CHAPTER 10

21 7 0
                                    

#WLADBlackExodus

Don't forget to comment and vote.

Enjoy reading!<3

*****

NORMS AND HEAVENLY CREATURE



"Do I know you?"

I was tensed the whole time kaya hindi ko nagawang makapagsalita, not until we got out.

He abruptly paused kaya pati ako ay napahinto rin. Lumingon ito sa akin at ang unang nakakuha ng pansin ko ay ang asul nitong mga mata. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa'kin at marahang nag-bow.

"Pardon my late introduction, my lady, I'm Klaus Hastings. I believe we met before." Nakangiti nitong wika.

Shit, what am I supposed to do? I don't have a single idea who he is.

I smiled awkwardly.

"Oh right, Mr. Hastings." I lied pretending to know him.

Just like the people I knew, this guy is also good-looking. He has this 'good guy' vibes because of his innocent features. Idagdag pa ang pagiging palangiti nito. He also looks rich base sa magarang pananamit nito na bumagay sa kaniya.

Ang dami namang pogi rito, nabubusog na ang mga mata ko sa kanila.

"Anyway, how did you know I was there?" Muli kong salita.

"I was walking back to my lodge from a business meeting and I heard a scream. By the way, are you fine my lady? Pasensya na kung hinila kitang walang paalam." Wika nito at napakamot pa sa ulo.

"I'm good. Thank you for saving me Mr. Hastings."

"Klaus. Call me Klause my lady."

I nodded.

"Okay, thank you Klaus. How can I repay you?"

Muli na namang sumilay ang ngiti sa kaniyang bibig. He looks kind, maybe that is why I don't feel threatened with him, unlike those Delacroix people.

"There's no need my lady. It's already an honor for me to help you." He paused and looked at me. "But if you'll insist, a nice dinner would be good."

"My lady!"

Pareho kaming napalingon kay Madel na patakbong papalapit sa amin. May mga nakasunod pa na kawal sa kaniya.

Hinihingal itong huminto sa tapat namin.

"Lady Cosette ayos ka lang po ba? Saan ka ba kasi nanggaling my lady, kanina pa kita hinahanap. Akala ko napano ka na." Puno ng pag-alala na bungad ni Madel.

"Buhay pa naman ako Madel kaya kumalma ka jan."

"Sigurado ka po? Baka ipakain ako ni Lord Delacroix sa lion kapag may nangyaring masama na inyo." Mangiyak-ngiyak niya pang saad habang sinusuri ako, ngunit natigilan din naman nang mapansin ang kasama ko.

"Greetings Mr. Hastings." She slightly bowed na tinanguan lang ni Klaus.

Binalingan ako ni Madel gamit ang mga nagtatanong niyang mga mata.

"Ah! Naligaw ako kaya tinulungan ako ni Klaus." Paliwanag ko ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ni Madel.

Hindi ko mawari kung bakit ganun nalang ang naging reaksyon niya. Wala namang mali sa sinabi ko.

"Ganun ba...thank you Mr. Hastings for saving our lady, now please excuse us." May halong kaba na salita ni Madel at muling nagbow kay Klaus.

What Lies After DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon