Kabanata 3

277 5 0
                                    

Kabanata 3

Sovereign

"Let me just make sure I'm getting it right." Umayos ng pagkakasandal si Raven sa sports car niya habang nakahalukipkip. "You're trying to learn how to drive so you can teach a girl how to drive?" He scoffed. "Oh, man. You're in for a nasty ride, hmm?"

Tumuwid ako ng tayo at pinaalis siya sa pagkakasandal sa kotse niya nang mapunasan ko nang maayos. "Oo nga. Kanina ko pa sinasabi."

Natatawa siyang umiling-iling. "You're crazy."

"Basta turuan mo na lang ako at muntik na akong sapukin no'ng nalamang sa arcade ko siya balak turuan kung paano magmaneho."

Bumungisngis si Raven ng tawa. "Bakit kasi sa arcade? Have you lost your mind?"

"Hey, halos pareho lang naman 'yon," depensa ko.

"No, it's not. Driving is an art, man."

I sighed. "Turuan mo na lang ako at libre na isang buwang car wash ng lahat ng kotse mo."

He smirked. "Deal."

Raven and I spent the rest of the day with him teaching me how to drive. Medyo mas marami lang 'yong mura niya sa akin kaysa sa pagtuturo pero ayos lang. At least I get to learn the basics. 

"Oh, puta kurbada! Liko pagtapat ng side mirror sa kanto! Puta, liko na!"

Halos marindi ako sa halos maghapong bulyaw ni Raven. Baka kung iba ang tinuturuan niya ay nag-walk out na. Mabuti na lang at sanay na rin ako sa bunganga niya kaya kahit na mas lamang ang oras na nagmumura lang siya, hindi ko inintindi.

Pagkatapos ng driving lesson ko kasama ang pinakairitadong driving teacher sa mundo ay dumiretso ako ng uwi para maligo. Naabutan naman ako ni Mama na pasipol-sipol habang nagsusuklay sa harap ng salamin. 

"Oh? May lakad yata ang binata ko?" 

Lumapit ako at tinulungan siyang ipasok ang basket ng paninda niyang gulay. Nagmano rin ako sandali bago ngumisi. "Ayos ba, Ma?"

Pinasadahan niya ako ng tingin saka siya ngumisi. "Saan naman ang lakad mo at parang bihis na bihis ka?"

I smirked. "Aakyat ng ligaw, Ma."

"Aakyat ng ligaw? Naku, lagot ka sa tatay mo."

Tumawa ako nang mahina. "Biro lang, Ma. Ano lang, kina Sir Loreno po. Tuturuan kong magmaneho 'yong anak nila."

Tumaas ang kilay ni Mama. "Ikaw? Magtuturo sa anak ni Mr. Loreno kung paano magmaneho eh hindi ka naman marunong saka wala ka namang kotse? Bike nga hindi ka marunong?"

Napakamot ako ng batok. "Marunong na ko, Ma. Tinuruan ako ni Raven." 

"Ay siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak 'yang anak ni Mr. Loreno kun'di masisermunan ka ng tatay mo. Alam mo namang ingat na ingat 'yon sa trabaho niya dahil ayaw ng napapahiya sa boss niya."

And the nagging went on until she finally let me go. Dumaan pa ko sa bilihan ng bulaklak at pumili ng Sunflower na ibibigay kay Treese. Nakipagtawaran pa ko sa tindera para lang ibenta na nang mura 'yong bouquet kaya lang hindi talaga pumayag. I had no choice but to settle with just one sunflower, promising to myself that once I save up enough, I'd buy her the biggest sunflower bouquet.

Pagkarating ko sa mga Loreno ay saktong naroon ang business partner nilang sina Mr. Filtranco kasama ang anak na si Allison. Iiwas sana ako kay Allison dahil na-warning-an na ko ng tatay niyang lumayo. 

Akala yata ay gusto ko ang anak niya kaya madalas kaming nakikitang magkausap tuwing nagka-carwash ako sa mga Loreno at nagpupunta sila rito. Hindi ko naman kusang kinakausap si Allison. Siya itong panay ang lapit at bigay ng kung anu-ano na hindi ko rin tinatanggap.

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon