Kabanata 8

256 5 0
                                    

Kabanata 8

Treese

The moment I saw my mother's casket resting in our living room, I knew I wasn't dreaming anymore. Para akong nanghina. Kung hindi lang ako inaalalayan ni Sovereign ay baka kanina pa ako bumagsak dala ng labis na pag-iyak at sakit na nararamdaman.

"M-Mommy . . ." I cried. "Mommy ko!"

Sovereign helped me reach the casket. Nanginginig ang mga palad kong lumapat sa salamin. My tears stained the glass as I watched my mother's lifeless body. Para akong tatakasan ng katinuan, ngunit kung bibigay ako, paano na ang Daddy ko?

"Treese . . ." tawag ng pamilyar na boses mula sa aking likuran.

I turned to see my aunt who's dressed in a sophisticated black dress. Namumula ang mga mata at halos hindi ako magawang titigan nang diretso.

Parang sumiklab ang galit ko. I couldn't even stop my fists from clenching anymore as my expression screamed how much I hate her.

"Ano hong ginagawa ninyo rito? Kailangan po ba ninyo ng pruwebang wala na ang walang kwenta at bobo ninyong kapatid, tita?!" I shouted. 

"Treese, kumalma ka lang," paalala ni Sovereign na hanggang ngayon ay hawak pa rin ako nang hindi ako mabuwal. 

My aunt sniffed. "Hija, hindi ko ginustong atakihin ang kapatid ko--"

"Nangyari na ho! Hindi sasapat kahit kailan ang pagsisisi kung nangyari na! Wala na ang mommy ko, tita!" 

"Hija, I'm so sorry--"

"Wala ho akong pakialam kung kinakain kayo ng kunsensya ninyo ngayon! My mother is dead and I don't know how I'd tell this to my father!" Nabasag ang aking boses. "Gusto lang nilang magmahalan, tita. Kahit na magkaiba ang estado nila sa buhay, gusto lang nilang magmahalan. Gaano ba talaga kahirap para sa inyo na irespeto ang nararamdaman ng mommy ko? Ginawa rin naman ng daddy ang makakaya niya para mapatunayang kaya niya kaming buhayin at bigyan ng maayos na buhay. Ni minsan hindi ko sila narinig na nagtalo pagdating sa pera pero bakit kayong hindi involved sa relasyon nila ang pinakaapektado sa pinansyal na kakayahan namin? Minsan lang kaming humingi ng tulong sa inyo, tita pero bakit . . . bakit parang kung matahin ninyo ang mga magulang ko ay parang kayo ang bumuhay sa amin?"

Napahikbi si tita. "Hindi ko ginusto ang nangyari, Treese. Mahal ko ang kapatid ko at nasaktan ako na ang daddy mo ang pinili niya pero hindi ko intensyong mangyari sa kanya ito--"

"My mother loved my father despite their differences. It was her heart who should always decide whom it wants to beat for. Nagmahal lang po ang mommy ko pero kung matahin ninyo siya, kami, para bang napakalaki ng kasalanang nagawa ni mommy sa inyo dahil lang hindi niya pinili ang lalakeng gusto ninyo para sa kanya." I wiped my tears. "I get it, Tita. Misery loves company. You couldn't choose the man you want for yourself so you wanted my mother to lack the options, too but she did what she's supposed to do and that was to choose my father over and over again. Kaya ka galit sa kanya, tita pero ngayong wala na si mommy, ang lakas pa rin ng loob ninyong tumapak dito. Sa pamamahay na dugo't pawis ng daddy ko ang pinampatayo."

"Treese, tama na," malumanay na pakiusap ni Sovereign sa akin.

I know I wasn't supposed to say those things to my aunt but the pain I am feeling is too much that I couldn't think straight anymore. Iniisip ko pa lang na ako ang kailangang magsabi ng katotohanan kay Daddy oras na magising siya ay parang nababasag na ako. 

How am I going to tell my Dad that the love of his life is gone? Na hindi man lamang nila nagawang magpaalam nang maayos sa isa't isa? Na hindi man lamang niya nayakap o nahalikan ang mga labi ng mommy ko?

Sigurado akong mas lalong masasaktan si daddy oras na malaman niyang inatake si mommy habang nakikiusap na matulungan siya nina tita. I know my dad will always do everything to protect my mother. Kahit nga galing sa kapos na pamumuhay ay pinilit niyang umangat ang estado niya maibigay lamang niya ang kumportableng buhay kay mommy at sa akin. Tapos mamamatay ang mommy ko dahil nakiusap sa mga taong gusto niyang patunayang karapat-dapat siya para kay mommy?

"Umalis na lang ho kayo, para n'yo nang awa," I begged.

My aunt wiped her tears and left. Nang makaalis siya kasama ang mga katulong niya ay ikinulong ako ni Sovereign sa yakap.

"Halika muna. Magpahangin na muna tayo sa labas," yaya niya sa akin.

Hindi ko na tinanggihan. Baka mamaya ay himatayin na ako sa harap ng mga bisita kaya kahit gusto ko pang manatili sa tabi ng kabaong ni mommy ay sumama ako kay Sovereign sa hardin. 

Naupo kami sa bench saka niya ako pinasandal sa kanyang dibdib. He let me cry on his chest to release all the pain I am feeling, ngunit kahit anong iyak ko ay hindi talaga nababawasan ang sakit na lumulukob sa aking dibdib. 

"Kaya natin 'to, Treese. Hinding-hindi kita iiwan. Malalagpasan natin lahat nang 'to nang magkasama," he said with a hint of a promise.

I sniffed and looked at him in the eyes. "Hindi ka ba mapapagod sa akin? Hindi mo ba ako susukuan kahit na . . . ang laki ng problema ko ngayon?"

He cupped my cheek and gently wiped my tears with his thumb. "Masyado kitang mahal para iwanan at sukuan kita. Hindi man kita lubusang matutulungan sa pinansyal pero hinding-hindi ko hahayaang mag-isa mong harapin lahat. Kung kailangang araw-araw akong mangarera, gagawin ko mabawasan lang ang iniisip mo. Palagi mo akong masasandalan, Treese kaya huwag na huwag ka sanang susuko."

I flashed a broken smile. "Kahit . . . kahit sobrang bigat na ng lahat, hindi mo ako iiwan? Pangako?"

He smiled and then pecked a gentle kiss on my forehead. "Kahit ipagtulakan mo ko, hindi ako mawawala sa tabi mo. Palagi kitang pipiliin ano man ang ilatag sa harap ko."

I hugged him and let myself feel the warmth our love can give. Niyakap naman niya ako pabalik saka niya ipinaalala sa akin na kahit pagsakluban man ako ng langit at lupa nang paulit-ulit, hinding-hindi niya ako ipagpapalit. Na palagi niya akong pipiliin ano man ang mangyari.

If only I knew it would be me who wouldn't choose him someday, sana ngayon pa lang ay ipinagtabuyan ko na siya nang hindi na siya labis na masaktan pa . . .

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon