Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 16
Pagpasok ko pa lang sa school ground ay nakatingin na sa akin ang karamihan sa mga estudyante. Alam kong ang tungkol sa eskandalo sa pagitan namin nina Craige ang dahilan at wala ng iba.
"Tingnan mo itong mga 'to. Sa itsura pa lang ng mga tingin ay ikaw na kaagad ang sinisisi sa nangyari. Napaka-bias talaga!" iritadong bulong ni Einee habang naglalakad kami.
Sinikap ko ang huwag silang pansinin. Isang araw pa lang ako hindi nakakapasok ay ganito na kaagad nila ako kung husgahan na para bang kahit alam nila ang totoo ay gusto nilang sumalungat doon.
"I'm sure it's just a frame up. Bakit naman magkakaroon ng interes sina Craige sa babaeng iyan? Tingnan mo nga ang itsura!"
"Kaya nga! Sina Craige pa tuloy ang lumabas na masama. For all we know, he never likes a woman who dresses like her."
"E, kasi nga hindi naman ganiyan ang style niya nang magtungo siya doon. Hindi nga daw aakalain na siya. Baka sinadya."
"I think so. Sinadyang mang-akit! Ang sabi pa, pati iyong isa sa mga shareholders ay kinakalantari!"
Napatingin ako kay Einee. Naninigkit ang mga mata niya habang nakatingin sa gawi nung mga babaeng nag-uusap.
"Grabe ano? Monasterio pa naman iyon. Kapit sa patalim. Gagamitin ang katawan para may makapang-gatas.
Makapang-gatas? Bakit, baka ba Dice para gatasan ko?
Hindi na nakapagpigil pa, huminto ako sa paglalakad na siyang ginawa rin ni Einee. Nilingon ko ang dalawang nursing student na lantaran kung pag-usapan ako.
Naglakad ako palapit sa kanila. Diretso ko silang tinitigan sa likod ng salamin ko. Umayos sila ng tayo, ipinagkrus pa ang mga kamay sa ibabaw ng kanilang dibdib, tila ba handa nang makipagsagutan sa akin.
Tumigil ako sa harapan nila. They raised their brows while staring bitchily at me.
"What? You want us to take away everything we said about you? Totoo naman! Pasimpleng malandi ka."
Hindi gumawa ng kahit anong reaksyon ang mukha ko. I just kept on looking at them as if they are sort of some puzzle that needs to be solved.
"May gusto lang ako itanong." wika ko.
Nagkatinginan sila. Mas lalong tumaas ang kilay nung isa na para bang naiirita na siya sa pagmumukha ko.
"What?!" she hissed.
"Narinig ko kasing sinabi ninyo na gagatasan ko si Dice," diretsong sagot ko. "Ano iyong gagatasan?"
Muling nagkatinginan iyong dalawang nursing student. With the way they looked at each other, it felt like they were curious if I really asked them that.
Bago pa man sila makasagot ay naramdaman ko na ang paghila sa kamay ko dahilan para mawala ako sa harapan ng mga nursing student.
"Bes, bakit ba?" tanong ko nang paakyat na kami sa hagdan patungong corridor.
"Ikaw! Kung makasugod ka akala ko naman kokomprontahin mo sila dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa'yo!"
Tumingin ako sa bawat baitang habang umaakyat. Pakiramdam ko, ano mang sandali ay madadapa ako.
"Hindi naman. Gusto ko lang malaman kung ano ang gagatasan," diretsong sagot ko. "Alam mo ba, bes?"
Tumigil siya sa pag-akyat at hinarap ako. Binitawan niya ang kamay ko sa padabog na paraan na ikinanguso ko.