Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko.
Nakatakip ang kamay ko sa bibig ko habang nakatingin sa picture na pinalabas nila sa TV. Iyan iyong babaeng nakita ko kahapon.
"Margarette, why didn't you wake me up-hey...are you okay?" hinawakan niya ang braso ko habang nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Margarette, what happened-"
"Kaya ba nandito ka? Kaya ba parang may nag-iba sa'yo? Kaya ba iba ang pakikitungo mo sa akin simula pa kahapon, Max?"
"Wha-what? I don't get what you mean-"
"Ano ito?" sabay pakita ko sa balita kanina.
Kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat kaya bumitaw ito sa akin.
"Ano? Ano iyan, Max?"
"Margarette, this is fake. Believe me."
"Max, naniniwala naman ako, eh, pero bakit humantong pa sa ganito? Hinalikan mo siya?"
"What? No, I didn't. You're my woman, Margarette. Why would I even kiss her?"
"May picture, Max."
"Fake iyon. Trust me, they did me dirty. Margarette, I won't cheat on you and you know that."
Pinunasan ko na lang ang luha ko at umupo sa upuan habang umiiyak.
"I-I didn't know about the break up thing.."
"Kaya ba inaya mo akong mag Canada dahil itatago mo sa akin ito?"
"No.. it's not like that. I just don't want you to know it yet because I am doing the best I can to solve-"
"Ayan ka na naman eh. Max, nandito ako. Sa tingin mo ba, wala akong tulong sa'yo? Dalawa tayo sa relasyong ito, Max. Habang nagsasaya ako, nahihirapan ka na pala. Nakakainis iyon eh."
"I just want you to be safe. I don't want you to get.. hurt.."
"Alam ko naman iyon pero sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon sa ginawa mo? Sa nalaman ko?"
"I'm sorry.." mahinahon niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.
"Max, pagod na ako."
"Please, no.."
"Mahal kita...sobra pero nahihirapan na ako, Max. Hindi ko na alam saan pa lulugar sa relasyong ito. Hindi ko na alam."
Lumuhod siya sa harap ko at hinalikan ang kamay ko. "Margarette, you're here." sabay turo niya sa puso niya.
"Margarette, we promised each other..please don't give up now. I love you." nanginginig siya.
Tinignan ko siya habang pinupunasan ang mga luha ko. "Max, kung magpapatuloy ba tayo ngayon, magiging masaya pa ba tayo?"
"We can make this work-"
"Paano kung hindi na?"
"We can, darling. We can." Bulong niya.
Hinalikan niya ang kamay ko pero nag-iwas lang ako ng tingin kasi nasasaktan na ako. Natatakot na ako. Hindi ko na makita pa ang kinabukasan sa relasyong ito.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko at unknown number kaya sinagot ko.
"Ms. Santos." Halos nakalimutan kong huminga pagkarinig ko sa boses na iyon.
BINABASA MO ANG
This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|
RomanceCOMPLETED Max Zykel Alonzo She's cold and known to be mysterious. She believed she's not going to settle for someone or even love someone new since she broke up with her ex-girlfriend. Margarette Vion Santos A very hardworking and passionate woman...