02

1.6K 75 4
                                    


This story will be completed first in Patreon and VIP Group. This story is available under Super Fan tier in Patreon.

Only 5 chapters will be posted here for the mean time. :)

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group. :))

☀️☀️☀️


Kanina pa nakatulala si Katherine habang hinihintay niya ang kinakapatid na si Fatima sa ginagawa nito para sabay na silang makauwi na dalawa. Natapos niya naman na lahat ng kailangan niyang gawin sa araw na iyon at gusto na rin niyang magpahinga dahil parang bigla siyang napagod sa pagdating ni Wynn kanina.

Hindi niya akalain na naroon ang lalaki kaya naman ganoon na lamang ang yuko niya habang nakikipag-usap dito. Pangalawang beses pa lamang yata silang nagkalapit ng ganoon ng lalaki at alam niyang hindi nito naaalala ang unang beses pero malinaw sa kanya iyon.

Malinaw na malinaw sa kanya.

"Huy, ayos ka lang ba? Kanina ka pa parang wala sa sarili," untag ni Fatima sa kanya nang silipin siya nito habang nakapatong ang baba sa bag na nasa lamesa. She looked at her while still frowning.

"What do you think he's doing here? Kanina, diba? Sabi mo mukha siyang may hinahanap. Was that me?" sunod-sunod na tanong niya rito habang nagpapabango naman ito. Wala pa naman ang sundo niya kaya hindi pa rin sila aalis na dalawa. Hindi pa naman din umuuwi si Mrs. Gomez kaya hindi naman sila ang magsasara ng bangko.

"Wala naman siyang sinabi, e. He was just looking around. Malay ko kung may hinahanap 'yon," sagot naman nito na naupo na rin sa tabi niya. "Sa palagay mo ba alam na niya ang tungkol sa kasal niyo?"

Tumango siya rito at huminga ng malalim. "He mentioned it earlier..."

Tumingin muli sa kanya ang babae na halatang nagkaroon ng interes sa sinabi niya. Hindi naman lingid sa kaalaman nito ang tungkol sa kasunduang kasal na iyon dahil noong nalaman iyon ni Katherine matapos ang debut niya ay kay Fatima siya naglabas ng hinanaing.

"Talaga ba? Anong sabi niya sa'yo?" usisa nito sa kanya at napailing naman siya habang iniisip si Wynn.

Sa palagay niya ay kahit naman sinong tao ang sabihan na naipagkasundo na siya na ikasal sa isang taong hindi naman niya alam kung sino, lalo pa noong hindi pa sinasabi ng mga magulang niya sa kanya kung sino iyon, ay magagalit, sasama ang loob.

Sinabi ng mga ito na kapag nasa hustong edad na siya ay mangyayari pa rin ang kasalan, kailangan lamang muna niyang magtapos sa pag-aaral, ganoon naman din ang mapapangasawa niya.

Two years ago, kinausap siya ng mga magulang niya nang umuwi siya galing sa Maynila matapos ang graduation niya gaya ng napag-usapan nila. Kung siya lamang ang papipiliin noon ay hinding-hindi siya uuwi dahil alam naman niya ang mangyayari ngunit nalaman niya na umalis si Wyatt Montes de Oca, ang lalaking dapat ay papakasalan niya.

Akala niya ay natapos na roon ang usapan tungkol sa kasal ngunit nagkakamali siya dahil wala pang tatlong buwan ang nakakalipas nang muli siyang pauwiin ng mga magulang niya sa Sta. Inez at sinabihan na roon na lang manirahan. Kahit na nagsisimula pa lang ang career niya sa Maynila ay iniwan niya rin dahil alam naman niyang wala siyang magagawa sa utos ng Daddy niya dahil hindi naman din siya nito titigilan.

When she came home three months ago, they kept mum about their plan at first. Pero hindi naman din nagtagal ay sinabi rin sa kanya ang pagbabago sa plano.

Nalaman niya na si Wynn na ang humalili sa posisyon na iniwan ni Wyatt nang umalis ito. Hindi lang sa negosyo ng pamilya nito kundi pati na rin sa obligasyon nito sa napagkasunduan ng mga lolo pa nila sa tuhod o sa talampakan.

BOF 1: WYNN RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon