Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 4
Bakit ba kasi bumalik ulit siya sa loob? Palagi niya na lang ako nahuhuling may ginagawang kalokohan.
Nung unang beses kaming magkita, hawak ko ang condom. Sa pangalawa, hawak ko naman 'yung vibrator. At ngayon ay pinapalobo ang condom.
Nakakahiya. Pero bakit naman ako mahihiya? Curious lang naman talaga ako. At isa pa... normal lang 'yon, hindi ba?
"Your boss should fire you." sabi niya nang muling makalapit sa akin.
Ngumuso ako at inayos ang salamin na nalalaglag na naman. Medyo malabo na rin siya paningin ko dahil gasgas na ang mga lens. Hindi pa ako makapagpagawa ng bago dahil na rin sa wala pa akong extra.
"Grabe ka naman sa akin. Ikaw ba, alam ng mga magulang mo na bumibili ka ng ganiyan karaming condom tapos nauubos mo lang sa ilang araw?" hamon ko. "Grabe naman pala kayo ng nobya mo. Unli."
Nakakatawa. Kung makipag-usap ka sa kaniya, akala mo basta-basta lang siyang tao. Baka nakakalimutan mong may mataas na posisyon siya sa eskwelahan ninyo at puwede ka niyang alisan ng scholarship. Kapag nangyari 'yon, uuwi ka talaga sa probinsya para magsaka!
Itinuon niya ang mga kamay sa counter habang titig na titig sa akin. Masiyado siyang seryoso pero hindi naman mukhang nagagalit.
"I think I am already at the right age to do whatever I want... or fuck whoever I want..." he said it slow and precisely. "And I don't have a girlfriend."
Hindi ako nakakibo. Tama naman siya. Ano mang kalokohan ang ginagawa niya, paniguradong wala na rin pakialam ang mga magulang niya. Hindi ba at bente nuebe na siya? Malapit na lumagpas sa kalendaryo.
Pero, weh? Wala siyang girlfriend? Sa gwapo niyang iyan, sa ganda ng tindig at pangangatawan, wala siyang girlfriend?
"Maniwala ako sa'yo. Kanino mo ginagamit ang isang damakmak na condom mo kung ganoon?" nakangusong tanong ko. "May asawa ka na siguro... sir..."
Kita mo nga naman. Ngayon ko lang naisipan tawagin siya ng ganoon. Remembering how many times I called him as kuyang glow in the dark, embarassment couldn't help but to seep in my skin.
Imagine calling someone who is as high as a shareholder in our school that way.
Pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi niya. Lalo itong namula, lalong napansin ang ganda ng hubog. Inilapit niya ang sarili sa akin hanggang sa ilang sentimetro na lang ang layo niya sa akin.
I held my breath as I felt his lips near my ear. His warm breath kissing my neck."Hookups... Bed warmers..." He stroke the tip of his nose against my jaw that made me bite my lowerlip I could already taste blood. "No wife... No girlfriend... I'm allergic to that..." his teeth gently bit the shell of my ear that made me shut my eyes more. "Ma'am."
Saka lang ako nagmulat ng mga mata nang maramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Our eyes drilled with each other as if we were both trying to find something in our soul that even us can't define whatever it was.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang makita ang pagbaba ng mga mata niya sa aking labi.
Something electrifying tickled my stomach... or something down there. Pakiramdam ko, may gusto akong mangyari at hindi ko 'yon maanin sa sarili ko.
He soon brought his eyes back on mine and I can hear my heart beating really loud and fast.
Leaning his palms against the counter, he suddenly moved closer to me and attacked my lips with hungry and fiery kisses.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon. I just found my eyes growing really round the moment I felt his warm and soft lips brushing against mine.
Ito ang unang beses na nakaranas ako ng halik mula sa isang lalaki. Sinabi ko noon na ang unang lalaking hahalikan ko ay magiging asawa. Na pag-aaral muna ang aatupagin ko at hindi paglalandi.
Pagkatapos ay narito ako sa harapan ng isang lalaki at nakikipaghalikan? Ni hindi nga ako marunong humalik!
He opened my mouth using his tongue. Sinubukan ko siyang sabayan, gayahin ang bawat galaw nang mapusok niyang mga halik nang maramdaman ko ang tila papatulong laway ko!
Nanglalaki ang mga mata ko nang lumayo mula sa kaniya.
"Teka, sandali!" awat ko.
Nagtatanong ang mga mata niya, marahil ay nagtataka sa biglaan kong galaw. My eyes went down his lips. Pansin ang pagkabasa ng paligid noon, tila laway na lampas-lampas at alam ko na sa akin iyon galing!
Dali-dali kong binunot ang panyo mula sa likod ng bulsa ng pantalon ko at pinunasan ang paligid ng labi niya.
"S-Sorry. Hindi kasi ako marunong..." sabi ko habang tinutuyo iyon. "First t-time ko."
Siguro ay nangdidiri na siya dahil pinaliguan ko ng laway ang labi niya. Hindi ata halik ang ginawa ko kung hindi higop. Baka pinagtatawanan niya na rin ako dahil siguradong lahat ng babaeng nakakahalikan niya ay magagaling at eksperto.
"I-Ikaw naman kasi. Bakit mo pa ako hinalikan, nakakahiya dahil hindi ako marunong..." huminga ako nang malalim at tiningnan siya mula sa mga salamin ko. "Hayaan mo, pag-aaralan ko at sa susunod na halikan natin, magaling na ako."
The corner of his lips lifted in a sexy grin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sa tingin ko ay matagal bago ako nakakaabante mula sa katotohanang nakarating na ako sa unang hagdan papuntang langit.
"There's a next time, huh?"
Kumurap kurap ako. "W-Wala na ba?"
Sabi ko na nga ba. Nadismaya siya dahil hindi ako marunong.
He chuckled. "Disappointed, aren't we?"
Hindi ako sumagot at inayos muli ang salamin sa mga mata. Ramdam kong hiwalay na rin ang mga bangs ko at lumalabas na rin ang noo ko na may katambukan.
Matalino raw kapag gano'n. At matambok ang sa ibaba.
"We'll definitely do it again, Madisson..."
My eyes darted into his dark orbs. Alam niya ang pangalan ko kung ganoon. Maaaring sa school niya rin nalaman. Kanina sa guidance.
May mapaglarong ngisi sa mga labi niya at sa kabila no'n, hindi ko maintindihan kung bakit natatanaw ko ang panganib. Pero tila iyon rin ang dahilan kung bakit pakiramdam ko, kahit alam ko na ikapapahamak ko ang pagkakakilala sa kaniya, gugustuhin ko pa rin ang magpadala sa bawat paghila niya.
"You will learn in time..." he added, his voice hypnotizing like a dark monster casting its spell on me. "I'll make sure of that."
—
To those who want to subscribe on VIP Facebook Group, kindly message Warranj Novels on Facebook.
Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.