Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 21
Kaunti na lang ay mauuwi na si Dice sa pagkaladkad sa akin dahil sa laki ng mga hakbang niya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila ng mga magulang niya.
Binalikan ko sa isip ang mga huling pinag-usapan bago kami umalis doon. Itinanong lang naman kung taga saan ako at kung sino ang mga magulang ko. Sinabi ko at tila sila naalerto.
Lalo na si Sir Dashiel. From being calm, I had to admit that I saw how his eyes turned dark.
"Sandali, Dice! Bakit mo ba ako hinahatak? Excited ka ba na makarating tayo sa kotse mo? Gusto mong tumambling na lang ako para mauna pa ako sa'yo doon?" hinihingal na sabi ko.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paghila sa akin. He pressed the car key fob that was hanging on his pants. Tumunog ang alarm ng itim na kotse niya. Bitbit niya pa rin ako hanggang sa buksan niya ang pintuan ng passenger seat at papasukin ako doon.
I didn't get inside right away. Sa halip ay isinandal ko pa ang likod ko sa entrada at nag-angat ng tingin sa kaniya.
Eyes still have poisonous darkness, he stared back at me with undeniably coldness.
"Anong nangyayari? Bakit biglang nagkaganoon ang mga magulang mo? Late na ba nag-sink in sa kanila na nakabuntis ka?" sunod-sunod na tanong ko.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. He leaned his hand on the sides and he was like a dangerous predator cornering his prey.
"How did you find out?" he asked all of a sudden.
My eyes blinked. "Ang alin? Ang pagbubuntis ko?"
Bumuntonghininga siya na para bang hindi niya gustong marinig pa ulit ito.
"Yes."
"Nagising na lang ako isang umaga. Nagsusuka. Kasama ko si Einee at ang mga ka boardmate ko. May pregnancy test na ibinigay sa akin at positive ang resulta. Inulit ko kasi ayaw kong maniwala..." huminga ako nang malalim saka tumungo. Ilang segundo lang at nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya. "Kaso ganoon pa rin ang resulta. Buntis pa rin ako."
Hindi siya sumagot. He breathed out again and glanced sideways. May kadiliman dito sa labas sa kabila nang mga lamp post pero hindi iyon naging hadlang para makita ko ang paggalaw ng mga buto sa kaniyang panga.
"Paulit ulit akong nagtetext sa'yo pero hindi ka naman sumasagot. Hindi mo rin pinapasyalan ang shop. Ano bang nangyari sa'yo?" alanganin akong ngumiti. "Hindi sa nag-alala ako pero... parang ganoon na nga."
Nilingon niya ako. "I just came home from Thailand yesterday. Business."
Talaga? Kahapon pa naman pala pero bakit hindi niya ako nagawang sagutin? Sinusubukan ko rin siyang tawagan kanina, kahit miss call lang pero cannot be reached siya.
Hayaan na nga. Ang importante ay narito na siya at alam niya nang buntis ako.
"Dice, ayaw ko sanang ipaalam sa mga magulang ko lalo pa kay nanay ang tungkol dito. Baka... puwede mong sabihin sa mga magulang mo na huwag na lang nilang puntahan para kausapin at ipaalam ito."
Hindi siya kaagad sumagot at mariin lang akong pinagmamasdan. Isang beses pa siyang nagpakawala ng buntonghininga na para bang masiyadong mabigat para sa kaniya ang magsalita.
"Let's continue this inside the car. Mahamog na."
Umalis siya mula sa pagkakatuon ng mga kamay sa magkabilang gilid ko. Hindi na ako nagtanong pa kung ano'ng kinalaman ng tema namin sa hamog. Pumasok na rin ako sa loob ng passenger seat. As soon as I settled myself inside, I glanced at him.