PRE-ORDER MONASTERIO SERIES BOOK 9: ENSLAVED BY HER INNOCENCE. Message KPub PH or Warranj Suarez Monasterio on Facebook.
—
Chapter 24
Puyat na nga dahil namamahay, maaga pang nagising matapos maramdaman ang tila paghalukay sa sikmura ko. Mula sa kamay ay natataranta akong bumangon at tumakbo papunta sa banyo.
Kamuntikan pa akong magtaka kung bakit tila nasa ibang lugar ako nang maalalang sa penthouse na ako ni Dice nakatira ngayon.
Binuksan ko ang pinto ng banyo. I haven't got the chance to turn the lights on and go straight to the sink. May kaunting liwanag naman na tumatagos mula sa lampshade ng kwarto kaya hindi sagabal ang dilim.
Yumuko ako at naduwal. Umakyat ang pait sa lalamunan ko ngunit wala namang nailabas kung hindi laway.
I suddenly felt a gentle caress on my back. Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy sa pagduduwal.
"What's wrong?" It was Dice's bedroom's voice.
Hindi ako kaagad nakasagot. Nang bahagyang kumalma ang sikmura ay umayos ako ng tayo at kinuha ang tissue na inaabot niya. I tapped my mouth and faced him while catching my breath.
Bahagya pa siyang nanglalabo sa paningin ko kaya naman kinusot ko ang mga mata. He was eyeing me with furrowed brows. Titig na titig rin siya sa akin na para bang may nagawa akong mali.
"Hindi ko alam. Nagising na lang ako na nasusuka. Sorry, naingayan ka ba sa akin?"
Nilagpasan ko siya at nanlalaki ang ulong lumabas ng banyo. Dahil nakatungo ay hindi ko namalayang babangga na ako sa pader. I would have not realized it if Dice didn't place his hand on my forehead as if he was blocking me from hitting the wall.
Umiwas ako at naglakad patungo sa kama. Bumalik ako sa pagkakahiga pero ramdam pa rin ang pamimilipit ng sikmura. I can feel Dice's heavy stares at me.
"Is this the first time you experience it?" he asked.
Iminulat ko ang isang mata at sinilip siya. He was standing in front of me while hands were leaning against his waist.
"Iyong magising ako dahil sa pagsusuka, oo. Pero nung nalaman ko na buntis ako, nagsusuka rin ako."
"Anything you did to make you feel better that time?"
Umiling ako. "Wala."
Narinig ko ang bumuntonghininga niya. Ipinikit ko ang mga mata at sinubukan ulit bumalik sa pagkakatulog lalo pa at madaling araw pa lang naman.
Parte lang siguro ito ng pagbubuntis. Wala akong ideya dahil hindi ko naman ito nararanasan noon. Dapat na rin siguro ako magpatingin sa doktor para makapagtanong kung ano ang mga dapat ko asahan.
"I just need to ask you something."
Muli akong nagmulat ng isang mata. I saw him walking towards the glasswall. He was talking to someone over his phone. Ang isang kamay, nakapaloob sa bulsa ng sweatpants niya.
"She woke up with upset stomach. Nagsuka nang nagsuka. Is it normal?"
Sino ba ang kausap niya at mukhang tinawagan niya pa para lang itanong ang tungkol sa pagsusuka ko?
"Sure? I'll have her checked later..." she sighed. "Kung ngayon na kaya?"
Hindi siya mapakali. Akala niya siguro makakasama sa pinagbubuntis ko ang pagsusuka ko. Ramdam ko na normal lang iyon.
May naging classmate ako dati na nabuntis rin at walang ginawa sa classroom kung hindi ang magdududuwal kaya nag drop out na lang siya.
"I'll call you back again," sabi muli ni Dice. "Send my regards to Elianna."