Chapter 15

3.1K 100 30
                                    

Margarette's POV

"May napapansin ako."

"Ano na naman iyon, Quinn?"

Ngumiti siya habang niluluto ang steak na ginagawa niya.

"Nag bakasyon kayong dalawa at nag iba ang glow mo."

Natawa naman ako habang nag slice sa mga ingredients.

"Halata ba?"

"Sobrang halata. So ano? Kuwento ka naman diyan."

"Wala bang nasabi si Max sa inyo?"

"Naku, hindi mahilig mag story tell iyon."

Tumigil naman ako sa paghihiwa at tumingin sa kanya. "Kami na."

"Gagi. Totoo?!"

"Oo nga." Natatawa kong sabi kaya napatakip ito sa bibig niya.

"Paano?"

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.

"Kaya pala hindi nagka girlfriend ulit iyon, hinihintay ka palang bumalik."

Namula naman ako sa sinabi ni Quinn kaya tinulak ko ito.

"Alam mo, ang saya-saya ko para sa inyo. Deserve niyo ang isa't isa. Tsaka, mapapanatag din kami dahil napunta si Max sa'yo at napunta ka kay Max."

"Salamat ah..pero Quinn, may parte pa rin sa akin na natatakot."

"Dahil kay tito ba?"

"Oo..paano kung..paano kung malalaman niyang totoo na kami?"

"Marg, nandito kami para sa inyo. Ang dami namin na sumusuporta sa inyo. Hindi namin ito nasabi noon pero si Max talaga ang pinakamatatag sa aming GSquad. Siya talaga. Naniniwala akong hindi ka sasaktan nun."

Sana nga..sana..

Hindi ko na kakayanin kung masasaktan ako ulit.

"Sino pa ang nakaalam?"

"Ikaw. Hindi ko pa nasabi kay Elly dahil nandoon sa London. Baka hindi pa rin sinabihan ni Max si Hiro."

Natawa naman si Quinn. "Ako na ang magsasabi kina Noah ah?"

"Sige." Natatawa kong sabi.

"Hay nako. Ikakasal na pala si Noah next month."

"Talaga? Excited na ako para sa kanya."

"Mas lalo na kami. Akala kasi talaga namin hindi magkaka jowa iyon."

Natawa naman ako.

"Pang ilang buwan na ba next month?"

"Parang pang lima ata."

"Ang bilis no?"

"O nga eh."

"Anong tawagan niyo?"

"Huy. Mag focus ka na diyan, boss." Natawa naman ito at napailing.

.....

"Saan ka mag lu-lunch?" Tumingin naman ako kay Quinn at ipinakita ang lunch box na dala ko.

"Ay sa jowa pala pupunta." Natawa naman ako at niyakap siya bago umalis sa restaurant.

Lunch time na kasi at gusto ko lang i-surprise iyon. Baka naman hindi na naman kumain iyon dahil puro trabaho ang inaatupag.

This Time (GSquad Series #3) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon