Chapter 13

2.8K 89 14
                                    

Margarette's POV

Tatlong araw na rin simula nung nakauwi na kami galing sa outing na iyon pero hindi pa rin kami nagkikita ni Max dahil agad itong umalis papuntang South Korea para sa isang project na naman.

Sabi naman ni Hiro, 2 days daw iyon doon.

Tatanungin ko nga sana siya kung seryoso ba siya sa sinabi niyang naging crush niya ako.

Palagi lang naman kami away noon eh. Tsaka, baka pinaglalauran lang ako ng sungit na iyon.

"Marg, ang daming nasarapan sa ginawa mong ube cake."

"Talaga, Quinn?"

"Yup. Best seller iyon."

"Salamat naman. Recipe kasi iyon na tinuro ng kapatid ko..dati."

Ngumiti naman ito ng tipid at tinapik ang braso ko.

"Ang bait niya siguro dahil mabait ka rin."

Ngumiti naman ako. "Sobrang bait nun. Sayang nga kasi hindi niyo siya nakilala..pati rin si tatay. Gusto pa naman niya kayo makilala."

"Alam mo, kahit hindi namin sila nakilala, sure ako na ang bait nila dahil pinalaki ka nila ng maayos at pinalaki mo naman ang kapatid mo ng may magandang loob."

"Salamat, Quinn."

"Ay, by the way, baka gusto mong gumawa ng cake para kay Max bukas?"

"Bukas?"

"Uuwi na iyon bukas at sakto naman na 28th birthday na niya."

"Ta-talaga? Sige, gagawa ako." Nakangiti kong sabi kaya natawa naman ito.

"Alam mo, kung iyong dating Margarette pa ang kausap ko ngayon, hindi iyon gagawa at walang pake kay Max."

Natawa naman ako. "Ewan ko ba anong ginawa ng kaibigan mo sa akin."

"Na fall ka na, no?"

Baka nga..

Siguro?

"Hindi.. hindi ko alam..nalilito ako."

"Normal lang iyan. Ganyan din ako dati pero tignan mo, kasal na kay Wish."

"Quinn, hindi ka ba natakot?"

"Takot?"

"Oo, kasi nagkagusto ka sa teacher natin tapos..nagkaroon pa ng malaking problema noong ikakasal siya dati, dibah?"

"Takot na takot..pero alam mo anong takot iyon?"

Umiling naman ako at ngumiti ito habang ipinakita sa akin ang isang litrato sa necklace niya parang locket.

"Takot akong mawala itong dalawang ito that time."

Hindi ko namang mapigil ang ngiti sa nakita. Picture nilang apat iyon ni Wish, Hailey at ni Zelquin.

"Kasi kung naiwala ko ang mag-ina ko that time, hindi ako magiging kompleto."

Tumango naman ako. "Kaya learn to fight for love, Marg. Nakakatakot pero sobra naman ang saya pagkatapos."

"Tama ka.."

"Kaya huwag mo ng pakawalan ang kaibigan ko kasi."

"Kasi?"

Lumapit naman ito sa akin. "Habulin iyon." Bulong niya at umalis na habang natatawa.

Hindi ko namang mapigilang hindi maiinis sa thought na iyon.

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon