Kabanata 2

345 5 0
                                    

Kabanata 2

Treese

I don't know why I feel jittery about my driving lesson with Sovereign. Halos tatlong oras akong nagsusukat ng damit na pwede kong isuot. I tried my Chanels ans other branded clothes only to end up wearing a simple high-waisted denim jeans and razor-back tops with floral prints.

Para bang masyado akong conscious kahit na alam kong hindi ko naman siya dapat i-impress. I mean, it's not a date anyway so I don't know what's happening to me.

Do I like him? Ewan. It's too early to tell.

Nakarinig ako ng katok sa pinto na sinundan ng boses ni Manang Enid. "Ma'am Treese! Nandito na ho si Sovereign. May lakad daw ho kayo?"

My heart pounced. Hindi ko maipaliwanag ang excitement at kaba na naghalo sa dibdib ko kaya halos kinurot ko ang sarili nang hindi mahalata.

I fixed my hair before I opened the door. Nang ngitian ko si Manang Enid ay nagsalubong ang mga kilay niya.

"Ayos ka lang ba, Ma'am?"

Napatikhim ako. "O-Of course. B-Bakit po?"

Umiling siya nang mabagal habang nawiwirduhang nakatingin sa akin. "Wala naman. Parang . . . may kakaiba lang sa'yo ngayon."

"Oh, it's probably just my makeup." I faked a giggle. "Pakisabi na lang kay Mommy kapag dumating, Manang uuwi rin ako before dinner."

"Sige ho."

Sinabayan niya akong bumaba, ngunit nang nasa may hagdan na ay halos tumalon ang aking puso palabas ng dibdib nang makita kong nakatutok ang mga mata ni Sovereign sa akin. He was watching my every move as if I have the whole world in my palms, his lips curved like I have put him under my spell.

Uminit ang aking pisngi sa nakitang reaksyon niya kaya ako na ang umiwas ng tingin. Nang makarating sa ibaba ay lumapit naman siya at ibinigay ang Sunflower.

"Para sa'yo," he said, still staring at me like he was bewitched.

Lalong nagwala ang aking dibdib. Nagbiro naman si Manang Enid kaya halos mamulang parang kamatis ang aking magkabilang pisngi.

"Driving lesson ba talaga 'yang lakad ninyo o date?"

"Manang talaga!" asik kong nakapagpatawa sa kanya bago kami iniwan sa sala. Bumuntonghininga naman ako saka nahihiyang sinalubong ang titig ni Sovereign. "Pagpasensyahan mo na. She loves teasing me."

Sovereign smiled. Iyong ngiting nakakalambot ng mga tuhod. Iyong ngiti na mapapasabi ka na lang bigla ng 'ang gwapo ng lintik na 'to'.

"Ayos lang." His adam's apple bobbed up and down. "'Yong bouquet sana bibilihin ko kaso . . ." Nahihiya siyang ngumisi. "Mahal pala. Malilimas baon kong pera. Hindi na kita malilibre sa McDo."

My heart pounced. What did he say? Plano niya akong bilihan ng bouquet at ilibre ng food?

"Bakit mo ko binilihan ng bulaklak? Gano'n ba kapag magtuturo mag-drive?"

His cheeks stained red. "Uh, oo. Ano, pampalakas ng loob. Tama." He forced a smile. "Mag-iipon ako para kapag marunong ka nang magmaneho, bibigyan na kita no'ng bouquet."

I sighed. "You can save your money, Reign. You're gonna teach me how to drive. Ako ang may kailangan sa'yo kaya ako ang manlilibre."

"Kailangan na rin naman kita," tila wala sa sarili niyang sabi habang nakatitig sa akin.

I blinked. "Huh?"

As if he realized what he just said, Sovereign inhaled a sharp breath then cleared his throat. "Ano, kailangan na rin naman kitang ilibre dahil ako naman ang lalake. Ako dapat ang magbayad ng pagkain kaya huwag kang maglabas ng pera mamaya."

Hindi ako nakakibo. My heart felt the butterflies dance inside my belly because of what he said. Sabi ko noon ayaw ko sa mga lalakeng New Yorker kahit gaano kayayaman at kagugwapo dahil kulang sa pagiging maginoo. Ngayon, wala pa akong isang linggo sa Pilipinas, parang . . . binagsakan kaagad ako ng langit ng klase ng lalakeng mukhang pagpupuyatan ko.

Nakakainis naman!

"May . . . pilikmata kang natanggal," aniya na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Hmm?" I touched my face. "Saan?"

"A-Ako na magtatanggal."

He lifted his hand to take the lash off my face. Mariin ko namang nailapat ang mga labi ko sa isa't isa nang madama ko ang tila nanginginig niyang mga daliri sa aking pisngi. His fingertips gently stroked my skin, making my heart beat louder and oh, boy I hope he doesn't heart how much I'm screaming internally right now.

"O-Okay na?" I tried to ask. Umasang hindi niya nahalata ang kaba ko.

Sovereign pursed his lips for a moment then showed the lash to me. "Oo, ayos na." He then tucked my loose hair behind my ear, and when our eyes met while his fingers are still behind my ear, my heart nearly broke my ribs after I saw how his lips formed the sweetest smile I had ever seen. "Ang ganda-ganda mo, Treese. Parang . . . nakakahiyang sumabay ng lakad sa'yo mamaya."

Namula nang husto ang aking pisngi dala ng kilig. Pati tuloy ako ay napangiti habang umiiwas ng tingin.

"T-Thank you." I cleared my throat. "H'wag kang mahiya. C-Cute ka nga, eh baka . . . ako ang mas mahiyang tumabi sa'yo."

He moistened his lower lip then grinned as if what I said made him really happy. "Grabe naman sa cute, mas bagay sa'yo 'yon. Para pa naman 'yon sa mga baby."

"I'm not an infant—" My lips slightly parted when I realized what he said. "Reign kamo!"

He laughed softly and tried to stop my hand when I hit him lightly on his chest. Hindi niya kaagad binitiwan ang kamay ko kaya nang bumaba roon ang aking tingin ay humugot siya ng malalim na hininga.

"Huwag kang mamalo. Baka masira ang kuko mo. Ang ganda pa naman," he said.

Peke akong umirap. "Ikaw kasi kung makabanat ka." I faked a glare. "Saka ka bumanat kapag nanliligaw ka na. I hate mixed signals."

He smirked. "Pwede pala? Kaso hindi pa ko mayaman."

I swallowed. "B-Bakit? Required ba na mayaman?"

Lumawak ang kurba sa kanyang mga labi. "Tara na pala. Baka mapasagot kita kaagad, lagot ako sa tatay mo."

"Kapal!" Umirap ako kahit sa loob-loob ay kinikilig. "Let's just go. Saan tayo magda-driving lesson?"

Pinagsalikop niya ang kanyang mga palad. "Magugustuhan mo kung saan."

I lifted a brow. "Where?"

He smiled confidently.

"Sa arcade . . ."

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon