A/N: Since this story has a little bit of medical scenes, I will be using some medical terms. That is why I'm gonna list those terms with their corresponding definitions for sa smooth sailing reading to those who haven't encountered them yet.
I hope this will also help you learn more!
Cardiac Monitor - A machine that monitors your heart rate and heart rhythm.
Congenital Heart Disease - A heart condition present since birth.
CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) - An emergency procedure that can help save a person's life if their breathing or heart stops.
DNR (Do Not Resuscitate) - Also known as Do not attempt CPR or Allow natural death is an order that indicates that a person should not receive CPR if their heart stops.
Happy Reading<3
*****
NURSE RINA
Catharina's POV
"Ito po 'yung listahan ng mga niresentang gamot at vitamins ni doc, ma'am. Deretso nalang po kayo doon sa pharmacy, mabibili niyo po 'to lahat doon." Magalang kong pagbigay ng deriksyon tsaka inabot ang isang maliit na papel sa nanay ng pasyente ko.
"Salamat nurse." She replied tsaka masuring binasa kung ano man ang mga nakalista doon.
"Walang anuman po." Wika ko naman at binaling ang paningin sa batang lalaki na naka-upo sa kama. Busy ito sa paglalaro ng kaniyang laruang robot na animo'y walang pakialam sa paligid niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang bata. Anlaki kasi ng ipinagbago nito kumpara noong una itong isinugod dito sa ospital dahil sa dengue.
He will be discharged today kaya kinausap ko pa ang nanay ng bata tungkol sa mga dapat gawin kapag naka-uwi na sila.
As a nurse, nothing could make me more satisfied than knowing that my patient will be walking away from the hospital.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa mag-ina at masiglang kinawayan ang bata na ginawa naman niya pabalik.
Muli na naman akong napangiti dahil sa ka-kyutan nito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko napiling mag-apply sa pediatric ward.
Mahilig kasi ako sa mga bata at bukod doon nakakawala ng stress ang ka-kyutan nila especially yung mga toddlers. Pero nakakalungkot lang isipin na ang bata-bata pa nila tapos dito na sila halos manatili sa ospital.
Tahimik lang akong naglakad sa hallway pabalik sa nurses' station nang mapadaan ako sa isang kwarto.
Mag-isang nanatili dito ang isa ko pang pasyenteng may congenital heart disease. Her name is Jillian. She is just ten years old at naging critical na ang kalagayan nito.
Kawawa nga kasi ang sweet at mabait pa naman ang batang 'yun. Isa siya sa mga pasyenteng pinakamalapit sa akin dahil sa halos limang buwan ko na itong nakasama.
Sa tingin ko aalis na rin sila next week, hindi dahil gumaling na siya kundi wala na silang sapat na pera para magtagal pa dito.
I tried to persuade them to stay pero 'di na pumayag yung guardian ng bata kasi sobrang laki na daw ng bayarin nila. Pareho na kasing patay ang mga magulang ni Jillian at tanging ang tita niya ang kumupkop sa kaniya.
I let out a deep sigh and decided to check on her. I slowly opened the door thinking na baka natutulog siya ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mata ko nang marinig ang malakas na tunog mula sa pinaroroonan ng bata.
BINABASA MO ANG
What Lies After Death
خيال (فانتازيا)Being a prisoner of her fvcked-up life, Catharina De Vera longs for a change that could release her from her own destiny. But as the oldest and the sole breadwinner of her household, the world was harsh to her. Not until an unexpected tragedy happen...