Kabanata 7

235 3 0
                                    

Kabanata 7

Treese

Nagmamadali kaming tumakbo ni Sovereign patungo sa ospital kung saan isinugod sina Daddy kasama ang ilang tauhang naiwan sa loob ng minahan. The rescue operation lasted for about four hours. They nearly ran out of oxygen. Luckily, the rescuers managed to remove the large debris just in time.

Kasama sa mga nakulong sa loob ng minahan ang ama ni Sovereign kaya nang makapasok sa emergency room ay naghiwalay kaming dalawa. 

"Daddy!" I called while my mom was crying on his side. Hawak ni Mommy ang kamay ni Daddy habang panay ang paghikbi.

"Anak," tawag ni Mommy sa akin. 

Pinilit kong pigilan ang pagpatak ng namuo kong mga luha. No, I cannot be a cry-baby right now. Kailangan ako nina Mommy at Daddy kaya hindi ako pwedeng manghina. 

"Mommy, ano ang sabi sa report?" I tried to ask without my voice breaking.

Suminghot si Mommy. "Pinilit daw pumasok ng Daddy mo sa loob ng minahan noong narinig niya ang pagsabog. He was so worried about the workers, kaya kahit ang daming pumigil sa kanya ay tumakbo pa rin siya papasok ng minahan."

Sovereign walked towards us. Ang mga mata niya ay namumula na rin dala ng pagiging emosyonal. "Treese, sabi ni Papa iyong mga nakulong sa loob ng minahan, puro mga tagasuporta nina Sir." 

 My fists clenched. "Kung sino mang may pakana ng pagsabog, siguradong may galit kay Daddy at gusto talaga silang pabagsakin."

I could only think of one person. Ang business partner mismo ni Daddy. I heard my Dad was against something Allison's Dad wanted to do with the business. Malakas ang kutob kong kaya nangyari ito ay dahil hindi niya mapasunod ang daddy ko. 

Sovereign gestured his hand as if he wanted me to follow him. Nagpaalam naman ako kina Mommy na lalabas muna sandali para kausapin si Reign. Nang makarating kami sa parking lot ay kinabig niya ako. It was as if he knew I badly wanted to cry so he let me pour my tears while he's holding me close.

"Kaya natin 'to, Treese," he reminded. 

I sniffed. "Natatakot ako. Si Daddy ang malalagot sa nangyari. Baka mamaya ay siya ang arestuhin kahit na hindi naman niya ginusto ang nangyari sa minahan."

"Maniwala tayong lalabas ang katotohanan. May mga pwedeng tumestigo. 'Yong mga kasama nina Papa at Sir na na-trap sa loob. Kakampi natin sila, Treese." 

I sobbed. Sana nga kakampi pa rin namin sila ngayong nalagay ang mga buhay nila sa bingit ng kamatayan. Hindi ko kakayanin oras na makulong ang Daddy ko dahil sa isang bagay na alam kong kahit kailan ay hinding-hindi niya nanaising mangyari.

He loves his employees so much. Alam kong kung may pagpipilian siya, mas gugustuhin niyang mag-isang ma-trap sa loob kaysa madamay ang mga tauhan niya.

Sovereign rubbed my back and kept reminding me that we will get through everything together. Kahit papaano ay kumalma ako dahil sa assurance na ibinigay niya. I have a feeling that this is just the beginning of our bigger problems, pero hindi ko inakalang "ganoon" kalaki ang dagok na darating sa aming mga buhay.

Gaya ng inaasahan, kay Daddy nga napunta ang sisi. He was put in a hospital arrest, causing my mother's health to be in so much risk. Ilang beses ko nang sinabihan si Mommy na kumalma lang pero hindi ko rin naman siya masisisi kung labis ang pag-aalala niya kay Daddy. They love each other so much, and now that we cannot be with Daddy all the time, my Mom feels like a part of her was taken away from her. 

"Ma, huwag na kasi tayong humingi ng tulong sa kanila. Alam mo naman kung papaano nila matahin si Daddy, 'di ba?" paalala ko kay Mommy habang sakay kami ng kotse. Si Sovereign ang nagmamaneho dahil nais kaming samahan sa pagpunta sa mga kamag-anak ni Mommy.

My mother sniffed. "Mas mabuti nang lunukin ko ang pride ko, Treese kaysa hayaan ko ang Daddy mong magdusa. I cannot lose your father. At least not this way."

Nangilid na rin nang tuluyan ang aking mga luha. Nasasaktan din naman ako at hangga't kaya ko ay humahanap din ako ng paraan. I even swallowed my own pride and tried to reach out to Allison but she didn't respond to my chats yet. Umaasa akong kahit paano ay may natitira pa namang awa sa Daddy niya. Maybe if I could talk to them, tulungan din nila ang Daddy ko dahil kahit paano naman ay naging mabuting kaibigan si Daddy sa kanila. 

The car took a halt in front of mommy's family house. Inalalayan namin siya ni Sovereign na makababa. The maids welcomed us and accompanied us towards the living area where mommy's family were waiting. 

Hindi ko gusto kung papaano nilang pinasadahan ng tingin si Sovereign. Tila ba sa mga mata nila ay minamaliit nila ang boyfriend ko.

"Ito ba iyong napababalitang nobyo ng anak mo?" tanong ng tiyahin ko kay Mommy. 

My mom sniffed. "This is Sovereign. Mabait na bata. Masipag--"

"At magaling ding mang-uto gaya ng lalakeng pinili mo, hmm?" Umismid ang tiyahin ko saka inirapan si Mommy. "Tapos ngayong sakit ng ulo ang ibinigay sa iyo niyang pinakasalan mo, lalapit ka sa amin na parang hindi mo kami tinalikuran noong pinili mo 'yang lintik mong asawa?"

Humugot ng malalim na hininga si Mommy. "Hindi ako nagpunta rito para makipagtaasan ng pride. My husband needs help at lumalapit ako sa inyo ngayon bilang kadugo--"

"Kadugo?" Tumawa si Tita. Tila nang-iinsulto. "Kadugo mo kami ngayong may problema kayo?"

Kumuyom na nang tuluyan ang mga kamao ko nang umpisahan na naman nilang ikumpara si Daddy doon sa lalakeng gusto sana nilang ipakasal noon kay Mommy. Yes, that man is way more wealthy but I will never trade my Dad for a man who cannot stay faithful to his wife. Hindi ba nila nababalitaan ang kaliwa't kanang eskandalong kinasasangkutan ng lalakeng ikinukumpara nila sa Daddy ko? Yes, my Dad came from a humble beginning but he's faithful and he did everything to prove that he deserved my mother! Why can't they appreciate him for that?!

Pagalit kong pinunasan ang aking mga luha. "Mommy, let's go. We'll find another way--"

"No, Treese let mommy handle this--"

"Tama 'yang mahadera mong anak na manang-mana sa iyo. Umalis na kayo dahil wala kang mapapala rito. Ke sehodang magkuskos kayo ng inidorong mag-ina. Ginusto ninyo iyan dahil parehong matigas ang mga ulo ninyo!"

My mom finally lost her cool. "Huwag mong mamaliitin ang anak ko, ate. Pinalaki namin nang maayos si Treese at binusog sa pagmamahal kaya wala kang karapatang pagsalitaan ang anak ko ng ganyan porke't hindi ka masaya sa buhay mo--"

"M-Mommy?" 

Gumuhit ang takot sa aking mukha nang mapahawak ang mommy ko sa dibdib niya. Her eyes widened as she clutched the cloth on her chest as if she couldn't breathe. 

"Mommy!" I screamed when my mom almost fell on the floor. 

Doon pa lamang kami tinulungan ng mga tauhan at ng mga kaanak ni mommy, ngunit nang akmang isasakay na nila ang mommy ko sa kotse, halos manlumo si Sovereign matapos mahawakan ang palapulsuhan ni Mommy.

"T-Treese . . ." His eyes went bloodshot as he shook his head.

Para akong nanghina. Napasalampak ako sa sahig at ang mga luha ay unti-unting pumatak. Next thing I knew, my chest was already getting tighter and tighter as the truth slowly begins to sink into me. 

Wala na ang mommy ko. Kritikal ang daddy ko. We're about to lose everything . . .

I cried. Diyos ko, anong kamalasan ba itong dumapo sa pamilya ko?

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon