Kabanata 5

276 6 0
                                    

Kabanata 5

Treese

My first month in the new school was close to hellish. Allison made up stories about me sleeping with several guys when I was in New York. Gigil na gigil na ako sa babaeng 'yon lalo na at ilang beses nang muntik mapaaway si Reign dahil sa hindi magagandang biro ng ilang kalalakihan sa school, kaya lang ay iniisip ko pa rin ang relasyon ng tatay naming dalawa.

I don't want Dad to have more stuff on his plate. Ilang araw ko nang napapansing stressed siya. Sila ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit ngunit malakas ang kutob kong dahil sa negosyo.

"Dad?" I called when I went inside his study room. May bote ng whiskey sa kanyang mesa at may kakarampot na laman ang kanyang baso na hindi na niya naitago.

"Yes, sweetheart?" may lambing niyang tawag.

"Uhm, can you help me with my homework? It's about rocks and I know you're kind of an expert about stuff like that." I looked at his table. "But if you're busy, it's fine. I'll just research more about the topic."

Ngumiti si Daddy saka itinabi kaagad ang laptop niya pati ang ilang papeles sa mesa. "Come here, Treese. You know Daddy will always make time for you."

My heart warmed. Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang homework ko. Nang mabasa niya ang topic ay kaagad na ipinaliwanag sa akin iyon. It was easy to understand because Dad explained it really well.

Hindi na ako nagulat. He's very passionate about what they do in their business. Mas hands on siya kaysa sa tatay ni Allison. He's pretty much the backbone of the company anyway that's why I don't understand why they share the profit equally considering how harder my Dad works to make the company grow.

"Got it?" he asked.

"Crystal clear. Thanks, Daddy."

Ngumiti siya at kinabig ako upang patakan ng halik sa tuktok ng aking ulo. "So tell me about school. Are you getting along with your schoolmates or you're spending most of your time with Sovereign?"

I groaned. "Daddy . . ."

"Treese, papunta ka pa lang, pabalik na ako. Kami ng mommy mo noon, halos hindi kami napaghihiwalay noong kolehiyo. I was a scholar in the university. I go to school with my bicycle while your mom gets picked up by a luxury car. Ilang beses na-bully ng may kayang estudyante ang mommy mo noong nalamang ako ang boyfriend niya. Ganoon ka rin ba, anak?" may pag-aalala niyang tanong.

I sighed. "Sometimes I feel bad because they always tease Reign, Daddy. Parang nahihiya siya kapag hindi niya ako mailibre palagi ng lunch sa school. Ilang beses ko nang sinabing hindi niya naman kailangang gawin 'yon pero palagi niya na lang sinasabi na reaponsibilidad niya iyon dahil boyfriend ko siya." I pouted as my chest felt heavy. "He took another side hustle to earn extra just so he can treat me lunch every day."

Daddy's smile widened. "Ibang klaseng bata talaga. I really like him. Huwag ka lang aanakan kaagad dahil doon sasama ang loob ko sa kanya."

Namula ako. "Daddy!"

He laughed softly. "You're blushing. That's good. Be shy. Huwag munang papasukin ang mga bagay na ganoon. Mga bata pa kayo. You should enjoy your youth. Hindi naman porke't pinagkakatiwalaan ko kayo ay pumapayag na akong gawin ninyo ang mga bagay na hindi pa pwede sa inyo."

"We know, Dad. You have nothing to worry about."

Nakarinig kami ng katok sa pinto. Maya-maya ay sumilip ang isa sa mga katulong. "Ma'am Treese, nandito ho si Sovereign."

Daddy stood up and accompanied me to the living room. Naabutan namin doon si Sovereign na nagpupunas ng pawis gamit ang bimpo niya. Halatang pagod na pagod.

"Oh, Reign. Alas syete na. Bakit napadaan ka?" tanong ni Daddy.

Tumayo si Reign at nagmano kay Daddy. "Good evening po. May nagpa-carwash ho kasi malapit lang dito. Doseng kotse kaya ginabi na ho ako kaso nangako ho ako kay Treese na tutulungan ko siya sa assignments namin."

Tumingin sa akin si Daddy. "Do you have other homeworks?"

Tumango ako. "Yes, Dad. Can he stay a bit? We'll work on our assignments here."

Tumango si Daddy. "Alright." Bumaling siya kay Sovereign. "You stay for dinner. It's about to be served."

"Huwag na ho. Kakain na lang ho ako sa bahay—"

"I insist. Ipapahatid na kita mamaya. Sige na, gawin na ninyo ang homeworks ninyo." Daddy looked at me. "Dito lang sa sala, Treese. Walang aakyat sa kwarto."

"Yes, Dad."

Bumaling ako kay Reign nang umalis si Daddy para bumalik sa study room.

"Kunin ko lang gamit ko, ah?"

He smiled. Maya-maya ay may inilabas na kahon ng tsokolate. "Nabili ko kanina. Sorry, 'yan pa lang. Kapag yumaman ako, bibilihin ko lagi 'yong pinakamahal."

Hindi ko napigilan ang mapangiti. "Hindi naman ako nanghihingi ng kahit anong mamahalin."

"Gusto ko pa rin. Sabi ng Daddy mo, mas naging pursigido siyang umangat sa buhay noong nakilala niya ang mommy mo. Gano'n din ako. Kung dati sina Papa lang ang motivation ko, ngayon, kasama ka na kaya mas sisipagan ko pa." He grinned. "Sa Sabado, tuturuan ako ni Raven kung paano mag-drifting. Sabi niya kapag natuto ako at nasa tamang edad na, pwede niya akong tulungang makasali sa mga karera. Malaki raw ang kitaan doon. Makakaipon ako kaagad."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba delikado 'yon, love?"

"Hindi naman. Magaling naman na akong magmaneho ngayon. Syempre hindi ako pwedeng mamatay. Paano ka na lang? Wala ka nang poging boyfriend kung sakali."

I jokingly rolled my eyes. "Pasalamat ka mahal kita."

His eyes flickered with joy. "Ano ulit? Hindi ko narinig?" tanong niya nang may munting kurba sa mga labi.

I pursed my lips to suppress my smile. Namumula na ang pisngi dala ng kilig.

"Wala. Sabi ko pasalamat ka pogi ka."

He laughed a bit. "Hindi 'yon ang narinig ko. Sige na, ano ulit?"

I faked a sigh. "Love you."

He grinned. "Love you, too—"

"Oy, oy! Sabi gagawa ng assignment! Kurutin ko kayo sa mga singit diyan!" sita kunwari ni Yaya sa amin.

Natawa nang mahina si Reign. Inirapan ko naman kunwari saka sana ako aakyat na sa itaas para kunin ang gamit ko nang pumasok ng bahay si Allison kasama ang Daddy niya.

Allison immediately went next to Sovereign as if she doesn't give a damn if I was literally in front of them. Malaki pa ang ngisi nang hinawakan ang boyfriend ko sa braso.

"Reign, thank you talaga, ha? You're a life-saver!" Allison exclaimed.

Tumaas ang kilay ko. "Why? What did he do for you?"

Allison gave me a meaningful smirk. "He helped me with my homework. Why?"

Naningkit ang mga mata ko sa namutlang si Sovereign. Maya-maya ay inirapan ko. "Nagbago na ang isip ko. Umuwi ka na, gabi na. Kaya ko nang gawin mag-isa ang ibang homework ko."

Napalunok siya. "Love, mali ka ng—"

"Heh!" I glared at the both of them before I marched upstairs.

Magsama sila. Isama pa nila si Phytagoras!

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon