Pre-order a copy of Enslaved By Her Innocence at Warranj Suarez Monasterio Facebook account.
—
Chapter 26
Kumurap kurap ako, hindi inaasahan na makikita siya ngayon lalo pa at hindi naman naihabilin sa akin ni Dice na darating siya.
Kung alam ko lang ay sana nakapag-ayos man lang ako ng sarili ko. O, kaya ay nakapagluto ng pagkain na puwede niyang makain.
Alam ko na mabait siya pero baka isipin niya... ang pangit ng nanay ng magiging apo niya. Isa pa, hindi kami pormal na nagpaalam sa kanila ni Sir Dashiel na ititira na ako ni Dice dito.
Maaaring nasabi na siya pero wala akong ideya sa kung ano ang sagot nila sa ganoong desisyon ni Dice.
"Hi po, Ma'am Dreya..." sabi ko at niluwagan ang pintuan. "Tuloy po kayo, ma'am."
Mahinhin siyang ngumiti sa akin. Kahit saan talagang anggulo ay napakaganda niya. Her tan skin complimented her beauty.
This is the first time that I appreciated a Filipina beauty. Walang arte sa mukha, walang kolorete pero ang natural na ganda niya, daig pa ang babaeng laging nakaayos.
Pumasok siya, maingat ang bawat kilos. Nakayuko ako sa sahig hanggang sa lampasan niya ako. Huminga ako nang malalim saka sinarado ang pintuan.
Pagkaharap sa kaniya ay naabutan ko siyang nakatanaw sa labas ng salamin na haligi.
"Hindi po nabanggit sa akin, ma'am, na darating po kayo ngayon. Pasensya na po hindi ako nakapaghanda."
Marahan siyang pumihit paharap sa akin. Tipid siyang ngumiti, malambot ang mga mata.
"Hindi ko nabanggit sa kaniya kaya wala rin siyang alam," sagot niya. "Kumusta ka na?"
"Maayos naman po ako, Ma'am Dreya."
Tumango siya. Hindi nakaligtas sa akin ang paghagod ng mga mata niya sa kabuuan ko. Her eyes then stayed on my stomach.
"Ang pakiramdam mo, kumusta?"
"Ayos lang rin po. Kanina po ay nanggaling po kami ni Dashiel sa doctor para magpatingin. Seven weeks na po ang apo n'yo, ma'am."
Ngumiti siya, naroon ang tamis. "Talaga? Ano'ng reaksyon niya nang makita niya ang anak ninyo?"
Binalikan ng ala-ala ko ang naging reaksyon ni Dice kanina.
"Tulala po siya sa monitor habang ipinapakita ng doktora 'yung anak namin na kasing liit ng munggo. Hindi daw po siya makapaniwala, ma'am," nangingiting sabi ko. "Tapos siya rin po ang nagsuot ng panty ko nung tapos na po ako i-transvaginal ultrasound. Minsan po, mabait rin si Dice."
Her eyes blinked, the smile on her lips faded a bit. Tila natulala rin siya ng ilang segundo bago tipid na ngumiti.
"Maupo tayo, Madisson."
Tumango ako at ngumiti pabalik. Tinalikuran niya na ako at naunang naglakad papunta sa malawak na sala. Sumunod ako. She sat on the long couch. Maging sa pag-upo ay masiyado siyang mahinhin. Inayos niya muna ang laylayan ng bestida niya bago naupo.
I sat on the couch across from her. Ilang metro rin ang layo namin sa isa't isa pero kung makatitig siya sa akin, pakiramdam ko ay kaunti lang ang distansya na mayroon kami.
"Kumusta kayo ni Dice dito, hija?" panimula niya.
"Maayos naman po kami. May kasungitan po siya pero sanay na po ako. Makulit rin po kasi ako kaya naiintindihan ko po kung hindi ako kinakaya ng pasensya niya."
She sighed and looked on her hands that were resting over her legs.
"When he informed us that he's going to let you live here, my first question was... are you two in a relationship?" she lifted her eyes and stared at me. "I asked him. But I want to hear your answer, too."