Chapter 22

39.4K 579 44
                                    

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 22

Masamang tingin ang iginawad ni Einee sa akin. Ngumuso ako at nagpatuloy lang sa paglalagay ng mga gamit sa maliit na duffel bag.

"Padalos dalos ka sa mga kilos mo, Madisson! Kapag ba tumira ka sa lugar niyang si Dice, sigurado ka na aalagaan ka niyan?"

Iyan rin ang tanong ko sa sarili ko. Pero sa tingin ko naman, kakayanin ko na alagaan ang sarili ko basta may suporta pagdating sa pinansyal mula sa kaniya.

Mahirap lang naman kumilos kapag walang pera. Sometimes, no matter how you try to be optimistic and look at the brighter side of life, that no amount of money can ever make people happy, we still have to admit that money makes life better. Na kung may pera ka, magagawa mo pa rin maging masaya kahit nag-iisa ka.

O, baka para sa akin lang 'yon dahil buong buhay ko ay lumaki akong salat sa pera.

"Hindi naman siguro siya mag-aaya na doon na ako tumira kung hindi niya ako magagawang alagaan, bes." sabi ko na lang.

He was helping me organize my clothes. Si Dice ay naiwan sa kotse at doon na lang naghintay. Sinabi niyang papasok siya dito sa boarding house pero hindi ko na siya pinayagan pa. Kapag nakita siya ng mga kapitbahay, siguradong pag-uusapan lang kami at gagawan ng kuwento.

"Ano'ng usapan ninyo? Paano ang pag-aaral mo at ang mga magulang mo? At saka, may relasyon na ba kayo? Hindi ba at hanggang kama lang naman kamo ang relasyon ninyong dalawa?" sunod-sunod na tanong niya. "Naku! Bakla ka talaga!"

Naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. He's worried about me because he treats me more than just a friend. Para rin naman sa akin, kapatid na siya at hindi lang basta kaibigan.

"Sa ngayon wala pa kaming napapag-usapan bukod sa susuportahan niya lahat ng pangangailangan ko. Hindi na rin ako papasok sa school dahil online class na rin ang gagawin ko. Ayos na rin dahil siguradong issue lang kapag nakita nilang lumalaki ang tiyan ko. Ang masaklap niyan, alam nilang may koneksyon kaming dalawa ni Dice."

Itinuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit. Hindi naman karamihan kaya madali lang rin matatapos.

"Siyempre ay hindi gugustuhin ni Dice na ma-issue sa'yo kaya lahat ng pagtatago ay gagawin niya!" umirap siya at halatang iritado. "Kasi kung proud siya na nabuntis ka niya, aalukin ka na niya sa isang relasyon at ipapakilala sa mundo."

May kung anong pait ang dumaloy sa dibdib ko. Masakit rin pala ang ma-real talk, ano? Kahit pa magkunwari ako na walang pakialam kay Dice at sustento lang niya ang habol ko, hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng lungkot na hanggang doon lang talaga ang tingin niya sa akin.

Walang relasyon na mangyayari dahil siya na nga mismo ang nagsabing huwag akong umaasa na lalagpas kami ng higit pa sa kung ano kami.

"Hayaan mo na, bes. Wala naman akong pakialam kung wala kaming maging relasyon o ikahiya niya pa ako. Ang mahalaga lang sa akin, iyong suporta niya sa magiging anak namin at siyempre... pera. Kung bibigyan niya ako nang maraming pera, deadma na sa mga feelings na iyan."

"Pero, Madisson, tapatin mo ako..." seryosong aniya at may pakiramdam ako na alam ko na kaagad ang susunod niyang sasabihin. "May nararamdaman ka na ba para kay Dice?"

Hindi kaagad ako nakatingin kay Einee. Nagkunwari akong abala sa pagtutupi ng damit dahil hindi ko rin alam kung magagawa ko siyang sagutin.

Alam ko naman ang sagot. Ayaw ko lang aminin dahil may alinlangan pa ako. Gusto ko paniwalain ang sarili ko na wala akong higit pa na nararamdaman kay Dice. Ayaw ko na pagdating ng huli, masaktan lang ako lalo pa at umpisa lang ay inunahan niya na ako.

Monasterio Series 9: Enslaved by Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon