CHAPTER 9

16 6 1
                                    

#WLADBlackExodus

Don't forget to comment and vote.

Enjoy reading!<3

*****

STRANGER


Mapwersa kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Cosette at agad dumeretso sa lavatory. Halos iluwa ko na ang buong bituka kakasuka kahit wala na akong nailalabas.

Nakaluhod na rin si Madel habang hinahagod ang likuran ko. 

Nang mahimasmasan ay nilinis ko ang sarili at bumalik sa kama at humiga.

Hindi ako makapaniwala na ganun pala kalala ang trato ng pamilya ni Cosette sa kaniya. I thought it was just a simple conflict but it is deeper than that. Pinagkakaisahan nila ako kanina. Para akong humarap sa Court of Justice dahil sa napakalaking kasalanan na nagawa ko.

Ano ba kasing ginawa ni Cosette sa lawang 'yun?

Did she really tried to kill herself?

Well hindi naman nakakapagtaka kung madedepress siya. The way her family treated her can be one of the causes. Na shock na nga ako kanina kahit first time ko pa silang nakasama, pano na kaya si Cosette na simula pa pagkabata.

Ibang-iba ang pamilyang Delacroix sa amin. Kahit mayroon man kaming mga misunderstandings noon, ay nareresolba namin agad. Kahit mahirap kami ay nagawa pa naman naming mamuhay ng masaya kahit papaano.

"Ito po chamomile tea, my lady. Pampakalma ng tyan niyo." 

Nilingon ko si Madel na may dala nang tray. Bumangon ako at hinarap siya.

"Were they always treating Cosette-I mean me like that?" I asked at kinuha ang umuusok pa na tyaa na dala niya.

Lumungkot ang mukha ni Madel. "Opo my lady. Kaya nga lagi kang ilag sa kanila eh. Siguro ang sama pero medyo nagpasalamat po ako nang mawala ang memorya niyo. Para kahit papaano ay maibsan ang bigat na dinadama niyo."

Tumingin siya sa baba dahil parang naluluha na ito.

I sighed.

"May nagawa ba akong masama para tratuhin nila ng ganun?"

"Wala po my lady." Mabilis na sagot nito sabay sunod-sunod na iling.

Nilapag niya ang tray sa side table.

"Sinisilbihan na kita simula nung ipinanganak ka, pero ni minsan ay hindi ka naging masama. You're sweet and kind my lady. Sadyang obsessed lang talaga ang Lord at Lady Delacroix sa pagpapalaki ng mga perpektong anak. Kaya naging malupit silang dalawa sa inyong magkakapatid, lalo na sa'yo."

"Bakit?"

Why would they do that? Hindi ba nila mahal ang mga anak nila?

"Because you'll be the future queen of Solaria Kingdom my lady."

*****

To quench my curiosity, pumunta ako sa library ng manor. I tried asking Madel more about this place pero limitado lang ang kaalaman niya.

Apparently, servants didn't receive education here at pinagbabawalan din silang makialam sa mga nangyayari sa labas ng pinagtatrabahuan nila.

I know it made no sense kasi lahat ng tao ay dapat magkaroon nga patas na karapatan lalo na sa edukasyon, pero kabaliktaran ang pamamalakad ng lugar na 'to. Nakakalungkot lang isipin na parang normal na ito sa kanila.

Napakalaki ng library. Sa tingin ko'y mahahanap mo na rito ang iba't ibang libro sa buong kaharian sa sobrang dami.

Walang ibang tao rito bukod sa dalawang maid na busy'ng nililinis ang mga cabinet.

What Lies After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon