CHAPTER 6 -WHERE ARE YOU?

97 27 43
                                    


~•~

SYLVANA's POV;

      TULALA AKONG NAKATINGIN sa labas ng kotse namin. Mahigit dalawang buwan din kaming nag-stay sa Canada, para tuluyang gumaling si Papa.

"Ano naman kaya ang problemang madadatnan natin sa bahay niyo pag-uwi natin?" biglang tanong ni Tita Kia.

"Kung bakit mas pinili niya ang hindi sumama sa'tin ay hindi ko alam." ani papa. Napaiwas ako ng tingin dahil dun.

Ang alam ni papa ay sinadyang magpaiwan ni Zeph sa pinas kaysa sumama sa'min sa ibang bansa. Todo hanap pa si Papa sa kanya nang magising siya, kaya nakapagsinunggaling kami para huwag siyang ma-stress ng sobra.

"Malamang ay gusto niyang magpagala-gala, parang hindi mo naman kilala ang anak mo'ng 'yonn kuya." si tita Kia ang sumagot.

To be honest, nakokonsensya ako sa ginawa ko kay Zeph. Sobrang harsh ng mga nasabi ko sa kanya noong araw na inataki si Papa. Hindi ko dapat siya sinisi ng ganon, unang-una, hindi naman niya sinadya ang nangyari.

Pumasok sa isip ko ang itsura ni Zeph no'n, parang may iniinda siyang karamdaman. Gusto ko siyang lapitan at tanungin, pero natatakot akong baka tanggihan niya ang tulong ko.

"Musta si Zephy, Jeff?" tanong ni Mama sa family driver naming si Kuya Jeff.

"Hindi ko po siya nakikita, Ma'am. Simula nang atakihin sa puso si Sir." sagot ni Kuya Jeff. Agad akong napatingin sa kanya na may pagtataka.

"Paanong hindi nakikita? Hindi ka ba umuuwi sa bahay?" takang tanong naman ni Mama.

"Madalas nga po ako sa inyo, Ma'am. Kaya lang po hindi ko nakikita si Zephy na umuwi ng bahay niyo," tugon ni kuya Jeff.

"Baka nagkasalisihan lang kayo," ani tita.

Posible nga 'yon, pero kung madalas nga'ng magpunta si kuya Jeff sa bahay tapos hindi nakikita si Zeph, parang nakakapagtaka naman masyado.

Napansin kong bumuntong-hininga si Papa. Binalik ko na lang ang tingin ko sa labas ng sasakyan.

Nakarating din agad kami sa bahay, buti at hindi gaanong traffic. Pagpasok na pagpasok ko palang ng bahay ay ramdam ko na agad ang katahimikan. Umakyat na agad ako sa kwarto para ilagay ang mga gamit ko, napadaan ako sa kwarto ni Zeph, at sinilip ito. Walang tao at maayos ang pagkakatupi ng mga kumot.

"Oh, andito ka pala, Anak." biglang sulpot ni Mama.

"Napadaan lang po."

"Hindi ko alam kung nasa'n ang kapatid mo na 'yon," may halong pag-aalalang sabi ni Mama.

"Baka po nakituloy muna sa kaibigan niya."

"Sana nga, hindi ko alam kung paano sasabihin sa papa mo na iniwan natin dito ang kapatid mo." pilit ang ngiti ni Mama nang sabihin niya 'yon.

"Maiintindihan po yan ni Papa, Ma. Ginawa lang po natin yun para sa ikabubuti ng kalagayan niya. Yun din naman ang bilin ni doc." pagpapagaan ng loob ko sa kanya.

"Salamat, nak. Sige na pumunta ka na sa kwarto mo, bababa muna ako para magluto ng pananghalian natin." aniya saka ako tinalikuran.

Napatingin ako sa isang malaking Teddy Bear na kulay Pink, nakahiga ito sa kama. Pumasok ako ng room at umupo sa bed ni Zeph, saka binuhat ito. Napangiti ako nang makita ang name ko sa pendant ng kwentas nito.

Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari noon.

***

-FLASHBACK...

THE CHILD OF THE BLOOD MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon