#WLADBlackExodus
Don't forget to comment and vote.
Enjoy reading!<3
*****
HALF MILLION
Catharina's POV
"Never get attached with your patient! Didn't they taught you this in school?!" Singhal ni doktora nang makalabas kami sa kwarto.
Nandito kami ngayon sa hallway kaya agad napunta sa amin ang atensyon ng mga dumadaan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa mga nanghuhusgang mga mata na nakatutok sa akin.
Tahimik lang akong nakatayo sa kanyang harap habang nakatingin sa baba. "Sorry po." Mahina kong hingi ng paumanhin sabay punas sa basa kong mata dahil sa kakaiyak ko kanina.
She was angry because of what I did earlier. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon at sana sinunod nalang agad yung DNR order but I just can't help it! It breaks my heart thinking that Jillian might still be alive right now if her guardian didn't requested that stupid DNR.
Though this case isn't new to me, 'di ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt na para bang first time kong ginawa 'yun.
"Tsk. If you're this weak hearted then you should quit before we receive a lawsuit!"
Mariin akong napapikit nang bumulyaw na naman ito. Pagkatapos nun ay agad naman itong tumalikod sa akin at naglakad paalis.
Medyo nasaktan ako ng konti 'dun sa sinabi niya pero 'di ko nalang masyadong dinibdib dahil wala naman akong mapapala at isa pa, sanay na ako.
In this field, getting scolded is not avoidable but you don't have to dwell on it. Dahil masisiraan ka lang ng bait kapag dinamdam mo ang lahat. This place is already full of negativity, you just need to toughen your heart to survive.
Move on and improve. That's all.
To be honest, I survived this area for 8 years by doing that it's just I have a weak spot for children kaya nasasaktan talaga ako kapag may nangyayari na tulad kanina lalo na kung matagal ko silang nakasama.
Malalim akong bumuntong hininga at nilingon ang mga taong naki-tsismis. Agad naman ang mga itong bumalik sa kanilang kaniya-kaniyang ginagawa na para bang walang nangyari.
I heaved a deep sigh for the second time.
Guess I'm gonna be a star for about a week now.
Lumapit ako sa pintuan ng kwartong pinanggalingan ko at bahagyang sumilip mula sa glass part nito. Nakita ko doon si Nurse Carlos na nililinisan ang walang buhay na katawan ni Jillian bago dalhin sa morgue.
I have no idea what lies after death but wherever Jillian is right now, I know she'll be fine.
"It's alright Rina, you did your best. Move on." I composed myself at napagpasyahang maglakad paalis doon.
*****
Third Person's POV
"Nandito ba 'yung anak ni Henry De Vera?" Wika ng isang lalaki sa guard ng ospital na pinagtrabahoan ni Catharina.
Nakasuot ito ng floral na polo na pinatungan ng itim na suit. Nakakaagaw pansin din ang malalaking golden chain necklace na nakapulupot na leeg nito. Nasa mga mid-40s na ang lalaki at parang isang gangster kung makatayo.
May kasama rin itong isang matangkad na lalaki na may nakakatakot na itsura. Mahaba ang buhok nito at may peklat sa pisngi na mas nakadagdag sa nakakasindak nitong dating.
BINABASA MO ANG
What Lies After Death
FantasyBeing a prisoner of her fvcked-up life, Catharina De Vera longs for a change that could release her from her own destiny. But as the oldest and the sole breadwinner of her household, the world was harsh to her. Not until an unexpected tragedy happen...