10

1.1K 16 0
                                    


Three days before the wedding and everything was already set.

Naipamigay na ang lahat ng imbitasyon, nakausap na rin ang lahat ng may kinalaman sa kasal at lahat din ng mga damit ay nagawa na at dadalhin na lang sa bahay nila Kate sa araw na iyon.

Hindi pa rin siya makapaniwala kung minsan sa mga nangyayari dahil parang bawat pagpikit ng mata niya ay isang araw ang lilipas papalapit sa kasal nilang dalawa ni Wynn.

Like what he promised, he involved himself more in the planning and he was also asking her opinions on some things.

Sa mga nakaraang araw rin na panay sila pag-uusap tungkol sa kasal, madalas na magkasama silang dalawa at sa palagay niya ay mas nakikilala niya ang lalaki... kahit pa hindi naman ito masyadong nagsasalita o nagkukwento sa kaniya.

"Umamin na ba siya sa'yo na gusto ka rin niya?" tanong ni Fatima sa kaniya habang nakatingin ito sa lalaki na kausap ang daddy niya. Nagkasundo silang doon na lang sa bahay nila mananghalian ang lalaki at sinabihan naman din niya si Fatima na magtungo roon dahil hindi rin ito pumasok ngayong araw.

Nilingon niya ang kaibigan at umiling ng marahan. Hindi naman nila napag-uusapan ni Wynn ang tungkol sa bahay na iyon. Hindi niya rin alam kung may nararamdaman ba ang lalaki sa kaniya.

Alam niya naman na ginagawa lang ng lalaki ang obligasyon nito sa kasunduang iyon... pero kung tatanungin ito kung may gusto sa kaniya, alam niyang wala ang isasagot nito.

He also never kissed her again...

"Hindi pa? Hindi ko alam na torpe siya, ha?" komentong muli ni Fatima habang ang mga mata ay nananatiling na kay Wynn. Maging siya ay tumingin din sa lalaki na seryosong nakikipag-usap sa ama niya.

"Or maybe, he just doesn't like me, right?" may halong lungkot ang boses niya nang sinabi niya iyon sa kaibigan. Hindi niya maitago ang lungkot na iyon dahil kung siya lamang ang papipiliin, gusto niyang magkagusto rin ang lalaki sa kaniya...

Kumunot ang noo ni Fatima at nilingon siya. Tinapik pa nito ang balikat niya dahilan upang mapalingon siya sa babae na nakataas na ang kilay sa kaniya.

"Katherine Elizabeth Esquillona, ano ba ang hindi niya magugustuhan sa'yo, aber?" tanong nito sa kaniya na pinagmasdan siya. "You're very pretty, you're smart, you're nice, you're rich, you're caring... lahat na nga maganda sa'yo, e. Ano ang hindi magugustuhan ni Wynn sa'yo?" muling tanong nito sa kaniya.

She smiled a little and shrugged. "Hindi naman panlabas na anyo lang ang dahilan para magustuhan ka ng isang tao, e... maybe the qualities that Wynn is looking for are something that I don't have..." muli niyang sinulyapan ang lalaki. "Remember, he's just marrying me because he doesn't want Walter to take the responsibility?"

"E, bakit ka niya hinahalikan?" tanong nitong muli na ikinabigla niya at ikinapula ng pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at marahang pinisil. "Not because I am telling you those things, you can blurt it out loud..." saway niya rito bago muling tumingin kay Wynn. "Paano kung marinig ka niya, baka isipin pa niya ay ipinagkakalat ko ang ginagawa niya..." nahihiyang sabi niya.

Wala rin naman kasi talaga siyang masasabihan sa mga nangyayari kung hindi si Fatima na nagsisilbi ring matalik na kaibigan niya.

"I am just curious why he kept on kissing you, Kate. Ano, nagpapractice ba siya para sa honeymoon n'yo?" sabi nitong muli kaya tinapik ni Kate ang braso nito dahil iniisip niya talaga na baka marinig sila ng lalaki at mainis ito sa kanila na pinag-uusapan nila ito.

"Kate, you're getting married! You should make yourself familiar with those things. Sabi ko kasi sa'yo manuod ka na ng mga videos and–"

"Fatima," saway niyang muli sa kaibigan na natatawa sa kaniya dahil pulang-pula na ang mukha niya sa kahihiyan sa mga sinasabi nito sa kaniya kahit pa silang dalawa lang naman ang nakakarinig ng usapan nila.

BOF 1: WYNN RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon