Kabanata 9

290 6 0
                                    

Kabanata 9

Treese

Walang patid ang pagbuhos ng ulan sa araw ng libing ni Mommy. Para bang iyon ang paraan ng langit upang iparamdam na nakisisimpatya sa aking nagluluksang puso ang Diyos. 

Sovereign locked me in his arms while I cried my heart out. I couldn't believe that I'd see my mom getting lowered in the ground at a young age. Yes, hindi na ako musmos at may isip na pero pakiramdam ko ay masyado pang maaga para mawala ang mommy ko.

I still want to show her the woman I can become. The daughter she deserves to clap for one day. Iyong anak na magpapatunay na sa tamang tao niya piniling magkaroon ng pamilya. 

I am a product of an unconditional love. A love that goes beyond the physical. Something money could never break. I am a reminder of how my parents chose each other over and over again. Pero ang sakit-sakit pala na kapag ikaw na ang kailangan ng mga taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka, ikaw naman itong walang maiambag.

"Mommy ko . . ." I cried. Halos manlambot ang aking mga tuhod nang makita kong tinatapunan na ng mga dumalo ng puting rosas ang kabaong ni mommy. 

The staff of the funeral home that arranged mommy's burial started covering her casket with soil. Doon na ako lalong nanlambot. Pakiramdam ko ay bibigay na ang dibdib ko dahil iyon na ang senyales na totoong wala na talaga ang mommy ko.

I don't know how I'd live without her. Ni hindi pa nagigising ang daddy ko kaya wala pang ideya na wala na ang babaeng mahal na mahal niya. 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung mas magandang hindi pa siya gising dahil sigurado akong una niyang hahanapin si mommy. Baka hindi niya kayanin oras na malaman niyang hindi na namin makakasama pa ang babaeng paulit-ulit niyang ipinaglaban.

"Condolence, Treese. Kaya mo 'yan," malungkot na sabi ng ilang kaibigan namin ni Sovereign nang tuluyan nang natabunan ang kabaong. The staff are now putting mommy's granite tombstone, and as I read mommy's name engraved on it with gold lining, I lost it.

Bumitiw ako sa pagkakayakap ni Sovereign at hindi na nagawa pang kibuin ang mga nagpapaabot ng pakikiramay. Napaluhod ako sa lupa habang pumapatak ang ulan, ang aking palahaw ay sumabay sa kulog at kidlat na gumuguhit sa malungkot na kalangitan.

I thought the pain would subside after a month or two. My dad is still in coma so I often stay at the hospital to look after him. Dahil kinuha na ng bangko ang bahay at ilan naming mga ari-arian, wala akong choice kun'di ang makitira muna kina Sovereign.

Nahihiya pa rin ako sa nanay niya kahit mabait naman si tita sa akin. Kaya tuwing umaga ay nagpapaalam ako na roon muna sa ospital mamamalagi. Kapag walang trabaho si Sovereign ay sinasamahan niya ako. Minsan kung masyado nang malungkot ang hospital room, nagpupunta kami sa puntod ni Mommy para roon ko mailabas ang lahat ng sama ng loob ko.

"Mommy!" I cried. 

Halos halikan ko ang lapida. Higit dalawang buwan na pero parang hindi ko pa rin matanggap. It's like everything was just perfect yesterday and then I woke up and see my life turned upside down all of a sudden. 

Nanginig ang ibaba kong labi. My chest feels so heavy that I feel like it's going to explode any moment now. Lumuhod sa tabi ko si Sovereign para yakapin ako, ngunit nang masyado nang tumindi ang sakit na lumulukob sa aking dibdib, pakiramdam ko ay umikot ang aking paningin.

My body felt numb as my head started spinning. Nanghina ako nang husto kasabay ng pagdilim ng aking paningin. All I heard was Sovereign's voice calling for help as he lifted me in a bridal way. Nang magising ako ay nasa ospital na.

"Miss Loreno, can you hear me?" tanong ng doktor sa akin nang makitang ikinukurap ko ang mga mata ko.

I groaned as I tried to lift myself up. "Si Sovereign po?" una kong hanap. Pakiramdam ko kay Sovereign na lamang ako kukuha ng lakas sa mga panahong ito kaya kapag wala siya sa tabi ko ay takot na takot ako.

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon