Chapter 25

24.3K 424 23
                                    

Pre-order a copy of Enslaved By Her Innocence at Warranj Suarez Monasterio Facebook account.

Chapter 25

Masarap ang naging tulog ko matapos may mangyari sa amin ni Dice. Pakiramdam ko, palagi 'yon hinahanap ng katawan ko. Tipong katatapos lang namin ay gusto ko pa ulit.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagbubuntis ko o sadyang ganito na ako simula nang makilala ko siya.

Sa biyahe patungong hospital ay humikab ako at tumingin sa kalsada. Nasa bandang high way kami at medyo traffic pa. Ang aga na nga naming umalis pero inabot pa rin ng traffic.

"Dice, may trabaho ka pa, hindi ba?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan. "Hindi ka ba mahuhuli?"

"I own my time."

"Oo nga pala," muli akong humikab. "Ano pala ang sabi ng mga magulang mo na ibinahay mo na ako? Nagalit ba sila?"

Nilingon ko siya. Tamad siyang nakahawak sa manibela. Ang isang kamay ay nakatuon sa bintana at nakatuon ang sentido. Sa itsura ng mga mata niyang mapungay, halatang inaantok rin siya.

Pasimple akong humagikhik. Akala ko naman kasi, isang beses lang namin gagawin iyon kanina. Kaso, nakalima kami.

Mas masarap kasi walang condom na ginamit. Pakiramdam ko nga, first time may nangyari sa amin ni Dice na normal at walang mga sex toys. Pakiramdam ko, babaeng marangal ako.

Ewan ko ba dito kay Dice kung bakit gumagamit pa siya ng mga 'yon. Sa totoo lang naman, galaw niya pa lang sa ibabaw ko ay sapat na.

Whenever he moves, I always realize how beast and dominant he is when it comes to bed.

"Why would they get mad?" pukaw niya sa atensyon ko.

"Siyempre kasi nangbahay ka ng babaeng hindi mo naman ka-relasyon. Marangya at kagalang galang ang pamilya mo. Kung malalaman ng ibang tao ang sitwasyon mo, baka pag-usapan ka nila at gawan ng issue." sabi ko habang nasa labas ang mga mata.

"And I should care about that?"

"Oo naman. Iniingatan ninyo ang pangalan ninyo-"

"You talk as if getting you pregnant, and our baby, is a disgrace to my family."

Nilingon ko siya matapos mahimigan ang iritasyon sa tono ng boses niya.

"Hindi naman. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kasi bilang isang tao na kilala sa lipunan, kailangan maingat sa bawat galaw. Tipong..." napaisip ako at tumingin pa sa itaas. "Dapat pati sa taong makakarelasyon ninyo, kilala rin at kagalang galang."

Malayo ako sa ganoong klase ng babae. Wala akong maipagmamalaki sa kaniya at sa pamilya niya. Kahit pa ang sarili kong pamilya ay hindi ko gugustuhin na makilala niya dahil ano ba naman ang mga magulang ko?

Isang sugalera at isang mahilig mag-inom. Kapag nagkakaroon ng trabaho, sa araw ng sweldo ay sa alak kaagad napupunta. Kapag talo, walang uulamin kinagabihan.

Kaya siguro hindi na rin ako tumangkad dahil bata pa lang ay kulang na ako sa sustansya.

"Simpleng babae lang rin si Mama at Elianna nang makilala at magustuhan nina Papa at Dustine. Pero hindi naman naging hadlang iyon sa kanila."

Tumango tango ako. "Kahit na. Maiintindihan ko kung makikipagrelasyon ka sa ibang babae habang nasa bahay mo ako. Ang bata lang naman ang responsibilidad mo sa akin kaya... ayos lang."

Na sana ay hindi mo gawin kahit pa sinasabi ko na ayos lang sa akin. Wala man tayong relasyon, wala ka man nararamdaman para sa akin... ayaw ko pa rin dumating sa puntong makikita kitang may kasamang ibang babae.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon