Kabanata 10

794 9 0
                                    

Kabanata 10

"Sabi ng doktor, mahal kailangan mong kumain ng masusustansya dahil inaagawan ka na ng mga bata ng lakas." Sovereign wiped his hands and placed the food on the table before he sat next to me. Nang makaupo ay hinaplos kaagad niya ang tiyan ko habang may ngiti sa mga labi. "Kaya ubusin mo 'tong niluto ko, ha? Para sa inyo 'yan."

Humugot ako ng malalim na hininga. We're back in their small home. His mom already left to probably sell in the wet market kaya kami na lang dalawa ang naiwan. 

Malamlam ang mga mata kong tiningnan ang isang platong pancit na maraming sahog na gulay at hinimay na karne ng manok. "Bakit . . . iisang plato lang? Hindi mo ba ako sasabayan?"

Sovereign lifted his cup of coffee along with a couple of bread. "Okay na ko rito. Ang mahalaga mabusog kayo ng mga bata. Dalawa 'yan kaya sigurado akong mabilis ka lang magugutom kung aagawan pa kita." He tucked my hair behind my ear. "Nagtabi pala ako ng para sa pagbisita natin sa therapist sa Sabado."

Lalong gumuhit ang lungkot sa mga mata ko. Sovereign seems excited about our babies so he looked for more jobs so he can help with daddy's medical needs, our daily expenses, and to save up for our kids. 

Anong oras na siya umuwi kagabi galing sa pangangarera kaya lang small time race lang naman iyon kaya magkano lang ang naiuwi niya. Sa gamot pa lang ni daddy ay kulang na. Idagdag pang bayaran na rin ng utility bills.

He has so much on his plate already. Why did I still add up to his tons of responsibilities?

Naiiyak na naman ako. Does love really have to be this way? Kapag gabi ay ramdam ko ang pagod niya dahil sa lalim ng kanyang tulog. He could've just used the money he saved for my therapy sessions to buy himself a nice meal. Pero hindi. Inuuna niya ang mga bagay na makatutulong para maka-recover ako kaagad sa pagkawala ni mommy. 

"Anong problema, mahal?" he asked when my tears started to stream down my face.

Kaagad akong nagpunas ng luha saka ako basag na ngumiti. "Wala, mahal. Naiiyak lang ako sa awa sa'yo kasi . . . kasi parang wala ka nang pahinga." I sobbed. "Pagkagaling mo ng university, nagtatrabaho ka kaagad. Ang dami mong raket. Nagka-carwash ka, kumakarera, nagbebenta sa night market, nagkakargador, tapos pag-uwi mo, ako pa rin ang aasikasuhin mo at sasamahan na bantayan si Daddy. Pakiramdam ko nagiging pabigat lang ako sa'yo."

He pulled me for a hug and kissed me on my forehead. "Huwag mong sabihin 'yan." He cupped my face and wiped the stain of tears on my cheeks. "Mahal kita, Treese. Nangako ako sa daddy mo noon na gagawin ko lahat para sa'yo. Na gaya niya, papatunayan ko ring karapat-dapat ako sa'yo kahit na hindi ako galing sa mayamang angkan."

My lower lip trembled. "But your life became harder because of me."

Sovereign smiled before he kissed my forehead. "Kaya ko 'to, Treese. Basta para sa'yo at sa mga bata, lahat kaya ko kaya huwag ka nang mag-alala sa'kin."

Ikinulong niya ako sa yakap at paulit-ulit na sinabihang mahal na mahal niya kami ng mga bata. I could feel that and I don't question his love for me because I could see it through his efforts. Pero nasasaktan pa rin ako. The grief I have because of mom's passing, the fear of losing my father, too, and the crisis I am going through as my life drastically shifted over the months, it's all breaking my soul so it becomes harder for me to keep a healthy state of mind.

Ayaw kong tanggapin ang alok ni Allison dahil ibig sabihin no'n ay babasagin ko ang pusong walang ibang ginawa kun'di ang tumibok para sa akin. I don't want to betray Sovereign, too, but Allison is making things worse so I wouldn't have any choice but to give her what she wanted.

I know Sovereign had to work double because Allison got him fired on his decent jobs. Nalaman ko iyon sa ina ni Sovereign kagabi nang anong oras na ay hindi pa rin nakakauwi si Reign, ngunit nang kinumusta ko si Sovereign, hindi niya ipinagtapat sa akin ang totoo. It was like he's terrified to let me know how much he's really struggling. Siguro ay ayaw na mag-alala akong hindi sasapat ang mga kinikita niya para makaraos kami.

Niyakap ko nang mahigpit si Sovereign saka ko hinayaan ang pagdaloy ng aking mga luha. "I love you. Alam kong nahihirapan ka na kaya salamat sa pagmamahal mo."

His love is the only thing stopping me from accepting Allison's offer. Natatakot akong pakawalan kung ano ang mayroon kami, ngunit tuwing naiisip ko lahat ng nagiging kapalit ng pagpili ko sa kanya, nadudurog lamang ako lalo.

My dad might die if he wouldn't have the operation he needs. Kung may milagro mang mangyari at maoperahan siya, he will still end up in jail. On the other hand, Sovereign might never get a decent job even after he graduates. Parang masasayang lang lahat ng sakripisyo ng mga magulang niya. 

He will need to work harder to earn barely enough so we can survive. Ganoong buhay ang daratnan ng mga anak namin. Ama na hirap kumita ng sapat na pera, lolo na nakakulong, at ina'ng habambuhay na sisisihin ang sarili niya dahil naging makasarili siya.

I sniffed. "Saluhan mo na ako, please. Gusto kong maghati tayo sa pagkain ko," pakiusap ko sa kanya.

Sovereign kissed the top of my head. Kumalas kami sa yakap ng isa't isa bago niya pinunasan ang aking mga luha. Pinagsaluhan namin ang pansit, at nang matapos mag-almusal ay nagpaalam na rin siyang pupunta na ng university para sa klase niya. 

I was already preparing to go to the hospital when one of our friends told me another bad news. Hindi raw approved ang thesis ni Sovereign at sinasabi ng school na may malaki pang balanse ang boyfriend ko sa tuition gayong dapat ay scholar siya ni daddy. 

Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang chat. The school didn't credit the scholarship grant anymore because of what happened to daddy's company. Sinabi raw na wala nang magbabayad ng halagang dapat ay mababawas. 

My teeth gritted. Allison . . .

Sigurado akong kasalanan niya ito! She's really doing everything she can to leave me no choice!

I sniffed. Hindi ko na muna sinagot ang kaibigan namin ni Reign. I went to the hospital as planned, hoping that I could think of ways to help Reign once I calm down. Ngunit nasa hallway pa lamang ako patungo ng hospital room ni daddy ay parang mawawalan na ako ng lakas dahil sa nakita. Nagtatakbuhan ang mga nurse at doktor patungo sa ICU. Ang isa ay binanggit ang pangalan ng daddy ko.

I rushed towards Daddy's room only to see his body convulsing. The lifeline monitor keeps on beeping due to his unstable vital signs. Pilit siyang nire-revive ng doktor at mga nurse habang nakatulala ako sa labas. My tears are trailing down my face as I watched my dad fight for his life. The guilt I am feeling clawed my heart even more as reality made me realize how powerless I am. 

Hindi ko tinatanggap ang alok ni Allison kasi takot akong mawala sa akin si Sovereign. But is keeping him worth it if we'll lose more than what we have?

Kumawala ang aking hikbi nang maging stable ulit ang vital signs ni Daddy. Lumabas naman ang doktor saka bumuntonghininga.

"Tatapatin na kita, Miss Loreno. Your father is barely hanging on a thread. He's running out of time. If we wouldn't be able to conduct the operation within twenty four hours, then I'm sorry. We've already done everything we could . . ."

Napaluha na lamang ako. Nang iwan ako ng doktor ay nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan saka ko ipinikit ang mga mata ko. My hand rested on my tummy as my heart breaks into pieces because I knew I am already running out of options.

Tuluyang kumawala ang aking hikbi nang tanggapin ko na sa sarili ko ang masakit kong pasya. 

"I'm sorry, mahal . . . pero kailangan kitang saktan alang-alang sa inyong lahat . . ."

DRIFTING BACK TO YOU (Exclusive In The VIP Group)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon