#WLADBlackExodus
Don't forget to comment and vote.
Enjoy reading!<3
*****
HEELS AND A MIDDLE FINGER CAN BE A WOMAN'S WEAPON
I spent the remaining days preparing for the engagement part, not physically but mentally. Inaral ko ang mga taong makaksalamuha ko sa pagdiriwang at kung paano ko sila haharapin.
Thanks to Eleazar and Caroline's constant pressure, Cosette has a good reputation in the whole Solaria. She was regarded as the perfect lady to be the future crown princess by most of the people especially those from Noblesse.
Aside from reading books and letters, I also busied myself learning a few dance steps. Its a good thing Madel is quite equipped with some waltz. They were not supposed to learn such things kaya natutunan niya lang raw ito tuwing pinapanood niya si Cosette na nag-ensayo noon.
She actually likes to dance.
'Di na bumalik si Mrs. Logan dito. She sent a letter to me earlier saying her youngest child is sick kaya sa capital nalang daw kami magkikita. Laking pasasalamat ko naman dahil hindi pa ako ready na harapin siya sa ganitong kalagayan.
"Teka lang break time muna." Reklamo ko saka pasalampak na umupo sa couch.
Kasalukuyan niya akong tinuturuan ng waltz dito sa loob ng kwarto ko. We have to do things secretly to avoid suspicion.
"Wala pa nga tayo sa kalahati my lady."
"Kahit na, nangangalay na ang mga binti at braso ko. I feel like I'll break anytime if we continue this."
Sinimulan kong i-massage ang mga binti ko. Kanina pa kasi kami pauli-ulit na nag-eensayo saka idagdag mo pang ang napakabigat na gown na suot ko. Bwisit talaga! Konti nalang at gugupitin ko na 'to pag ako 'di makapagtimpi.
"Pero pupunta na tayong capital bukas my lady. 'Di ka na makakapag-ensayo 'dun."
I rolled my eyes.
"Fine, but help me with this first."
Itinuro ko sa kaniya ang ribbon na nakatali sa likuran ng gown ko.
"Anong gagawin ko jan?"
"Tulungan mo akong hubarin 'tong letcheng gown na to."
Namilog ang mga mata ni Madel.
"Pero my lady-"
'Di na niya natapos ang magtutol nang pandilatan ko siya. I took off the heavy gown leaving a thin white dress which serves as an undergarment. Uso na ang panty dito kaso hindi pa ang bra kaya tanging tela lang ang ginamit ko pang yapos sa dibdib ko.
"'Yan mas komportable." Komento ko nang tuluyan nang mahubad ang gown.
I can't believe they call this dress an undergarment. Para lang kasi itong damit na karaniwang sinusuot sa loob ng bahay.
We resumed with my practice. Cosette has a flexible body kaya hindi ko nahirapang sundin ang mga steps na itinuro ni Madel.
Matapos ng dancing session namin ay napagdesisiyunan ko na maglibot muna sa garden. Naiinip na rin kasi ako sa loob ng kwarto. Sana nga lang wala akong makasalubong na Delacroix na ikakasira ng araw ko.
Hindi ko maiwasang mapamangha sa ganda ng tanawin. Iba't ibang klaseng bulaklak ang mga nakatanim dito.
Naikwento ni Madel sa akin na ang Duchess daw ang nagpagawa ng garden na 'to. Hindi man obvious pero mahilig daw ito sa bulaklak.
BINABASA MO ANG
What Lies After Death
FantasyBeing a prisoner of her fvcked-up life, Catharina De Vera longs for a change that could release her from her own destiny. But as the oldest and the sole breadwinner of her household, the world was harsh to her. Not until an unexpected tragedy happen...