Chapter 37

20.9K 504 77
                                    

Chapter 37

Pinagmasdan ko ang hubad kong katawan sa malawak na salamin. Tumagilid ako at mas lalong nadepina ang pagkabilog ng tiyan ko. Limang buwan pa lang akong buntis pero bakit mukha na akong dyolen?

Hinawakan ko ang dibdib ko. Malaki na rin ito kumpara sa dati. Even my butt looks bigger than usual. Ang liit ko pero malaki rin ang inilapad ng katawan ko.

"Ang pangit ko na lalo."

Mahaba na ang bangs ko at nagagawa ko na rin itago sa gilid ng aking tainga. Kitang kita ang malapad kong noo pero ayaw ko na muna magpahaba ng bangs ngayon lalo pa at mainitin ako.

Nakakatuwang wala na rin ang ilang pimples ko sa mukha. Wala naman akong ginagamit na kahit ano kung hindi iyong body wash ni Dice. Pang katawan lang pero ginagamit ko rin sa mukha.

Bumukas ang pintuan ng walk in closet. Mula sa repleksyon sa salamin ay nakita ko ang pagdungaw ni Dice. Kaagad nagtama ang mga mata namin.

Tuluyan na siyang pumasok at tahimik na isinara ang pinto.

"Not yet ready to leave?" he asked.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang sarili ko sa salamin.

"Hindi naman sa gano'n. Tinitingnan ko lang ang sarili ko. Para kasing ang daming pagbabago."

"That's natural."

Sinilip ko siya. He was leaning the side of his shoulder against the wall. Magkakrus ang mga kamay niya sa ibabaw ng dibdib habang titig na titig sa akin.

Over the past weeks, my cravings for Chaos suddenly died down. Hindi ko na siya hinahanap hanap kagaya nung mga nakaraan. The truth is... I keep on looking at Dice. Sa paggising at pagtulog ay gusto kong nakikita ang mukha niya.

Hindi ko alam kung pinaglilihian ko siya pero ganitong ganito rin ang pakiramdam ko noon kay Chaos. Only that I prefer not to tell him about it. Siguradong naman na wala siyang magiging pakialam kung paglihian ko siya.

Oo nga at hindi niya na ako gaanong sinusungitan pero ang panglalamig... naroon pa rin. Ramdam ko na may pinipigilan siya. Kung ano man 'yon, hindi ko alam at ayaw ko na rin alamin pa.

"Are you bothered?" Dice's voice snapped me out of my thoughts.

He's now approaching me. Hindi ko siya tiningnan at nanatiling sariling repleksyon ang pinagmamasdan.

"Hindi naman. Medyo nakakagulat lang ng mga pagbabago sa katawan at itsura ko ngayon."

Kung noon na maayos pa ang itsura ko ay hindi mo ako magawang magustuhan. Paano pa kaya ngayon  na pakiramdam ko, ang pangit ko?

"You sound conscious."

Because I am.

"Hindi. Natural lang siguro ito kapag buntis. Bakit naman ako mako- conscious?"

Dumiin ang pagkakatitig sa akin ni Dice sa salamin. I was naked. Wala akong kahit na anong saplot dahil matapos maligo ay nauwi na kaagad ako sa pagkakatulala sa sarili ko sa salamin.

Umangat ang mga kamay ni Dice at ipinatong ito sa magkabila kong balikat. Our eyes drilled into each other's darkness as if our minds were talking.

He then slowly turned me around until we were facing each other. For some reason, it felt awkward that he looked elegant and formal with his clothes while I was naked.

Hindi ko rin alam kung namamalikmata lang ako o totoong nakikita ko ang marahang pagtitig niya sa akin.

Walang galit. Walang iritasyon. Walang kahit na anong magpapasama ng loob ko. Masiyadong malambot. Sa halip ay takot at pag-aalala ang naroon. Na hindi ko maunawaan kung para saan.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon