Kabanata 4

256 3 0
                                    

Kabanata 4

Treese

I'd lie if I'd say he didn't get me through his pick up lines ang chivalrous gestures. Namalayan ko na lamang na madalas ko nang kausap si Sovereign. We spent the rest of our school break getting to know each other while learning how to drive, and on the last day before the school starts, we became official.

Sabi ni Sienna ay masyado raw iyong mabilis dahil higit dalawang linggo lamang siyang nanligaw sa akin. Depensa ko ay sa New York, wala ngang ligaw-ligaw. Dates are somewhat considered you're already together. Some even kiss on the first date but a lot of relationships I witnessed lasted despite not going through a long process of courtship. 

"Good morning po, Sir." Ngumiti ang naka-uniform na si Sovereign kay Daddy. Ang isang strap ng backpack niya ay nakasabit sa kaliwang balikat. "Sunduin ko po si Treese."

Daddy gave us a questioning look. Hindi naman galit. Tila gusto lang malaman kung bakit ako susunduin ni Sovereign. 

I cleared my throat and smiled at him. "Uhm, we're . . . dating, Daddy."

His brows raised. "Dating, huh?" He looked at Sovereign. "Did you kiss my daughter already?"

Mabilis na umiling si Sovereign. Medyo namutla pa, at kung hindi siguro naka-aircon ang buong bahay namin ay namuo na ang butil-butil na pawis sa kanyang noo dala ng kaba. "Hindi po."

"Hug?"

He shook his head again.

"Had sex with?" my Dad asked that burned our cheeks.

"Daddy!" angil ko.

Nahihiyang tumikhim si Sovereign. "M-Mawalang-galang na ho, Sir pero hindi ko naman ho niligawan ang anak ninyo dahil lang sa gusto ko hong tikman. Hindi ho ako gano'n pinalaki ng Mama at Papa ko."

Daddy's face lightened up. Maya-maya ay humugot siya ng malalim na hininga't nilapitan si Sovereign. "Ipagkakatiwala ko sa'yo, pero oras na saktan mo, alam mo naman na mabait ako pero matindi rin akong magalit."

I saw how Sovereign slightly groaned when Daddy squeezed his shoulder a little tighter. Ngunit kahit na nasasaaktan sa higpit ng pagpiga ni Daddy sa kanyang balikat ay pilit pa rin siyang ngumiti. 

"Iingatan ko, Sir," he assured my Dad. 

My dad heaved a sigh. "Hindi ka pa pwedeng magmaneho kaya hindi ko pwedeng hayaang ikaw ang mag-drive papunta ng eskwelahan, Sovereign. Get your license first and then I'll let you take my daughter to school." Bumaling si daddy kay Yaya Enid. "Ya, pakisabi mo nga kay Fidel siya na ang maghatid sa mga bata."

"Sige po, Sir,"" sagot ni Yaya Enid.

Daddy turned to me. "Hindi kita paghihigpitan, but I expect you to know your limits."

I smiled. "I do, Daddy."

"I have a meeting in thirty minutes. I need to go." He pecked a gentle kiss on my forehead. "Enjoy school, baby."

Sovereign went towards me when Daddy finally left. Pumarada sa harap ng bahay ang family car namin. Nang tawagin kami ni Mang Fidel ay kinuha ni Sovereign ang bag ko. "Tara?"

I jerked my head and went out with him. Pinauna niya akong pumasok sa loob saka siya sumakay, ngunit kahit nasa sasakyan na ay kalong pa rin niya ang shoulder bag ko.

We talked about the replays of F1 races he watched last night on YouTube. Halatang mahilig talaga siya sa pangangarera kaya palagi kong sinasabing baka isang araw ay isa na siya sa mga mahuhusay na racer sa bansa kaya lang ay tinatawanan lamang ako at sinasabing kailangan muna niyang maging mayaman dahil lahat daw ng idolo niyang racer ay galing sa may kayang pamilya.

Mang Fidel dropped us at school. Nang makapasok kami ng gate ay sinubukan kong agawin ang bag ko mula kay Sovereign ngunit talagang hindi niya ibinigay. He even wore it on his other shoulder. Nakakahiya tuloy!

"Kaya ko namang buhatin, love."

He shook his head. "Medyo mabigat." He pinched the tip of my nose. "Ako na lang palaging bubuhat. Tara na."

Hindi na lamang ako nakipagtalo pa. Nang makarating sa classroom ay naabutan namin si Allison sa labas kasama ng mga kaibigan niya. 

I suddenly felt conscious when I noticed that Allison's friends scanned me from head to toe before they gave me a side eye. Napansin ko naman ang pagpakla ng ekspresyon ni Allison habang nakatitig sa bag kong nakasabit sa balikat ni Sovereign.

"Good morning, Reign! Did you see the cat photo I sent you last night?" Allison asked while smiling in a flirty way. Napataas ako ng kilay. Hindi ba niya napapansing buhat ni Reign ang bag ko? Doesn't it hit her yet?

Tumikhim si Sovereign. "Hindi pa." He turned to me when one of the teachers called for him in the faculty. "Puntahan ko lang sandali. Baka tungkol sa scholarship," aniya matapos ibigay sa akin ang bag.

I nodded and smiled at him. Nang makaalis si Sovereign ay tumikhim si Allison. "Kayo na?"

I smirked. "Yeah. Why?"

Her jaw clenched as she raised a brow at me. "Sandali ka pa lang sa Pilipinas boyfriend mo na kaagad si Sovereign?" She scoffed as she scanned me from head to foot. "Ba't mo naman dinala 'yang ugaling ipinangangalandakan lang dapat sa US?"

Naningkit ang mga mata ko. "What did you just say?"

"Oh." She giggled. "Sorry, what I mean is . . . bakit ang bilis naman yatang naging kayo? I mean, kami ni Reign, matagal na kaming magkakilala. We're really close pero hindi kami basta-bastang umabot sa ganyan and I appreciate him for that."

I raised a brow. "Close lang, pero hindi naman siguro nanligaw? Magkaiba ang niligawan sa gusto lang maging ka-close . . . 'di ba?"

Napawi ang kurba sa kanyang mga labi. Maya-maya ay humugot siya ng matalim na hininga habang ang mga kamao ay kumuyom. "Break up with him. I know your type. You came from New York. Sanay ka sa mga gago. Sooner or later, you'll end up breaking his heart just because he's too good for you, Treese. Please lang, huwag mo nang paabutin sa gano'n dahil pati ako magagalit sa'yo."

Eh, 'di magalit ka. Pake ko? Sino ka ba?

I composed myself and smiled instead of telling her those words. "Don't worry, Allison. I won't wait for that to happen."

Umaliwalas ang kanyang mukha. "Thanks, Treese--"

"Kasi confident naman ako na we'll work things out, because for the record, I never liked men who are up to no good. My boyfriend is . . . exactly whom I'm looking for so there's no break up happening soon." I smirked. "Sigurado namang kahit makipaghiwalay ako, hindi kaagad ako pakakawalan. Niligawan ako kaagad, eh. Ibig sabihin gano'n ako kagusto kaya hindi na binigyan ng pagkakataon ang iba na makaporma. Anyway, nice chat."

Dama ko ang gigil niya nang lampasan ko. Nang akmang papasok na ako sa classroom ay muli siyang nagsalita.

"Hindi kayo bagay. Sooner or later, maghihiwalay rin kayo, at kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong mari-realize niyang hindi ka karapat-dapat para sa kanya."

I rolled my eyes and just ignored her without knowing that her simple threat will someday caused me the kind of heartache that would nearly kill me . . . and the man I love.

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon