Chapter 17

40.6K 502 53
                                    


Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. THIS IS ALREADY COMPLETE FOR VIPS AND ON PATREON. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 17

Ngumuso ako nang itulak ni Dice palayo ang styrofoam bag na para bang nandidiri siya doon. Sinamaan niya ako ng tingin. He looked pissed as if he couldn't believe that I'm really offering him this food.

"Masarap naman iyan. At isa, wala namang masama kung susubukan mo. Malay mo, lumakas nga talaga ang tuhod mo." humagikhik ako.

"You think I'm an old man who needs to eat that just so I can do you the whole night?"

Nagkibit balikat ako. "Kumpara sa akin, matanda ka naman na talaga. Sampung taon kaya agwat mo sa akin, Dice."

His eyes narrowed as if I said the wrong choice of words. E, totoo naman, hindi ba? Twenty nine na siya samantalang ako ay nineteen pa lang.

"It matters to you now?"

Kumurap kurap ako. "Hindi. Nasa legal age naman na ako kaya puwede na ako makipag ganoon sa'yo."

Ang tanong ay hanggang kailan may mangyayari sa amin ni Dice? Ang gusto ko sana ay siya na rin ang huli. Pero siyempre, imposible mangyari iyon lalo pa at nasisiguro ko na laro lang para sa kaniya ito.

"Sige na. Kainin mo na ito. Tikman mo kahit makalima ka lang. Sayang naman ang ipinang abono ko dito, Dice!"

Umiling siya at ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib.

"No."

"Sayang nga iyong ipinang-abono ko dito!"

"How much? I'll just pay you."

Humaba ang nguso ko. "Kainin mo pa rin. Kahit dalawa lang. Promise masarap iyan. Kumakain ka naman ng nilagang itlog, hindi ba? Ganoon lang ang lasa nito! Tapos iyong sabaw? Promise, hahanap hanapin mo."

Titig na titig siya sa akin. Ramdam ko na nag-aalinlangan siya dahil bumababa rin ang mga mata niya sa styrofoam box.

Alam ko na mayaman siya, ubod pa nga ng yaman. Pero hindi ko inaasahan na hindi pa siya nakakakain ng balot sa tanang buhay niya.

"Alam mo, Dice, hindi kumpleto ang buhay mo kung hindi mo mararanasan kumain ng balut." pilit ko pa.

"What would I gain in return if I eat these fucking eggs?" masungit na aniya.

Humagikhik ako. "Bukod sa lalakas ang mga tuhod mo, kahit anong posisyon gagawin ko rin. Kahit saan!"

He doesn't look satisfying with my offer. Ayaw niya ba no'n? Kahit anong posisyon gagawin ko. Kapag sinabi niyang dapa, dadapa ako. Kapag sinabi niyang tiwarik, titiwarik ako.

"You'll do anything just to make me eat this, huh?"

Ngumiti ako, malawak at labas lahat ng ngipin. Dumukwang ako sa styrofoam at kumuha ng isang balut. Bahagya ko itong ipinalo sa kanto ng counter hanggang sa mag-crack ang ibabaw ito.

Umapaw ang sabaw at kaagad iyong ibinigay sa kaniya.

"Ayan na ang sabaw! Higupin mo na! Isipin mo na lang... akin iyan." I giggled.

His eyes narrowed. "You have become so naughty."

"Kasalanan mo naman."

"I doubt it. It's already been tainted even before I met you." he smirked.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon