pinapabayaan."
Ngumiti naman si Quinn at tumango.
"Hindi ka naman nahihirapan sa set up niyong dalawa?"
"Mahirap..minsan. Para kasing naapektuhan ang pamumuhay ko..kailangan kong magpanggap na..alam mo na may pera dahil pag nalaman ng iba, masisira pa ang pangalan niya."
"Sorry ah. Wala na kasing ibang paraan para ma solusyonan iyon. You know how the media works. Kahit sabihin niyo pang walang kayo, kita na sa video na lumabas ka sa bahay niya..iba ang iisipin ng mga tao roon baka mapaano ka pa."
Tumango naman ako. "Naiintindihan ko. Hindi naman ito habang-buhay kaya tiis-tiis mo na kaming dalawa." Natatawa kong sabi.
"Malay mo...kayo pala talaga."
"Tumigil ka nga." Natawa naman ito.
"Sigurado ka bang ayaw mo ihatid na kita?"
"Huwag na. Baka hinahanap ka na ng pamilya mo."
"Sige. Ingat ka ah. Tawagan mo na lang si Max."
"Mag ta-taxi lang ako oi. Baka busy iyon."
"Sige. Text ka na lang if nakauwi ka na."
Niyakap naman ako nito bago sumakay sa motor niya.
Niyakap ko naman ang sarili ko kasi ang lamig.
Malapit na palang mag 8. Wala pa ring taxi.
Wala kasi si Elly dahil may photoshoot na naman ito sa Batangas. Kung si Hiro naman, baka busy din iyon knowing na modelo rin.
Ayaw kong disturbuhin iyong si Max. Iinit na na naman ang ulo niya.
Hintay na lang ako. Baka may taxi na maya-maya.
"Oi. Hi, miss." Lumingon naman ko sa lalaking tumabi sa akin.
Medyo hindi ko kita ang mukha niya kasi naka hoodie ito at naka sombrero pa.
Hindi na ako sumagot. Iba ang kutob ko sa kanya.
Bahagya na lang akong lumayo.
"Miss, may pera ka?"
BINABASA MO ANG
This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|
RomanceCOMPLETED Max Zykel Alonzo She's cold and known to be mysterious. She believed she's not going to settle for someone or even love someone new since she broke up with her ex-girlfriend. Margarette Vion Santos A very hardworking and passionate woman...