CHAPTER 4

22 7 2
                                    

#WLADBlackExodus

Don't forget to comment and vote.

Enjoy reading!<3

*****

REGRET


Third Person's POV

"Asan nga pala si Tatay?" Tanong ni Rina sa kaniyang kapatid na si Tine nang makabalik ito mula sa kusina.

Naka-upo pa rin si Rina sa kawayan na upuan at nakakandong dito ang bunsong si Tal-tal habang tinatalian ang kaniyang magulong buhok.

Magsasalita na sana si Tine ngunit hindi ito natuloy nang may marinig na boses.

"Andito na ako, may dala akong ulam."

Sabay silang naplingon sa may pintuan at bumungad sa kanila ang kanilang tatay na si Henry na nakatayo doon. Malawak ang ngiti nitong nakatingin sa kanila habang inangat ang bitbit na plastic.

Naka-crutches na ang tatay nila dahil wala na ang kanang paa nito dulot ng nangyaring aksidente apat na taon na ang nakalipas.

Tuluyan na itong pumasok at kasunod naman nito si Joshua. Binigyan niya ng masamang tingin ang Ate Rina niya nang magtama ang kanilang paningin. Ngunit pinanliitan lang siya ng mga mata nito pabalik.

'Pasaway na bata.' Isip ni Rina at mahinang napa-iling.

"Tatay!" Masiglang tawag ni Tal-tal dito. Lumapit ang bata sa kaniyang tatay matapos ayusin ang kaniyang buhok at nagmano. Sumunod naman sina Rina at Tine sa kapatid nila.

Inilapag ni Henry ang dalang ulam sa mesa ngunit agad nahagilap nito ang ulam na nakalagay din doon. 

"May ulam na pala kayo." Wika niya.

"Pinabili ko. 'Kala ko kasi mamaya ka pa." Sagot naman ni Rina habang nakatingin dito.

"Ah ganun ba." Tugon na lang nito at mahinang tumango.

Lumipas ang ilang minuto ay naluto na ang sinaing ni Tine kaya napagdesisyunan nang kumain ng pamilya.

Nasa hapag kainan nila ang ginisang sitaw na dala ng kanilang tatay at ang instant noodle na pinabili ni Rina kanina. Kahit hindi gaano ka-engrande ang kanilang ulam, masaya at masagana pa rin ang pamilyang De Vera sa pagsubo dahil grasya pa rin ito na pinagkaloob ng diyos.

Matapos nilang kumain ay naisipan ni Rina na kausapin ang kaniyang tatay patungkol sa nangyari kahapon.

"Tay pwede po ba tayong mag-usap?" Wika ni Rina at umupo sa tapat ng kaniyang tatay.

Silang dalawa na lang ang naiwan sa baba bukod kay Tine na naghuhugas ng pinggan. Umalis na naman kasi si Joshua dahil may gagawin daw itong school project kasama ang mga kagrupo niya habang si Tal-tal naman ay pumasok sa kwarto at doon naglaro.

"Sa alin ba 'yan Rina?" Nakataas ang dalawang kilay ni Henry habang nakangiting hinarap ang kaniyang anak. 

Nakita niya ang seryosong ekspresyon nito kaya agad siyang nakaramdam ng kaba. Hindi niya maiwasang mapa-isip kung ano ba ang pag-uusapan nila. Minsan lang kasi siya kinikibo ni Rina at kapag may importante lang itong sasabihin.

"Totoo bang may utang kayong five hundred thousand pesos two years ago?"

Agad nawala ang ngiti ng tatay ni Rina nang marinig ang kaniyang sinabi. Dahil doon ay nakumpirma niya na totoo ngang may utang ang tatay niya.

"Saan mo 'yan narinig nak?" Tanong pabalik ni Henry habang hindi makatingin sa kaniyang anak. May ideya na siya kung ano ang tinutukoy ni Rina ngunit hindi niya alam kung sino ang nagsabi sa kaniyang anak tungkol doon. Siya lang kasi ang nakakaalam nito.

What Lies After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon