CHAPTER 8

17 5 1
                                    

#WLADBlackExodus

Don't forget to comment and vote.

Enjoy reading!<3

*****

THE DELACROIX



Napagkaalaman ko na hindi pala normal para kay Cosette ang sumabay kumain sa pamilya niya. Nagkakasabayan lang sila kapag may mga bisita o 'di kaya ay may importanteng pag-uusapan. And it confirms only one thing, hindi nga sila magkasundo.

Are they inviting me for breakfast because of what happened last night?

Sinabi kasi sa akin ni Madel na nagkagulo raw ang buong Delacroix Manor kagabi dahil sa akin, kaya paniguradong papagalitan lang nila ako.

"Anyway my lady, why are you asking me all this? Did you lose your memory or something?"

Napunta ang paningin ko kay Madel na busy sa pag-aayos sa buhok ko. 

Oo nga pala no, sa pagkakaalam niya ay ako si Cosette. Wala siyang ideya na may ibang kaluluwa na pala ang sumapi sa katawan ng amo niya, kaya magtataka talaga siya kung bakit ko tinatanong ang mga bagay na dapat alam na ni Cosette.

What should I tell her?

Binalik ko ang mga mata sa repleksyon ko sa salamin. Ilang minuto na akong nakatitig sa mukha ni Cosette pero hindi pa rin ako nasasanay sa ibang klaseng beauty niya. 

"To be honest...I lost my memories after that night."

Hindi ko maiwasang mangamba dahil baka 'di kakagatin ni Madel ang pagsisinungaling ko.

Nilipat ko ang paningin sa kamay na busy kong pinaglalaruan. I'm not a good liar kaya 'di ko kayang makipagtitigan sa kausap ko kapag nagsisinungaling.

She gasped.

"Lord heavens! Seryoso ka ba my lady? Okay ka lang ba, may masakit ba sayo? Should I call the doctor?"

Napaangat ako ng tingin dahil nagsimula na itong maging hysterical. 

Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang pakalmahin ito. I never thought na maniniwala siya agad sa akin. I was an obvious liar kaya lagi akong nabibisto noon kapag nagsisinungaling, kaya 'di ko alam kung bigla ba akong gumaling sa pagsisinungaling or sadyang slow lang talaga siya.

"'Wag kang praning, I'm fine! Walang ibang masakit sa akin, it's just my memories." I assured.

"Pero my lady bakit 'di niyo po sinabi sa'kin agad? Kaya pala panay 'yung tanong niyo kanina, akala ko tuloy nasisiraan ka na-" Agad niyang tinakpan ang bibig nang marealize ang sinabi. "Sorry po." Dagdag niya pa.

She's not wrong though. Anyone would think I went crazy dahil sa pinagagawa ko kanina.

I sighed.

"It's fine. I just want you to help me regain my memories." Wika ko saka tumayo.

I need her to help me because this place and the people around Cosette are strangers to me. Wala akong chance of survival kapag hindi ko alam kung sino ang mga kinakaharap ko. 

Makikita sa mga mata nito na marami pa siyang gustong itanong sa akin ngunti nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig, na ipinagpasalamat ko naman. I can't lie to her again. Mukha kasi siyang mabait kaya nakokonsensya na ako.

"I'm at your service, my lady." Wika niya saka yumuko.

Hindi ko alam kung ano pang sasabihin kaya tinalikuran ko nalang siya at sinimulang pinagmasdan ang kabuoan sa full body mirror. I'm wearing a navy blue dress na may embroidered white laces sa gitna. Hanggang siko ang taas ng manggas nito na meron ding mga lace na palamuti.

What Lies After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon