Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
Enslaved By Her Innocence is already complete on VIPs and Patreon. Message Warranj Novels to subscribe.
—
Chapter 8
Mabuti na lang at ang mga customer na pumapasok, alam na kaagad kung ano ang bibilhin nila na para bang matagal na nilang binibili iyon.
Kung sakaling tanungin nila ako kung para saan ginagamit ang mga bagay na pinagkukukuha nila, iling lang ang maisasagot ko. Kakailanganin ko pa si Dice na siyang nagpaalam dahil may kailangan daw siyang puntahan sandali.
May mga presyo at barcode na rin na nakadikit sa bawat items kaya hindi na rin ako nahirapan pa. Kusa nang lumalabas sa POS machine kung magkano ang total.
It was already eleven in the evening. Mamayang alas dose ay puwede na akong umuwi ayon na rin kay Dice. Kaya lang ay wala pa rin siyang naituturo sa akin kagaya ng napag-usapan.
Huminga ako nang malalim at naupo sa high stool. Hinubad ko ang salamin at ipinatong ito sa ibabaw ng counter. Itinali ko ang buhok ko sa mataas na paraan at hinayaang isama ang bangs. Bahala na kahit kita na ang matambok kong noo. At least hugis puso naman.
I heard the door chimes create a sound. Mabilis kong isinuot ang salamin at nakita ang pagpasok ng isang lalaki.
"Good evening! Welcome to Pleasure Place." bati ko.
Sinundan ko ng tingin iyong lalaki. Matangkad siya at gwapo rin. Maganda ang pangagatawan at tila alaga sa gym. Hindi sila nagkakalayo ng bulto ni Dice. Only that Dice's physique was more intense and defined.
Sinulyapan ako nung lalaki mula sa pagmamasid niya sa mga rack. He smiled a little and anchored his eyes back to the products.
Gustuhin ko man siya lapitan para i-assist ay siguradong makakagulo lang ako sa kaniya.
Bumuntonghininga ako at itinuon ang atensyon sa computer sa harapan. Marami pa akong kailangan kabisaduhin sa bagong trabaho pero madali naman ako makapick up kaya walang problema.
Drumming my fingers against the counter, I raised my gaze when I felt someone standing in front of me.
Napaayos ako ng tayo nang makita ang customer na lalaki roon. He was staring at me, a warm smile etched on his lips. Kahit pulang ilaw ang bumabalot sa amin, pansin pa rin kung gaano siya kagwapo.
"Hi! I need assistance." he said.
Kumurap kurap ang mga mata ko. Wala sa sarili akong napatayo bago tumingin sa mga kaway niya. He was holding a pink item but definitely not a dildo.
Ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya.
"Yes, sir?"
"What is this?"
Inilapit niya sa akin ang isang pack kung saan mayroon doon tatlong piraso ng mga tila isinusuot sa mga daliri. Wala akong ideya kung ano 'yon at ngayon ko lang rin nakita.
"Ah, sir. Saan ninyo po kinuha para matingnan ko rin po."
Lumabas na ako ng counter at tiningnan siya. Itinuro niya ang ikatatlong rack na sinagot ko ng tango. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Naging mabilis ang mga mata ko sa paghahanap nung item na hawak niya.
"Ito po?" turo ko bago siya hinarap.
The guy nodded his head. I slouched a bit to check the name under.